May 21, 2013, 11:11:35 PM
   Home   Help Search  
Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 [15] 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 ... 159   Go Down
  Print  
Author Topic: FRENDSHIP FOREVER  (Read 148975 times)
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #210 on: May 07, 2009, 04:12:13 AM »




TV EXECS NG NETWORK, BINALIGTAD NG YOUNG ACTOR, KAYA MA-INIT NA CAREER, BIGLANG LUMAMIG
(Ang lolo niyo kasi, maraming reklamo sa manager, pero nang ma-ipit...)
ni Cristy Fermin
Bulgar




Sayang na sayang. Sa ganu'ng pag-la-larawan lang ini-ha-halin-tulad ng maraming impormante ang sumi-sipa na sanang career ng isang guwapong batang aktor, pero na-bulilyaso pa, dahil din sa kanyang ka-ga-gawan.

Walang dudang guwapo ang young actor, marunong din naman siyang um-arte, ilang tulugan na lang at
nasa gitna na sana siya ng laban pero na-diskaril pa ang kanyang career.

Sabi ng isang impormanteng may ma-lalim na alam tungkol sa senaryong na-ganap kama-kailan, "Siya lang
ang dapat sisihin kung bakit nagka-ganyan ang career niya. Siya ang nagpa-simula ng sunog, pero
hindi niya pinanindigan ang ginawa niya.

"Iyak siya nang iyak nu'ng ma-kita siya ng mga executives ng isang network, para hindi pag-piyestahan
ang pag-iyak niya, pina-punta siya ng isang executive sa isang lugar na tago.

"Du'n siya um-iyak nang um-iyak, ini-re-reklamo niya ang manager niya, hindi na raw niya alam kung
ano ang mga nangyayari. Pinayuhan siya ng mga executives na makipag-usap sa manager niya, ayusin
nila ang problema, dahil nan-diyan lang naman ang network para sumuporta sa kanya," simulang
kuwento ng aming source.

Nagka-gulo na. In-away ng manager ng young actor ang mga executives ng network, kung anu-anong ma-sa-sakit na mensahe sa text ang ipina-dala nito sa mga bossing ng kumpanya, dahil binaligtad ng young actor ang kuwento.

"Nakaka-loka ang young actor na 'yun, siya ang nagpa-simula ng gulo, nag-i-iyak siya nang nag-i-iyak,
pero ang pina-la-labas pa niya ngayon, eh, pinagka-isahan daw siya ng mga executives!

"Sa-pilitan daw siyang pina-pasok sa room, sinira-siraan daw ng mga executives ang manager niya,
samantalang siya ang nag-re-reklamo tungkol sa pamama-lakad ng manager niya!

"Pinanindigan niya 'yun, naka-dokumento ang mga salaysay niya, binaligtad niya talaga ang sitwasyon.
Ano ngayon ang ina-asahan niya, na su-suportahan pa rin siya ng network sa mga ginawa niyang gulo?"
opinyon ng aming impormante.

Balitang windang ngayon ang buhay ng young actor, maraming nakaka-kita sa kanya na umi-inom-nag-la-lasing, dahil na-udlot ang dapat sana'y hawak na niyang oportunidad na humulagpos pa dahil sa sarili
niyang kagagawan.

Hindi na kailangan pa ng clue, siguradong wala nang ma-u-upo ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang ma-bahong basurahan.
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #211 on: May 07, 2009, 04:13:44 AM »



Multimillion TV show in limbo




SHOCKING.

A network insider swears ABS-CBN spent P27 million on a drama show that’s been

in the can for months.

The insider says the show was dogged with all sorts of problems from Day One. A

director and some cast members have dropped out and the show is effectively in

limbo.

Lead Star was once heard saying, “This show feels like a life sentence.”

If the reported P27-M price tag is accurate, the network could’ve produced 13

digital movies, at P2M per!
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #212 on: May 07, 2009, 04:14:46 AM »



YOUNG ACTOR, SILAHIS!
ni Eric Borromeo
Police Files Tonite




Na-gulat kami sa rebelasyon ng isang source tungkol sa young actor na ito, Tita

Blessie. Barkada raw kasi ng housemate niya ang ating bida.

