|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21555 on: January 09, 2012, 10:55:12 PM » |
|
ngay ko palang napanuod ang mga guestings ni dd last xmas.......... ..
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21556 on: January 10, 2012, 05:06:55 AM » |
|
oe Barrameda (Abante)
Halos wala na tala*gang pahinga si Dingdong Dantes. Imagine, katatapos lang ng movie nila ni Kris Aquino na Segunda Mano, heto at sinisimulan na nila ni Marian Rivera ang My Beloved.
Pero, ang *maganda kayDingdong,kahit *sobra-sobra ang trabaho niya at pagtulong sa kapwa, hindi mo siya makikitaan ng pagod o kahit na anong reklamo.
Kaya hindi kataka-*taka na magtuluy-tuloy ang blessings kay Dingdong ngayong 2012.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21557 on: January 10, 2012, 05:15:31 AM » |
|
Ni Nora V. Calderon INI-RELEASE kahapon ni MMDA Chairman and Executive Chairman ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) Atty. Francis Tolentino ang official total gross income ng katatapos na filmfest na nagsimula noong December 25, 2011 at natapos noong Sabado, January 7, 2012. (Editor's note: Sa ibang mga sinehan ay patuloy na ipinalabas ang ilang entry. Nitong nakaraang Linggo ay nakita naming palabas pa rin sa Gateway Cineplex ang Enteng ng Ina Mo, Segunda Mano, at Asiong Salonga. Ayon sa takilyerang nakausap namin ay marami pa rin daw ang mga nanonood ng naturang mga pelikula.) Narito ang total gross income: (1) Enteng ng Ina Mo * P237,879,178.70 (2) Segunda Mano * P126,630,979.00 ( 3 ) P a n d a y 2 P105,603,500.25 (4) Househusband, Ikaw Na * P62,074,350.25 (5) Shake, Rattle & Roll 13 * P55,484,185.89 (6) Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story * P38,437,416.80 (7) Yesterday, Today & Tomorrow * P10,682,902.35. Ang total gross income ay P636,792,509.57. Mas mataas ito kaysa total gross income in the 2010 MMFF na P540,508,031.60 na ang target income din sana nila ay P600 million, pero hindi naabot. Lumampas ng P36.7-M ang total gross income ngayon sa target ng 2011 MMFF.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21558 on: January 10, 2012, 05:17:20 AM » |
|
Jun Nardo Magpapatikim sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa huling linggo ng Amaya dahil may special appearance ang aktor. Sa guesting ng aktor, natupad ang pangarap ng followers ng dalawa na maging bahagi siya ng epicserye ng girlfriend. Sa February 13 pa kasi ang telecast ng reunion program nilang My Beloved. Guwapung-guwapo nga ang dating ng aktor sa TV plug na ikinakikilig ni Marian. “Hanggang ngayon naman, kinikilig pa rin ako sa kanya, ‘no? Minsan kasi… Ang maganda sa amin ni Dong… Minsan kasi, busy ako sa taping… ’Ano ang gagawin mo?’ Example lang. Saturday wala akong gagawin. Okey, date tayo. “So bulagaan kaming dalawa. Mag-aayos ako. Mag-aayos siya. Parang first day na naman. Parang ganoon. Hindi kami nawawalan ng ganoon kaya siguro mas tumatatag at kaeksa-exciting ang relationship namin!” pahayag ni Marian nang bisitahin namin sa huling taping days ng Amaya. Ayon sa isang interview kay Dong, kumpleto na raw ang buhay niya dahil sa kanya. “Sa*lamat naman! Sala*mat! Mabuti naman at palagi namang…Wala namang araw na hindi niya sinasabi sa akin na thankful siya at pinapasaya ko siya at masaya siya sa kung anong meron kaming dalawa! Ang saya na kaming da*lawa!” reaksyon ng Primetime Queen ng GMA. Meron ba siyang takot sa relasyon niya kay Dingdong? “Takot? Isa lang ang kinatatakutan ko! Ang mawalan ng mahal sa buhay! Pero the rest, alam ko na hanggang buhay, may paraan, may solus*yon, so bakit ka matatakot? Kapag wala na, doon ka matakot! ‘Yung, walang buhay! ‘Yun ang pinaka-kinatata*kutan ko at ayokong isipin sa buhay ko!” katwiran ng aktres.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21559 on: January 10, 2012, 05:21:08 AM » |
|
