Regine at Ogie, sa Tate mag-a-anniversaryBy: Nitz Miralles
Isi-celebrate ni Ogie Alcasid ang 20th anniversary sa showbiz sa isang major concert sa Araneta Coliseum sa September 27, 20/20.
Produced ito ng Starmedia Entertainment, musical director si Gerard Salonga at director si Rowell Santiago. Inspired ang concert ni Ogie sa One Night Only concert ni Elton John.
Sa 20 guests, sina Gary Valenciano, Piolo Pascual at Judy Ann Santos ang Kapamilya, sina Regine Velasquez, Janno Gibbs, Jaya, Michael V., Dennis Trillo, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera, Kyla, ang GMA-7 talents, freelancer sina Pops Fernandez, Rico Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, Top Suzara at Joey Generoso.
Kasama na rin pala sa guests ang Top 12 ng Pinoy Idol.
Dahil mas nakararami ang Kapuso stars, paano kukumbinsihin ni Ogie ang Kapamilya fans na manood ng concert? Hindi rin siya makakapag-promote sa ABS-CBN dahil exclusive talent siya ng Channel 7.
“Nandito naman sina Gary, Piolo at Judy Ann at marami akong mga ginawang work sa Kapamilya at sa Star Cinema. Ang biggest project ko ay ang theme song ng Lobo at kahit papaano, meron din akong Kapusong Kapamilya,” sagot ni Ogie.
Inalam ng press ang 20 highlights ng career ni Ogie at heto ang kanyang sagot: (1) Nang maging Manolo ako sa Miss Universe; (2&3) Two times I won Entertainer of the Year sa Aliw Awards; (4) Nang mag-gold record ang Nandito Ako, my first album;
(5) When I met the press; (6) My first movie, Feel na Feel, with Manilyn Reynes & Janno Gibbs; (7) My very first comedy show, Mana-Mana, sa Channel 2; (8.) Nang gawing game show ang Mana-Mana; (9) My first game show, Game na Game;
(10) My first gag show, Tropang Trumpo, sa ABC-5;
(11) Partnership with Janno at nakilala kaming ‘Small Brothers’; (12) Bubble Gang, my first show on Channel 7; (13) SOP, my first variety show; (14) My first TV appearance in Together of Martin Nievera and Pops Fernandez in March 1988; (15) My first movie na bida ako-Manolo and Michelle at dito ko naramdamang artista na ako;
(16) First concert in Araneta, ang OA sa Hits, October 10, 2002; (17) First big concert with Regine, Songbird and the Songwriter, noong 2004 na nagkaroon ng repeat at U.S. tour; (18) My very first song na pinagawa ng Star Cinema, Kailangan Kita; (19) First theme song for GMA Telebabad, Kung Mawawala Ka; and (20) My first leading lady, Manilyn Reynes.
Samantala, isi-celebrate nina Ogie at Regine ang kanilang fifth anniversary sa November 11 (’di siya sure sa date, huh!).
Balak nilang magbakasyon sa States for a few days. Mamamasyal at mamimili raw si Regine ng Christmas gifts, matagal na niya itong pangako sa girlfriend at ngayon lang matutupad.
Source:
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-09-05&sec=3&aid=72001