"Ma-dalas na mag-kasama sila sa gimikan nu'ng hindi pa masyadong busy si (name

ng young actor)," kuwento niya.

Dating ramp model ang housemate ng aming source at nag-pa-part-time din sa

showbiz, Tita B. In short, may "itsu" ang barkada ni young actor.

Habang nag-ku-kuwento ang aming source, bigla nitong na-banggit, "Alam mo bang

silahis si (young actor)?" Siyempre, hindi naman kami agad naniwala, Tita B. Eh, barakung-barako

ang pagkaka-kilala namin sa young actor. May pagka-babaero pa nga ang image nito.

That time na ka-kuwentuhan namin ang aming source, nandoon din ang barkada ni

young actor. "Tanungin mo pa siya," turo pa ng aming source dito. Hindi na kami nag-tanong pa dahil

ngumisi na lang ito at tumango.

'Di na ako mag-bi-bigay ng clue, Tita B. I-bu-bulong ko na lang sa iyo kung

sino ang young actor. 'Pag tayong dalawa na lang! Pero getz mo na yata, eh. Hehehe...

Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #213 on: May 07, 2009, 04:16:46 AM »



GRO sa isang girlie bar sa Quezon city nagkakagulo sa mister ng isang aktres
By: Ogie Diaz



BLIND item: Sana’y “mag-behave” na muna sa kanyang misis na aktres itong si personalidad at ’wag na muna siyang go nang go sa isang sosing girlie bar sa Quezon City, kasi, baka isipin ng mga nakakakita sa kanya’y “iniiputan” na naman niya sa ulo ang kanyang misis, ’di ba?
   
Iilang tao lang naman ang nakakakita sa kanya everytime pumapasok siya sa naturang girlie bar, dahil hindi naman siya dumaraan sa lobby, kundi sa backdoor.
   
Eh, ’pag sa backdoor ang daan mo, isa lang ang ibig sabihin no’n: May itinatago, may iniiwasan at ayaw mong pabuking.
   
Eh, ang mga GRO pa naman ng naturang girlie bar, ’pag nababalitaang andu’n si mister, super excited na sila. Nagiging contest sa kanila ang arrival nito, eh. Parang tumama sa lotto kung sino ang piliin nito.
   
At ’pag may napili, ’yung mga hindi nagwagi, nagku-chorus sa pag-awit ng, “It’s sing-along time!” Na ang ibig sabihin, diretso na ng VIP room si GRO, dahil andu’n na si mister at yes, it’s sing-along time!
   
Hahahaha! We don’t wanna give clues na, kasi, baka malaman n’yo kung sino si mister. Ahahahaha!
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #214 on: May 07, 2009, 04:18:16 AM »



TIMING
By Rowena Agilada
Tempo





Overconfident

Mayabang pa rin ang isang hunk actor. Dati na itong impression sa kanya noong

nagsisimula pa lang sa showbiz. Maangas na ang kanyang dating. Bait-baitan lang

ito kapag kausap ang entertainment press at pa-humble effect.

But then, lumalabas pa rin ang kayabangan ng hunk actor. Minsang kausap nito

ang isang grupo ng entertainment press, tinanong ito tungkol sa isyung

kinasangkutan nito at ng isang sikat na aktor. He was quoted as saying na hindi

niya kailangang gamitin ang sikat na aktor para sumikat din siya.

Bulong ng isang reporter sa isang production staff na may kayabangan daw pala

ang hunk actor. "Alisin mo na ang ‘may,’ talagang mayabang ’yan," sabi ng

production staff.

Gano’n din ang naobserbahan ng isa pang grupo ng entertainment writers nang

nakausap nila ang hunk actor. Sinabi nito na kaya niyang makipagsabayan sa

ibang aktor dahil confident siya na may talent siya. Bata pa lang daw siya’y

napansin na niyang may talent siya. Nag-aral daw siya sa isang Catholic school

at parati siyang nagdyo-join sa mga school programs nila. Kumakanta, sumasayaw

at naggigitara raw siya.