Matatag man ang relasyon nila ni Dingdong, wala pa rin talagang marriage proposal na nagaganap. “Dati kasi nagdyu-joke kami pero hindi pa ganoon kalalim ang relationship namin. Pero ngayong lumalalim na ang relasyon namin, parang wala na sa amin ‘yung, ‘O, ganito tayo, huh!’ Hindi kami nagdidetalye, eh. “Si Dong kasi ‘yung taong masorpresa. Na may binabalak na hindi mo akalaing gagawin niya. At ganoon din naman ako sa kanya! Ayokong pakiramdaman kasi may mga tendency na aasa ka! Tapos, wala! Pangungunahan mo, tapos, hindi ka na mai-excite! Pa*ngit eh!” diin ni Yan-Yan. Pero anytime ba na yayain siyang magpakasal ni Dong, papayag siya? “Ibang klase naman ako kung sasabihin kong hindi! Pero check ko muna ‘yung contract ko! Ha! Ha! Ha! Okey, check! May isa pa. Check ko muna kasi may ini-endorse pa ako na hindi basta puwede. Ha! Ha! Ha! Wait, let me check my sked! Ha! Ha! Ha!” tugon ng aktres. Siyanga pala, ano ang feeling niya’t magkasama sa Legacy sina Heart Evangelista at Lovi Poe? “Ano naman sa akin? Ha! Ha! Ha! Ano ba? Ha! Ha! Ha!” bulalas niya. Sabi ni Heart, willing na siyang makipag-ayos sa kanya. Anong sey niya? “Okeyyyy! Okeyyyy! Okeyyy!” paulit-ulit na sambit lang ni Marian.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21560 on: January 10, 2012, 05:26:04 AM » |
|
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Cute naman si Dingdong Dantes nang umapir sa programang Gandang Gabi Vice. Kahit alam mong na-shock ito sa walang patumanggang palitan ng salita ng magkaibigang Vice Ganda at Kris Aquino, magaling niyang naitago ang kanyang re*ak*siyon. Napakabait din ng GMA 7 para payagan itong lumabas sa programa ng ABS-CBN para lamang makapagpasalam at sa mga nanood ng Segunda Mano na ngayon ay nasa ikalawang posisyon na sa box office. Maraming balak ngayon ang premyadong Ka*pu*so actor. Bukod sa pagtatapos ng kolehiyo, ba*lak din nito na ipagpatuloy ang kanyang pagpoprodyus ng pelikula. Nakatakda nang maipalabas ang pinrodyus niyang Aswang Chronicles. Obvious din na malalim na ang samahan nila ni Marian Rivera. Hindi na ito nawawala sa kanyang mga interviews at maliwanag na ang pagiging seryoso ng kanilang relasyon.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21561 on: January 10, 2012, 05:44:08 AM » |
|
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Masaya ang guesting nina Kris Aquino at Dingdong Dantes sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda sa ABS-CBN. Nagpahayag sina Kris at Vice na type nilang mag-cameo sa My Beloved nina Dingdong at Marian Rivera pero malabong mangyari ito. Nagulat ang mga viewers nang i-promote ni Dingdong sa show ng ABS-CBN ang My Beloved nila ni Marian. Sa Feb. 13, ang pilot nito sa direction ni Dominic Zapata.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
ding12
|
 |
« Reply #21562 on: January 10, 2012, 10:24:59 PM » |
|
hellooo mga dongyans 
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
ding12
|
 |
« Reply #21563 on: January 11, 2012, 01:32:00 PM » |
|
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21564 on: January 11, 2012, 09:46:16 PM » |
|
amdongdantes Dingdong Dantes Makibahagi sa huling 3 gabi ng Amaya. Congratulation s sa mga bumubuo nito! Mahusay! Mainam! 6 hours ago Favorite Retweet Reply anagfeleo Ana Feleo @iamdingdongdantes great seeing you at the set  perfect magellan! took a pic of you during your take. pic.twitter.co m/Bp8YUS19 6 hours ago Favorite Retweet Reply cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21565 on: January 11, 2012, 11:34:00 PM » |
|
iamdongdantes Dingdong Dantes I am so proud of how Marian portrayed "Amaya"in the series. Indeed, this is something world class that all Filipinos can brag about.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21566 on: January 12, 2012, 10:59:23 PM » |
|
sang sorpresa, lalo na sa fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang cameo role ng aktor sa finale episode ng pinagbibidahan g epic-serye ng aktres, ang Amaya.
