Mga Kwentong Kwentista Sa Tindahan Ni Aling Toyang

<< < (38/523) > >>

Converted:
Quote from: Converted on April 21, 2008, 02:48:51 PM

Quote from: thywillprevail on April 21, 2008, 02:13:39 PM

YOU KNOW YOU ARE IN THE PHILIPPINES
BECAUSE YOU CAN FIND PEOPLE WHO
PRACTICE WHAT MOTHER TERESA PREACHES

though most of the time maraming problema
at gulo, kahirapan, pagkagutom, kalamidad,
krimen, pag kaka ingitan at di pagkaka unawaan
sa paligid ligid natin, PILIPINO PEOPLE are one of
best when it comes to pakikisama, pagtutulungan,
hospitalidad, pang unawa , pagiging positibo
at pananalig sa nasa TAAS


so let me share the guiding wisdom I learn from
MOTHER TERESA in which I always try to apply in my
daily life, and I believe I only have the capability do
do so cause I AM 100% a PILIPINO




Wala po ako sa kalingkingan ni Mother....  ;D

At hindi rin po ako si Father...  :D

Ako po ay simpleng mamamayan who just want to make a difference in others lives...

I hope you will watch Bruce Almighty... It answers the question: "How could I change the world?"

The answer is ARK ( an Act of Random Kindness at a time)

Ordinary people can build an ARK in this world.. in our own country... in our own community... in PEP...  ;D

Doing Ark work,

Converted


Rambo 4 is also an interesting story on committed love and service for people. I hope that you will also take time to watch it...

Converted:
Quote from: bryzanX on April 21, 2008, 03:08:09 PM

Quote from: Converted on April 21, 2008, 03:04:02 PM

Quote from: bryzanX on April 21, 2008, 03:01:18 PM

Quote from: Converted on April 21, 2008, 02:59:52 PM

Quote from: bryzanX on April 21, 2008, 02:51:50 PM

Quote from: thywillprevail on April 21, 2008, 01:31:19 PM

HI CONVERTED ;)

as elo said,  I also read some of your post, though
I cannot finish them sometimes coz my daugther who
owns the computer would always say "MOM, YOUR TIME IS UP"
so I have to give to my daugther her computer ganyan ako ka masunuring NANAY

anyway, I love your post and sana dagdagan
mo pa kasi not only that it is entertaining, may aral
na napupulot, even though PEP site is a SHOWBIZ RELATED SITE
maraming pilipinong nasa abraod ang may access dito
which can make this site a way of connecting all of us
who are lonely and missing our BELOVED PHILIPPINES

wala pa akong ma contribute for now
but one of this day I will share my piece
GOODLUCK and more power to you
you always have my support and
thanks for making PEP FORUM an entertaining
as well as an educational site ;)

YOU HAVE MY RESPECT not only as
a member but also as an individual   :)


yeah, you're right.PEP is more than showbiz bla-blas. I actually frequent the forums more than the news. this is a site where you can find everything! from funny friends with great sense of humor to demonic rivals.(kinda rude, eh?). you can really find all kinds od people here!


naiiyak ako....... :'( :'( :'(

hehehe!



bakit ka naiiyak?




napagana ko nanaman ang script writing skills ko! haha.


So, brian, pen your heart and mind, and build an ARK in this community...


di ko maprapramis yan! hehehe! depende sa kaharap ko! ;D ;D ;D but ill try to avoid fights, etc. hehe!


Brian, dont let other people control you... to control your reaction... to control what you're going to do...

and besides... in the fight... the loser is the one who will lose more from the mess...

In PEP, if you are debating and kinda throwing unkind words to a nobody... he doesnt lose anything... but if a somebody engages in a word war in this community... he will lose his integrity... and reputation....

Think about that...

Converted:
Quote from: kasukapamilya_suka on April 21, 2008, 11:10:34 PM

ANG KABABALAGHAN (PART II)
a story by Kasukapamilya_ suka
April 21, 2008


Naipikit ko na ang aking mga mata nang biglang may humampas sa harap ng bintana. Bigla akong napamulat ng mata, tumayo ang lahat ng balahibo sa aking katawan at nanlaki ang aking ulo.

Inaaninag ko kung ano ang nasa bintana. Ang lakas ng tunog ng pagaspas ng pakpak. Dumilim ang bintana dahil parang may biglang humarang sa liwanag na nanggaling sa buwan. Parang pakiramdam ko isang malaking bagay ang nakahambalang sa bintana tapos panay ang pagaspas ng pakpak, parang isang napakalaking ibon.

Ang ibon parang gustong pumasok sa bintana ng bahay. Hindi na ako makagalaw. Gusto kong sumigaw ng malakas ngunit parang may nakabara sa aking lalamunan. Grabeng kilabot ang naramdaman ko sa aking katawan.

