Ang taon na ito'y nagbukas ng maraming oportunidad para sa young artist na si Rez Toledo, o mas kilala bilang Someday Dream.
Una ng dahilan dito'y ang pagkakahirang sa kanya bilang Breakthrough Artist for 2011 ng Yahoo OMG Awards.
Gayundin ay napili siya bilang MYX Celebrity VJ for June 2011, at naging guest performer para sa MYX Mo 2011.
Kamakailan lang din ay nag-launch siya ng kanyang unang self-titled album na Someday Dream.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Rez sa launching ng kanyang album noong Martes, Nobyembre 29, sa Club Phi sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City.
Nabanggit niya sa amin na napakahalaga ng time management ngayong pinagsasabay na niya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.
Kasalukuyan kasing third year college si Rez sa Ateneo de Manila University at kumukuha ng kursong BS in Management Information Technology.
"Parang back then, I stay in school lang. When you start working na, you need time management," saad ng 21-year-old music artist.
"I realize I have to sacrifice some activites...like sometimes I don't get to hang out with my friends, or watch a movie.
WHY SOMEDAY DREAM? Aminado si Rez na hindi pangkaraniwan para sa isang solo artist ang napili niyang pseudonym.
Pero ipinagmalaki niya sa amin na ang pangalan na ito'y nabuo mula sa malawak niyang imahinasiyon.
"It was really something random," nangingiting kuwento ni Rez.
"I made a list of different words, different compound words, actually.
"Ayon, tapos when I thought of Someday Dream, back then wala pa 'yong [song na] 'Hey Daydreamer.'"
Matapos niyang maka-isip ng kakaibang pangalan ay sinumulan na niya ang pagpapakalat sa Internet ng mga ginawa niyang kanta.




