May 25, 2013, 01:25:32 AM
   Home   Help Search  
Pages: 1 ... 1419 1420 1421 1422 1423 1424 1425 1426 1427 1428 1429 1430 1431 1432 1433 [1434] 1435 1436 1437 1438 1439 1440 1441 1442 1443 1444   Go Down
  Print  
Author Topic: DINGDONG DANTES....  (Read 1011642 times)
pakiss_muna
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 21,737


DongYan Forever


« Reply #21495 on: December 14, 2011, 03:52:13 AM »

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio

 

Marami ang nagtataka kung bakit sa rami ng mga Kapamilya actor na lahat ay magagaling umarte ay isang Kapuso ang ginustong makapareha ni Kris Aquino sa Segunda Mano, isang entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

 

Ang sagot : bukod sa co-producer ang GMA 7 artist sa pelikula, ang pagtatambal ng da*lawa ay napagpasyahan na nung huling election campaign. Ang bossing ng GMA7 na si Annette Gozon Abrogar at namumuno rin ng GMA Films ang unang nag-suggest na magteam-up ang dalawa. Pero nung mapag-usapan naman ito ni Kris at ng Star Cinema, na isa sa magpoprodyus ng pelikula, mas ginusto nito na sa kanila na gumawa ng pelikula si Dingdong. Hindi naman nahirapan ang actor na hingin ang pagpayag ng kanyang network.

 

Gusto sana ni Kris na makatrabahong muli si director Chito Roño pero dahil abala ito sa isa pa ring horror movie nina Gob. Vilma Santos at Kim Chiu kaya kay Bb. Joyce Bernal na-assign ang pelikula.

 

“Sa simula pa lamang nang tanggapin ko ang hamon na magdirek ng isang suspense thriller ay natakot na ako. Akala ko kasi alam ko nang gumawa ng horror, hindi pala kaya takot na takot ako baka hindi nakakatakot ang magawa ko. Malaking tulong si Kris. Pinakagusto ko sa kanya ‘yung nagki-care siya sa movie, sinasamahan niya akong mag-isip ng mga details na baka nakalimutan ko. Nakikita ko agad ang reakasyon niya,” panimula ng director na nakilala sa kanyang mga rom-com movies.

 

Sagot naman ng presidential sister: “I care because nahihiya ako sa mga nag-invest sa movie. Ayokong pagsisihan nila ang pakikipag-co produce sa amin. Maski si Dong, puwede na lang kaming maging artista na lang. Pero I assure everybody, maganda ang pelikula namin. ‘Yung last 20 minutes ay pinakamagandan g experience na mararanasan ng lahat ng manonood. Itataya ko rito pati ang pa*ngalan ng pamilya ko,” paniniyak ni Kris.

 

Panay din ang papuri ni Kris kina Dingdong at Angelica Panganiban.

 

“Segunda Mano is Dingdong’s movie, puwede siyang manalo ng award for his role of a father na sobrang gustong mabuo ang kanyang pamilya. May mga kissing scenes kami na kailangang iretake dahil walang dating kay Direk Joyce. Hindi siya nasarapan. But I understand kung bakit hirap si Dong na halikan ako. Meron kasi siyang isang magandang girlfriend at perfect ang relationship nila.

 

“Wala naman puwedeng gumanap ng role ng wife ni Ivan (Dingdong) kundi si Angel. Matagal ko na siyang gusto, ever since inempersonate niya ako.Siya ang pinakagusto kong maging Kris. Nabubwisit nga ako sa kanya dahil kahit pinapapangit na siya ay ang ganda-ganda pa rin niya,” sabi niyang may pagbibiro.

 

 

Kasama rin sa Segunda Mano na ipinagdarasal ni Kris na mag- No. 2 ay si Helen Gamboa na gumaganap na ina niya.

 

Kung si Carla Abellana, pinag-iisipan pa kung saan pupunta pagka-expire ng kontrata niya sa GMA, si Toni Gonzaga, walang alinlangan sa pag*ri-renew niya sa ABS CBN. Tatlong taon muli ang pinirmahan niya sa Kapamilya Network. Nakakapitong taon na siya rito.
Logged

pakiss_muna
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 21,737


DongYan Forever


« Reply #21496 on: December 14, 2011, 04:01:07 AM »

DINGDONG DANTES AS BEST ACTOR. Sa formal question-and-answer portion ng presscon, tahasang sinabi ni Kris na dahil sa galing ni Dingdong Dantes sa Segunda Mano, dapat ito ang tanghaling Best Actor, hindi lang sa MMFF awards night kundi maging sa iba pang award-giving bodies next year.
 
Ilang beses nang nakatrabaho ni Direk Joyce si Dingdong sa TV at movies, agree ba siya sa sinabing ito ni Kris?
 
Saad niya, "Mahihirapan akong magsabi ng ganyan kasi hindi ako ganun masyadong makapuri.
 
"Pero yung ginawa naming Marimar, napabilib ako ni Dong dun and that's TV.
 
"Iba kasi ang pelikula, e, pati kaluluwa mo kita, e.
 