In fairness, carry ng hunk actor ang mga talent na ’yon. Pero sa acting

department? More workshops, please!
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #215 on: May 07, 2009, 04:20:50 AM »



PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco
Pilipino Star Ngayon
April 25, 2009





Rich doc na bading enjoy kalaplapan ang tsinitong aktor

Subject: Tsinitong aktor na wiz maiwan-iwan ng kanyang dyowang badidang.

Ang tsika, hindi rito sa ’Pinas nagkakalat ang young actor kundi sa US of A. Sa katunayan, isang doktor na may-ari ng building ang kanyang rich gay benefactor doon. Ewan kung naimbento rin ni dok ang pampahaba ng buhok dahil siya pa itong may ganang mang-iwan sa kanyang dyowa. O, divah, ang haba ng hair?

But the gay doctor cannot just afford to dispatch the chinky-eyed actor, at buhkit?! Panalo kasi ang aktor pagdating sa laplapan portion. In fact, laging namumusarga ang mga labi ng baklita kina bukasan mula sa isang gabi nilang pagniniig ng aktor, i-times five mo ang original size ng kanyang upper and lower lips, yun ang hitsura niya after their lovemaking!

Da who ang papalicious na aktor na itetch? May kunek siya sa madalas ipayo rin ng doktor upang magkaroon ng magandang kalusugan. Another clue? Isyogo na lang natin siya sa neym sung na Oliver Diokno.
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
slms324
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,867


GMA-KAPUSO ONLINE


« Reply #216 on: May 07, 2009, 07:00:01 AM »

KONGRESISTA, LOST IN SPACE



Windang ang mga miron pati na rin ang mga kasamahan niyang Kongresista sa ’tila madalas na ‘out of this world’ reactions at comments ng ating bidang kongresista. Kung may lost in space nga raw kasi sa Kamara, malamang, isa siya sa mga mangunguna.

Sa latest chikang nasagap ng ating Chikadorang Mahadera, madalas daw pagtawanan sa Kamara si Rep na lost in space. Para raw kasing wala itong kaalam-alam sa mga pasikot-sikot ng isinasagawang diskusyon at imbestigasyon ng mga kontrobersiyal pa manding isyung pinagdi-diskusyunan nila.

Hirit ng iba, kung kakaririn mo raw ang pagmamasid sa bawat hearing ng Kamara kung saan present siya, tiyak masa-sightsung mo ang mga miron at maging ang mga kasamahan din niyang kongresista na hindi mapigilan ang mapahagikhik o kaya ay tumawa.

Hindi raw naman sila laitero’t laitera. Kaya lang, hindi nila ma-getsung kung bakit laging wala sa konteksto ang mga comment ni Kongresista. Kaya naman, hihirit pa lang daw siya, eh, barado na agad kasi wala namang kwenta at out of context ang sinasabi niya.

Actually, madalas ay isyu ng legalidad ang pinupuntirya niya. Understandable naman ito kasi nga nag-aaral naman siya ng batas. So, dapat sana, swak na ang mga comments niya. Pero sa kung anong ikot ng roleta, sablay pa rin talaga siya.

Hay naku Rep na lost in space, magbago ka na habang bata ka pa. Sayang naman ang mga paborito mong Amerikana kung magiging katawa-tawa ka lang palagi sa mata ng madla at ng Kamara…. May ganung clue?!!
Logged

slms324
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,867


GMA-KAPUSO ONLINE


« Reply #217 on: May 07, 2009, 07:03:03 AM »

TAGO: LADY KONGRESISTA, FEELING USHERETTE


Sa sobrang tindi ng ambisyong maging Senadora, kahit ang pag-a-usherette sa Kamara, kinakarir na niya.

Sa paglalagalag ng ating Chikadora, napag-alaman nitong isa palang Kongresista ang ‘tila on the go na ang election machinery matapos i-announce na tatakbo siya sa pagka-senador ngayong 2010.