Gaganap si Dingdong bilang ang Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan, na ayon sa kasaysayan ay napatay ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan noong 1521.
Mapapanood ang paglabas ni Dingdong sa huling episode ng Amaya bukas ng gabi, January 13.
Pero bago ito, naging malaking sorpresa rin ang muling pagtatambal nina Dingdong at Marian sa upcoming GMA Network-7 primetime series na My Beloved.
Ito ay matapos palitan ni Marian ang orihinal na leading lady ni Dingdong sa serye na si Rhian Ramos—na nagdesisyong magpahinga muna sa showbiz sa gitna ng kontrobersiyan g kinasasangkuta n bunsod ng breakup nila ni Mo Twister.
Kung hindi ito nangyari, wala pa sanang kasiguraduhan kung kailan magkakaroon ng katuparan ang hiling ng fans nina Dingdong at Marian na muli silang magtambal.
Pero sa pagtatapos ng Amaya, tila may patikim na ang DongYan—kilalang tawag sa loveteam nina Dingdong at Marian—sa kanilang mga tagahanga at manonood.
Noon pa man, kapag tinatanong si Dingdong kung willing siyang mag-guest sa Amaya, positibo tuwina ang sagot niya.
At ngayon nga, sa pagtatapos ng Amaya, ay natuloy ang asam noon ng marami na magkaroon siya ng guest role dito.
Sa pamamagitan ng text message ay nakausap ng pep.ph si Dingdong kahapon, January 11.
Tinanong namin ang aktor kung paano nabuo ang guest role niya sa Amaya.
Ayon kay Dingdong, na may dugong Español, hindi talaga planado ang pagge-guest niya bilang Ferdinand Magellan sa show.
Nabanggit lang daw ni Marian sa kanya ang magiging pagtatapos ng Amaya.
Ani Dingdong, "Marian mentioned to me the final scenes, as a gesture to show support, I offered to do the cameo for Ferdinand Magellan."
Bukod sa pagpapakita ng suporta sa girlfriend, ipinagmamalaki rin ni Dingdong na kahit paano ay naging bahagi siya ng Amaya.
"More importantly, it is a great honor to be part of GMA's top show that makes us all proud as Filipinos.
"Kahit papaano, naging bahagi ako ng kasaysayan dahil sa malawak na naibibigay ng Amaya sa larangan ng entertainment at education.
"Higit sa lahat, I am so proud of Marian's portrayal as Amaya.
"Nakakatuwa at nakaka-inspire ang pinagdaanan niya at ng buong cast kaya ako'y isang fan ng epic-serye.
"Lalo na nga at nag-shoot ako ng eksena ko, mas na-realize ko kung gaano ako kasuwerte na maging bahagi nila kahit papaano," pahayag pa ni Dingdong sa text message niya sa PEP.
Dahil sa pagganap niya bilang Ferdinand Magellan, nagbato ng hypothetical question ang PEP kay Dingdong: Kung sakali at muling maisipan ng Kapuso network na gumawa ng epic-serye, gusto kaya niyang siya naman ang maging bida rito?
"Kahit anong role basta't na-excite ako, okay sa akin," sagot ng aktor.♥
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21567 on: January 13, 2012, 12:44:02 AM » |
|
Alfie Lorenzo (Abante)
Nalulungkot naman ako at magtatapos na ang paborito kong epic-serye na Amaya ni Marian Rivera ngayong gabi sa GMA-7.
Pero, kaabang-abang nga ang huling pagtutuos ni Amaya (Marian) laban sa kanyang mortal na kaaway na si Dian Lamitan (Gina Alajar) sa pinaka-aabangang pagtatapos nito.
Matapos ang mahigit pitong buwan na itinakbo ng programa, ipinagmamalaki ng Kapuso Network ang tagumpay na tinamo ng epic-serye hindi lamang sa consistent high ratings performance nito gabi-gabi sa primetime kundi pati na rin ang papuri na nakamit nito mula sa mga manonood.
Ang buong cast, sa pangunguna nga ni Marian, ay nagbigay ng kamangha-manghang pagganap sa kanilang karakter na nagkamit ng positive reviews mula sa iba’t ibang kritiko.
Saksihan kung paano magtatapos ang final confrontation nina Amaya at Dian Lamitan (Gina Alajar). Magtatagumpay ba ang malupit na reyna sa kanyang pagnanais na patayin si Amaya o mabibigo ito sa kanyang misyon?
Patatawarin ba ni Amaya ang kanyang pangalawang ina na responsable sa pagkamatay ng kanyang amang si Datu Bugna?
Samantala, magkaroon pa kaya ng pagkakataon na magkabalikan sina Amaya at Bagani? Alin ang mas matimbang kay Amaya? Ang tuparin ang itinakdang propesiya na pamunuan ang banwa ng mga Manobo o ang pag-iibigan nila ng pinakamamahal niyang si Bagani?
Dapat ding abangan ng mga manonood ang cameo appearances ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Kris Bernal at Rocco Nacino sa finale episode.
Ang Amaya ay ipinagmamalaki ng nilikha ng GMA Entertainment TV Group na may orihinal na konsepto at innovative storyline.
Bukod sa endorsement ng National Historical Commission of the Philippines at ng Department of Education for its historical at cultu*ral context, ang Amaya ay pinarangalan bilang Best Original Drama Series in the 2011 Golden Screen Awards for Television at kinilala ng Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc. for the promotion of the country’s rich jewelry-making heritage.
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21568 on: January 13, 2012, 12:57:26 AM » |
|
(The Philippine Star) Updated January 13, 2012 MANILA, Philippines - The 2011 Metro Manila Film Festival from Dec. 25, 2011 to Jan. 7, 2012, grossed P636,792,509.57, much more than last year’s gross of P540,508,031.60, and exceeding this year’s P600M target. This was announced by chairman Francis Tolentino of the Metro Manila Development Authority (MMDA) which was behind the MMFF in cooperation with movie industry leaders. Here’s the breakdown of the amount earned by the seven official entries: Enteng ng Ina Mo – P237,879,178.70 Segunda Mano – P126,630,975.00 Ang Panday 2 – P105,603,500.25 My Househusband – P62,074,350.58 Shake, Rattle & Roll XIII – P55,484,185.89 Asiong Salonga – P38,437,416.80 Yesterday Today Tomorrow – P10,682,902.35
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
pakiss_muna
|
 |
« Reply #21569 on: January 13, 2012, 01:00:27 AM » |
|
Tunghayan ang pagwawakas ng kasamaan ni Lamitan sa kamay ng pinakamakapang yarihang babae ng kanilang panahon! Sa gabing hinding-hindi niyo malilimutan! AMAYA: Ang Pagwawakas ng Isang Epiko--ngayong gabi na!
cto
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|