"Dito sa Segunda Mano, ibinigay ni Dong pati kaluluwa niya.
 
"Ang dami niyang ibinigay. Hindi mo hiningi, pero ibinigay niya."
 
Gaano kasarap katrabaho sina Kris at Dingdong?
 
"Alam mo, nakakatulong siguro na producers sila.
 
"They understand yung production, as in walang problema.
 
"Ang problema lang namin sa technical aspect, pero sa ibang bagay, okay lahat.
 
"Sa mga actors, wala, walang problema.
 
"Sa mga producer ko, okay lahat."
 
ANGELICA PANGANIBAN. First time ding makatrabaho ni Direk Joyce si Angelica Panganiban.
 
Kumusta naman ang experience niya sa aktres?
 
"Si Angelica, gusto ko talagang makatrabaho 'yan, e.
 
"Meron na kaming nagawa dati, pero parang isang eksena lang yun.
 
"Ito yung buong movie talaga.
 
"Gusto ko siyang makatrabaho at gusto ko pa ulit siyang makatrabaho.
 
"First day niya with Dong...Alam mo yung meron kasing artista na kapag may boyfriend kang artista dumarating sa set na nararamdaman mo na, 'Direk, huwag kang ano, ha. May boyfriend ako.'
 
"E, mag-asawa sila ni Dong [sa pelikula]. So, hindi niya ipinaramdam sa akin yun.
 
"Dito sa movie, puwede niyang gawin kahit ano, bigay agad, sobra."
 
Artista rin kasi ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay.
 
Pero dagdag pa ni Direk Joyce, maging kay Dingdong ay ipinaramdam ni Angelica na walang bawal na eksena.
 
"Feeling ko, pina-feel niya si Dong na kumportable.
 
"Working with Star Cinema and ABS-CBN, yung ganung atmosphere.
 
"Kasi alam naman natin na galing sa GMA si Dong.
 
"So, binigay ni Angel yun kay Dong. So, may concern."
Logged

pakiss_muna
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 21,737


DongYan Forever


« Reply #21497 on: December 14, 2011, 04:05:32 AM »

HINDI awards ang habol ni Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival para sa pelikula nila ni Dingdong Dantes at Angelica Panganiban na Segunda Mano, kundi ang maging number 2 ito sa takilya.
 
“Alam naman natin kung sino ang magna-number one, ang Enteng Ng Ina Mo nina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto kaya hindi ko na ‘yun ina-asam. Ang maging number 2 sa box-office ang Segunda Mano, masaya na kami doon,” say ni Kris sa presscon ng movie.
 
Tumuntong din si Dingdong sa bakuran ng Kapamilya Network dahil sa movie. Bilib kami sa galing mag-host ni Kris para sa kanyang leading man dahil talagang super-asikaso niya ang aktor para nga naman hindi mailang.
 
Ang Segunda Mano ay produce nina Kris, Dingdong, Star Cinema at ng MGM Productions.
 
Horror ito at ipinagmamalaki ni Kris dahil napakahusay daw ng kanilang director na si Bb. Joyce Bernal.
 
“This is a horror movie, pero masasabi ko na ang pelikulang ito ang pinaka-da best na nagawa ko. Kakaiba siya. Ibang-iba sa lahat ng horror movie na nagawa ko na,” hirit pa ng Queen of All Media.
 
Ang Segunda Mano ay horror-suspense entry sa MMFF na may love angle na ikasa-shock ng moviegoers dahil may kakaiba itong tragic twist.
 
After ng presscon, may nagtanong kay Dingdong kung magge-guest siya sa Showtime kung saan ang isa sa host ay ang ex-GF niyang si Karylle.
 
Para hindi maasiwa, si Kris na ang sumagot sa tanong.
 
Say ni Kris, foul na tanungin si Dingdong ng ganu’ng question dahil minsan lang naman daw tumuntong si Dingdong sa ABS-CBN. Huwag naman na daw intrigahin ang dyowa ni Marian Rivera. - Beth Gelena
Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21498 on: December 14, 2011, 08:57:25 PM »



Watch Dong in The Bottomline with Boy Abunda this saturday, Dec 17 @ 1130pm.
Logged

allisonpep
PEP Newbie
*
Offline Offline

Posts: 24


« Reply #21499 on: December 15, 2011, 12:19:36 PM »

So how's the "expensive" gift that here beautiful girlfriend gave him? Smiley
Logged
ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21500 on: December 15, 2011, 08:23:09 PM »

Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21501 on: December 15, 2011, 08:35:42 PM »

Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21502 on: December 16, 2011, 08:36:00 AM »

good morning Smiley
Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21503 on: December 16, 2011, 11:59:54 AM »

iamdongdantes Dingdong Dantes
Leaving for bacolod now. Happy friday everyone!
Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21504 on: December 16, 2011, 02:58:39 PM »

‎9 days to go before Christmas! Don't forget to watch Panday 2 and Segunda Mano this December 25, 2011! #MMFF2011
Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21505 on: December 16, 2011, 07:04:04 PM »

Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21506 on: December 18, 2011, 01:20:54 PM »

Mga Kapuso, let's help our brothers and sisters in CDO&Iligan. Call in your pledges to GMA Kapuso Foundation at tel nos 9284299 or 928-9351.

http://www.kapusofoundation.com/donate
Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21507 on: December 19, 2011, 01:02:26 PM »

AGB Sunday PPL Prime Ratings: PROTEGE 12.1 PBB 6.2 TP 6.4 Kayo ang tunay na panalo Protege Nation! Maraming-maraming salamat sa walang sawang paniniwala sa pinakamalaking reality singing search na gawang Pinoy!
Logged

simplynora
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 37,649


"Who am I"


« Reply #21508 on: December 21, 2011, 11:15:40 AM »

DYnamics DongYan
Kris Aquino cries after reading movie script requiring her to do love scene; prays hard for Dingdong Dantes to win Best Actor

Rose Garcia

MAKE DINGDONG WIN! Ano ang mero'n sa Segunda Mano na pati buhay ng angkan niya ay itinaya na niya sa pagsasabing siguradong magagandahan ang manonood at mapapa-"Oh, my God!' sa ending ng pelikula?

"Alam ninyo kasi, like Toni, siguro when you were working with My Amnesia Girl, ipinasa-Diyos mo na lang.

"'God, bahala ka na. We gave our very best. We feel it's a good product. But ultimately, yung mga manonood ang magdya-judge.'

"Ngayon, ang feeling ko, it's total surrender, Boy.

"Alam ko na malaki ang ginastos.

"Pinakitaan ako ng figure before coming here on what's were going to hit before the return of investment.

"Pero ang masasabi ko talaga, the trailer that you're seeing is not even two percent of what the movie will give you."

Dugtong pa niya, "Kasi ang pinaka-critical sa buhay ko, nakanood na sila ng portion.

"Si Vice Ganda, nanood noong nagda-dubbing ako and Vice told me, 'Alam mo, matagal na nating alam lahat na si Angelica Panganiban, sobrang galing na artista.

"'Kayo ni Dong [Dingdong Dantes], question mark.' Ginanun talaga niya ko.

"E, I mean, di ba? Alam naman natin si Vice. Kaya ko siya mahal at mahal mo siya.

"Pero, napamura siya.

"Yung mura na nag-i-start sa letter P. Tapos sinabi niya, 'P,' napakahusay ninyong dalawa.

"Sa kanya nanggaling yun. Sinabi niya na, 'Yung eksenang 'yan, paano nagawa 'yan?'

"You know, it's really a movie about three characters kaya simpleng sundan.

"But it's a question of second chances. Lahat tayo, gusto nating mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

"But I hope, umalis kayo do'n sa movie na 'yan na while I'm living my life, I don't want a second chance.

"Kasi, gagawin ko na ang lahat ng maganda and mabuti ngayon.

"So, I won't need a second chance. Yun ang ano talaga...magan da.

"Lahat ng gulat, takot, at lahat ng tumbling. Tumbling talaga at lunod, ginawa ko na dito."

PRAYING FOR HER LEADING MAN. Bukod kay Vice, ang assistant ni Boy na si Phillip Roxas ay sumasama rin daw kay Kris at napanood daw nito ang dubbing ng movie.

Nang kumustahin daw ni Boy kay Phillip ang Segunda Mano, sinabi raw nito na maganda ang pelikula.

Tulad ni Nancy Yabut, ang executive producer ng The Buzz na nakasama raw ni Kris sa shoot ng Olay commercial, ang nagpapatunay na madali at generous na katrabaho si Kris.

Tinawag din ni Kris si Phillip. At sinabi nga ni Phillip na dapat daw manalo ng Best Actress si Kris for Segunda Mano.

Pero consistent si Kris sa pagsasabi na more than her, si Dingdong talaga ang gusto niyang manalo.

Ayon kay Kris, "'Huwag na po. Huwag n'yo na po akon papanalunin.

"Si Dingdong po ang papanalunin n'yo. I keep praying.

"You know that, Boy. I'm praying an extra rosary. I'm praying to all the saints.

"I'm praying at pati sa Victory [church], pumupunta na 'ko. Lahat talaga.

"Ipinagdarasal ko talaga si Dingdong Dantes because this is the performance of his lifetime talaga."

Natatawa naman si Boy sa hirit ni Kris na pati sa Victory, nagpunta siya.

Pero pinatotohanan ito ni Kris sa pagsasabing, "Yes, I went to Victory and they liked me.

"Dinala ko ni Anne Curtis. Pati sa Born Again, go ako!"
Logged

ding12
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 34,337


« Reply #21509 on: December 22, 2011, 02:53:58 PM »

Watch KrisTV (Abs-Cbn) tomorrow @ 9:35am. Dong is their special guest.
Logged

Pages: 1 ... 1419 1420 1421 1422 1423 1424 1425 1426 1427 1428 1429 1430 1431 1432 1433 [1434] 1435 1436 1437 1438 1439 1440 1441 1442 1443 1444   Go Up
  Print  
 
Jump to: