Lilybeth Rasonable believes that, "To come up with drama shows that viewers can easily relate to, one has to be in tune with the emotions of the audience. That's easy for women."

Si Lilybeth Rasonable ang bagong officer in charge para sa posisyong senior vice president for entertainment ng GMA Network na nabakante noong nagretiro si Wilma Galvante.

Noong Pebrero 28, sa pamamagitan ng isang press release na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay inanunsyo ang promotion ni Lilybeth.

(CLICK HERE for related article)

Hindi biro ang posisyon ng lady executive dahil lahat ng shows ng istasyon ay dadaan sa kanya.

Maging ang final casting ng mga projects at mahahalagang aspeto ng produksiyon ay titignan niya.

WHO IS LILYBETH? Hindi nakapagtataka na napunta sa entertainment industry si Lilybeth.

 

Pagkapos niyang makumpleto ang kursongBroadcast Communication sa University of the Philippines (Diliman), pumasok siya kaagad sa mundo ng production.

Dalawampu't pitong taon na sa entertainment industry si Lilybeth.

Ang unang trabaho niya ay bilang production assistant sa Intercontinental Broadcasting Company (IBC-13), kung saan naging associate producer siya makalipas ang isang taon.

Kasabay nito'y naging freelance production coordinator at executive producer siya sa GMA Network.

 

Pero hindi nagtagal ay napunta siya sa Associated Broadcasting Company (ABC-5) at nagtrabaho bilang technical consultant for local production at freelance executive producer for film and television.

Noong sumunod na taon, naging bahagi siya ng GMA Marketing and Productions, Inc. bilang production manager.

Taong 1998 nung na-promote siya bilang assistant vice president for drama.

Makalipas ang labing-dalawang taon, na-promote ito bilang vice president for drama.

 

PRODUCED SHOWS. Sinabi ni Lilybeth sa artikulo ni Bayani San Diego Jr. sa isang major broadsheet noong Abril 29, 2010, na malaki ang kontribusyon ng mga babae sa mga ginagawang shows ng Kapuso network.

Naniniwala kasi siya na, "To come up with drama shows that viewers can easily relate to, one has to be in tune with the emotions of the audience.

"That's easy for women."

Drama ang tema ng pinaka-una niyang na-produce na programa sa GMA-7, ang Di Ba't Ikaw na pinagbidahan nina Jessa Zaragoza, Jao Mapa, and Jomari Yllana noong 1999.