Namalayan ko na lang na hinawi na ng ibon ang kurtina na nakatabing sa bintana. Noon ko lang namalayan na mayroong kamay pala ang malaking ibon. Unti-unti ko nang naaninag ang ang bagay na may pakpak. Mayroon siyang mukha, nakakatakot na mukha, hindi ko mawari kung mukha ng isang babae o isang lalaki. Panay ang pagaspas ng kanyang pakpak. Bawat pagaspas ng kanyang pakpak ay nakabuo ng hanging pumapasok sa bintana.

Pilit kong ginagalaw ang aking katawan, kailangang makasigaw ako dahil alam kong gising na gising ang aking diwa at hindi panaginip lang ang aking nakikita. Pilit kong sinisipa ang aking mga paa, pinagpapawisan na ako ng malamig. Nilingon ko ang aking tita ngunit tulog na tulog siya wariy walang naririnig sa malakas na pagaspas ng bagay na nakadungaw sa harap ng bintana.

Isang malaking tadyak at bigla kong naigalaw ang aking paa sabay balikwas at sigaw ng napakalakas. Bigla na lang may yumugyog sa aking balikat. Ang tita ko pala, tinatanong niya kung ano ang aking napanaginipan.

Tiningnan ko ang bintana, wala na ang malaking bagay na may pakpak. Alam kong hindi ako nananaginip dahil nakaupo ako. Tandang tanda ko pa kung ano ang aking nakita. Tinanong ko ang aking tita kung may nakita siya sa bintana. Ikinwento ko sa kanya kung ano ang bagay na aking nakita sa bintana.

Natawa lang aking tita sabay sabing iyon daw ang aking napala sa kakapakinig ng mga kwentong kakatakutan sa aking lola. Baka raw hindi ako nagdasal bago natulog. Kahit anong pilit kong paniwalaan nya ako na totoo ang aking sinasabi, hindi ko siya makumbinsi. Wala na akong nagawa ng sabihin niyang magpalit na lang kami ng higaan para makatulog ulit ako.

Kahit natatakot pa ako, natalo din ako ng antok. Hindi rin nagtagal ginising ulit ako ng tita ko dahil tumutunog na ang kampana ng simbahan.Haban g nag-aayos ako, hindi ko maiwasang maalala yung nakita ko sa bintana. Alam kong totoo yun at gising na gising ako. Malinaw pa sa king isipan ang hitsura ng bagay na iyon. Alam kong wala siyang paa ngunit mayroong mga kamay. Tandang tanda ko pa ang hitsura ng kanyang mga kamay, may mahahabang kuko na pilit inaabot ang aking katawan. Kinikilabutan pa ako.

Habang papunta na kami ng simbahan, panay ang kapit ko sa tita ko. Tawa siya dahil imbis daw na ako ang bodyguard nya, siya pa daw ang magtatanggol sa akin. Nang malapit na kami sa tinaguriang bahay ng asuwang at hindi ko mawari kung bakit tumatayo ang aking balahibo. Wala pa naman kaming kasunod na naglalakad.

Noong nasa tapat na kami ng bahay ng asuwang, pilit kong iniiwasang mapatingin dahil pakiramdam ko may biglang susulpot sa bintana. Laking pasasalamat ko nang makalampas kami at makarating ng matiwasay sa simbahan.

Habang nagmimisa na, nakalimutan ko na ang pangyayari. Nakarating na sa parte ng pagbibigay pugay at pagbabati ng kapayapaan sa bawat isa kaya napalingon ako para batiin ang nasa likod ko. Laking gulat ko dahil yung taong nasa likod ko kamukha ng nakita kong bagay na may pakpak sa bintana ng bahay ng tita ko. Bigla akong namutla at sabay kapit sa tita ko. Nagtanong siya kung bakit daw, binulungan ko na tignan ang nasa likod ko. Palingon niya, wala naman daw tao sa likod namin. Pagtingin ko wala naman talaga maliban sa nasa kabilang upuan.

Natapos na ang misa na hindi ako mapakali. Pag-uwi namin, marami na kaming kasabay kaya medyo kampante na ako habang dumadaan kami sa bahay na asuwang. Pagtapat namin sa bahay na yun nakita kong nakabukas na ang bintana at may taong nakadungaw. Medyo maliwanag na dahil palabas na ang sikat ng araw.

Laking gulat ko ng makilala kung sino yung taong nakadungaw. Siya yung nasa likod ko sa simbahan at siya din yung bagay na nakita kong may pakpak sa bintana ng bahay ng tita ko. Ngumiti pa siya sa akin at sabay kaway. Walang lingong likod na tumakbo ako habang nagsisigaw. Gulat nag tita ko pero hindi na niya ako napigilan.