Ang unang moda niya, hindi na siya maawat sa pagpapamudmod ng press releases sa media. Manawa-nawa na nga ang mediamen dahil halos wala na itong ginawa kundi ang maglabas ng press releases na naglalaman ng kanyang komento sa kung anik-anik na isyu sa bansa ngayon.

Dagdag pa ni Chikadora, napapadalas din daw ang kanyang rampa sa media center ng Kamara. Kung saan feel na feel niya ang pakikipag-kiskisang siko niya sa mga taong maaring maging susi ng super exposure na kinakailangan niya.

Pero kinikilabutan na ang mga taga-media sa pangangarir niya. Dahil umaabot na raw ito sa pagpapadala ng meryenda at maging noong birthday niya, super-celebrate siya with the media. Dahil obvious namang nanliligaw siya for free publicity kung araw-araw siyang magpapakain at magse-celebrate ng birthday, kung minsan, eh, nagpapatawag ito ng press con para maging laman ng diyaryo, radyo at tv ang pangalan niya.

Pero ito ang matindi sa lahat ng matindi, sa sobrang gusto niyang bumango ang namesung niya, maging ang pag-a-usherette sa Kamara, pinasok na niya.

Para raw itong Matriarch of the House na naka-puwesto sa labas ng Plenaryo habang wini-welcome ang mga bisita ng Kongreso. Wala namang masamang i-welcome sila, ang kuwistyunable lang, nagsisimula na ang sesyon, nasa labas pa rin siya!

Wow!! May ganun?! Ikaw na ang magaling rumampa na kung minsan, eh, kung minsan ay nag-aambisyon ring maging makata.
Logged

slms324
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,867


GMA-KAPUSO ONLINE


« Reply #218 on: May 07, 2009, 07:07:25 AM »

TAGO: MAMBABATAS TAHONG NAMAN PINUTIRYA



Napailing na lang sa pagkadismaya ang daldalera nating Chikadora matapos mabalitaan ang bagong gimik ng bida nating kongresista. Paano naman, ang style-bulok na gimik na pinupuna niya, eh, siya na ngayon ang mismong gumagawa.

Sa chika ng ating daldalera, napag-alaman na nagsisimula na ring maglibot sa iba’t ibang panig ng Philippine Islands ang mambabatas.

Bakit siya naglilibot? Siyempre, para ipaabot sa madlang pipol ang kanyang intensyong magpapansin ngayong nalalapit na eleksyon.

Sa report ng mga miron, dinala raw ang mambabatas ng kanyang paa sa isang tahungan kasabay ng pananawagan niyang pangalagaan ang kalikasan. May i-pa-piktyur ang drama niya, kasama ang sangkaterbang tahong na iniahon para lang makasama siya.

Natawa na lang ang mga tambay ng Upper Chamber nang mabalitaan ang escapade ng ating pinagpipitagan ang legislator. Kasi ba naman, parang kinain ng ating bida ang mga salitang binitawan niya lalo na noong nasa height siya ng pamumuna sa kasamahan niyang mahilig ring maglibot-libot sa teritoryo naman ng mga wala ring kinalamang itik.

Ang hirit tuloy ng mga miron lalo na ‘yung mahilig sa kasabihang Tagalog, para siyang ‘umiihip sa lusong.’

Naku Legislator from the Upper Chamber of Congress, ayaw ni Miss Juday niyan!
Logged

otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #219 on: May 09, 2009, 02:45:40 AM »



'Di sumikat na singer nanghinayang na maging ghost singer
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Updated May 09, 2009 12:00 AM


Kinuha ang isang magaling, pero ’di sumikat na female singer na mag-ghost singer sa isang sikat na actress sa ginagawa nitong pelikula. Gustung-gusto ng singer ang role na sa second movie niya sana dahil naisip nitong makakatulong sa exposure niya ang movie.

Kontrabida lang ang manager ng female singer, hindi tinanggap ang offer dahil naliitan sa talent fee (TF) na ibabayad ng producer. Sa halip na makipag-tawaran, humanap ng ibang magaling na singer ang producer para ipalit sa original choice ng director sa role ng ghost singer. Laking panghihinayang ng singer sa nabulilyaso niyang paglabas sa pelikula, pero wala siyang magawa’t manager niya ang nagdesisyon.