Hindi na ako bumalik sa bahay ng tita ko at dumeretso na ako sa bahay namin. Nagulat ang mama ko na naabutan kong nagwawalis ng mga tuyong dahon sa harap ng bahay namin. Tinanong nya ako kung bakit ako humahangos at nasaan na daw ang tita ko. Wala akong maikwento sa kanya dahil alam kong hindi naman niya ako papaniwalaan. Mayamaya dumaan na ang tita ko at nagtanong kung bakit ko siya iniwan. Sabi ko na lang sa kanya na masama ang tiyan ko.

Umpisa noon kahit niyaya pa ulit ako magsimba ng madaling araw ng tita ko, hindi na ako sumasama sa kanya at hindi na rin ako nakikinig sa mga kwento ng lola ko.

Baka makakita na naman ulit ako ng mga kababalaghan.. ....



pahirap ng pahirap ang pag dya judge sa mga kwento ang gagaling ng mga kwentista...

sabi na isa kong kaibigan... totoo daw ang mga ganitong "nilalang."  Pero ang tanda kong sinabi nila... nagpapakita lang sila sa mga taong mahihina ang loob o yung alam nilang takot sa kanila....

ang mga nilalang daw na ito ay mga "bad spirit."

And my friend told me that we dont have to fear these bad spirits kasi may Spirit who conquers all fears... He gives comforts, wisdom, and strengths against all forms of evil...

Converted:
Quote from: thywillprevail on April 21, 2008, 10:45:52 PM

keep up the good work CONVERTED

you will always have my support
and thank you sa advice tungkol
sa parenting, I think my father
treated me the same way I treat
my children, they are my kids but
they are also my bestfriends buddy-buddy kami

My father was the one who teach me
that respect is earn not impose
takot akong gumawa ng kalokohan
when I was young coz my father
trust me so much that I am SCARED
to death to hurt him, my mother
is also a good example for me too
when I was growing up  - a typical
pilipina mother -ANAK MUNA BAGO SARILI
and willing to sacrifice herself, her own
happiness for the sake of her children-
parenting skills like this is the reason
why pilipino families are one of the
happiest (kahit naghihirap) families in the world

and one thing I can say sa pilipinas
kahit anong hirap ng pamumuhay
bihira ang nagpapakamatay
ang salitang STRESS maririnig mo lang
sa mayayaman pero sa normal na kababayan natin
kahit anong hirap masarap bastat magkakasama
di na kailagan ang karaoke bar
sa kanto lang sa tindahan ayos ng samahan
ayos ng pagkakaibigan ;)

one thing I really miss in the PHILIPPINES


nabasa ko din po ang mga post ninyo sa ibang thread and it reflects that you are well experienced person espcially on life abroad... you embraces the traditional values of a typical Pinoy... and I think this is one of your strengths...

And I know that whoever kababayan will visit you in your place.... that person will surely experienced hospitality to the max from thywillprevail ...

Keep up the good work...

converted

Converted:
Quote from: thywillprevail on April 21, 2008, 10:45:52 PM

keep up the good work CONVERTED

you will always have my support
and thank you sa advice tungkol
sa parenting, I think my father
treated me the same way I treat
my children, they are my kids but
they are also my bestfriends buddy-buddy kami

My father was the one who teach me
that respect is earn not impose
takot akong gumawa ng kalokohan
when I was young coz my father
trust me so much that I am SCARED
to death to hurt him, my mother
is also a good example for me too
when I was growing up  - a typical
pilipina mother -ANAK MUNA BAGO SARILI
and willing to sacrifice herself, her own
happiness for the sake of her children-
parenting skills like this is the reason
why pilipino families are one of the
happiest (kahit naghihirap) families in the world

and one thing I can say sa pilipinas
kahit anong hirap ng pamumuhay
bihira ang nagpapakamatay
ang salitang STRESS maririnig mo lang
sa mayayaman pero sa normal na kababayan natin
kahit anong hirap masarap bastat magkakasama
di na kailagan ang karaoke bar
sa kanto lang sa tindahan ayos ng samahan
ayos ng pagkakaibigan ;)

one thing I really miss in the PHILIPPINES



ang dami ko din pong natututunan sa inyo....

bawat paragraph ay may gintong aral...

ang sarap po siguro ninyong maging nanay...

wala na po akong nanay... she passed away two years ago... and I really missed her a lot... she is one of the dearest moms in the world... She is my number one encourager and fan whenever she hears me speak in some occassions...

Sana po ay patuloy kayong magpost kasi punong puno po talaga ng aral....

yung isang post ninyo dun sa isang thread tandang tanda ko po, na yung ibang pinoy sa ibang bansa, nabago lang ang kulay ng buhok, pag binati mo, titignan ka lang mula ulo hanggang paa... nakakalungkot po talaga iyon... pero totoo po talaga iyon...

I am so happy that the Filipinos in my place are very kind... we treat each other as family members....the moms often cook Filipino food kaya parang nasa pinas lang po kami... kaya medyo tumaba po ako kasi in my pad, i only cook simple food... di po kasi ako sanay magluto.....

So again, thywill, thank you for posting here...

converted

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

[*] Previous page