Hindi naisip ng manager na baka masundan pa ng more movie projects kung tinanggap nila ang ni-reject na movie project at puwede silang maningil ng mas malaking TF.
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #220 on: May 09, 2009, 02:47:54 AM »




Tindahan ng damit na ini-endorso ng aktres bibihira ang bumibili
SHOW-MY Ni Salve Asis Updated May 09, 2009 12:00 AM


Nakatulong kaya ang isang aktres sa benta ng isang clothing line? Parang hindi naman. Ilang mall na ang napun­tahan ko na may store ang nasabing tindahan ng mga damit na medyo may kamahalan. Pero sa tuwing madadaan ako, wala namang tao sa store o namimili.

Minsan lang nang magkaroon ng mall wide sale. May mangilan-ngilang pumapasok at namimili sa sale items sa nasabing store na endorser nga ang isang aktres. Pero kahit na. Mahina pa rin ang benta. Parang walang epekto ang malaking mukha ng aktres sa nasabing tindahan ng mga damit.

Sayang ang malaking talent fee na ibinayad sa kanya ng may-ari ng clothing line kung hindi rin naman bebenta.
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
otto
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 11,953


In Heaven There Is No Beer.....


« Reply #221 on: May 14, 2009, 12:47:28 AM »


Sexy actress, magnanakaw!



HINDI naaawa ang da­ting sexy actress na ito sa kanyang sarili. Kung sana’y naging matino at naging maingat siya sa kanyang sarili, sana’y
sunud-sunod pa ang mga proyekto niya sa TV at pelikula.

Pero mukhang mahirap ngang matuto ang tulad niya na nabuhay sa tinatawag na “kapit sa patalim”.

Kalat na ngayon ang sex video na ginawa ng sexy actress na ito kung saan pinag­lalaruan niya ang kanyang sarili. Hindi nga maidi-deny ng sexy actress ang vi­deo dahil may close-up ng mukha niya habang naninigarilyo pa at kinakausap ang lalakeng kumukuha ng video niya.

Sayang at maganda pa rin ang mukha ng sexy actress pero talagang ginawa na niyang puhuan ang kanyang katawan at sa anong puwedeng gawin niya para kumita ng pera.

Bulung-bulungan nga na limang libo lang daw ay papayag na ang sexy actress na magpa-take home at kahit ano ang ipagawa ay game siya.

Ganyan na siya kadesperada dahil wala nga naman siyang permanenteng trabaho na matatawag at may mga binubuhay siya na kadugo niya.


May nakapagsabi nga sa amin na ang lalakeng nagkalat ng sex video na ito ni sexy actress ay ang dati nitong boyfriend na pinindeho niya. Handa na nga raw siyang pakasalan ng lalakeng ito pero nahuli niya ang sexy actress na nagpapagamit pa sa ibang mga lalake sa halagang limang libo.


Ang hindi pa raw nagustuhan ng ex-boyfriend ay ang pagnakawan pa siya ng sexy actress at sinira-siraan sa kahit kanino. Kaya bilang ganti ay kina­lat nito ang
sex video nito. [/color]
Logged


Hindi Ako Suplado..Hindi Lang Nila Mataggap Na Hindi Ako Interesado Sa Kanila
diwata66
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 7,984



« Reply #222 on: May 14, 2009, 03:38:45 AM »



PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco
Pilipino Star Ngayon
April 25, 2009





Rich doc na bading enjoy kalaplapan ang tsinitong aktor

Subject: Tsinitong aktor na wiz maiwan-iwan ng kanyang dyowang badidang.

Ang tsika, hindi rito sa ’Pinas nagkakalat ang young actor kundi sa US of A. Sa katunayan, isang doktor na may-ari ng building ang kanyang rich gay benefactor doon. Ewan kung naimbento rin ni dok ang pampahaba ng buhok dahil siya pa itong may ganang mang-iwan sa kanyang dyowa. O, divah, ang haba ng hair?

But the gay doctor cannot just afford to dispatch the chinky-eyed actor, at buhkit?! Panalo kasi ang aktor pagdating sa laplapan portion. In fact, laging namumusarga ang mga labi ng baklita kina bukasan mula sa isang gabi nilang pagniniig ng aktor, i-times five mo ang original size ng kanyang upper and lower lips, yun ang hitsura niya after their lovemaking!

Da who ang papalicious na aktor na itetch? May kunek siya sa madalas ipayo rin ng doktor upang magkaroon ng magandang kalusugan. Another clue? Isyogo na lang natin siya sa neym sung na Oliver Diokno.



DIETHER OCAMPO.
Logged

diwata66
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 7,984



« Reply #223 on: May 14, 2009, 03:44:50 AM »



YOUNG ACTOR, SILAHIS!
ni Eric Borromeo
Police Files Tonite




Na-gulat kami sa rebelasyon ng isang source tungkol sa young actor na ito, Tita

Blessie. Barkada raw kasi ng housemate niya ang ating bida.

"Ma-dalas na mag-kasama sila sa gimikan nu'ng hindi pa masyadong busy si (name

ng young actor)," kuwento niya.

Dating ramp model ang housemate ng aming source at nag-pa-part-time din sa

showbiz, Tita B. In short, may "itsu" ang barkada ni young actor.

Habang nag-ku-kuwento ang aming source, bigla nitong na-banggit, "Alam mo bang

silahis si (young actor)?" Siyempre, hindi naman kami agad naniwala, Tita B. Eh, barakung-barako

ang pagkaka-kilala namin sa young actor. May pagka-babaero pa nga ang image nito.

That time na ka-kuwentuhan namin ang aming source, nandoon din ang barkada ni

young actor. "Tanungin mo pa siya," turo pa ng aming source dito. Hindi na kami nag-tanong pa dahil

ngumisi na lang ito at tumango.

'Di na ako mag-bi-bigay ng clue, Tita B. I-bu-bulong ko na lang sa iyo kung

sino ang young actor. 'Pag tayong dalawa na lang! Pero getz mo na yata, eh. Hehehe...




GERALD ANDERSON
Logged

diwata66
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 7,984



« Reply #224 on: May 14, 2009, 03:54:54 AM »

HUSBAND OF POPULAR ACTRESS, OFTEN SEEN WITH GRO'S


TRUE BA ‘TO? Na si mister, eh nadadalas sa pagpunta-punta sa isang sosyal girlie bar sa Quezon City? Alam ba ‘to ni misis? I’m sure, hindi. Dahil sino namang misis ang papayag na magpunta sa pugad ng tukso ang kanyang asawa, ‘di ba?
Kung walang itinatago si mister, ba’t doon siya sa backdoor dumadaan kapag pupunta roon? Tapos, diretso na ng VIP room at ipatatawag doon ang babaeng makursunadahan niya sa gabing ‘yon.
“In fairness, mabait naman ‘yung guy,” sey ng aming source. “Ang mga girls nga namin dito, ‘pag nalalamang nandiyan na siya, nagtitilian na. Kasi, ipinagdarasal nila na sana, sila ang i-request nu’ng guy.”
Malaki bang mag-tip?

“Ay, hindi naman sa gano’n. Mabait lang ‘yung guy. Saka siyempre, challenging para sa mga girls, kasi nga, ang misis, sikat na sikat! Saka higit sa lahat, ang laki talaga ng kargada!”

Ah, talaga?

“Oo. Kaya kunwari, meron nang girl na mapipili, magko-chorus na ang ibang hindi napili ng, ‘It’s sing-along time!’”

Hahaha! Ano ‘yon, hada lang, walang dyug?

“Ay, oo. Kiss-kiss. Tapos, sing-along lang. Walang dyug, kasi, ayaw din ng girl, eh. Tama na ‘yung parang naki-share sila sa ine-enjoy ng misis ni mister!”

Gano’n?

Ay, naku… ayaw na naming magbigay pa ng clue, dahil baka “mamuro” pa kami ke mister, ‘no!



CESAR MONTANO....
sure ako d2...
Logged

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 [15] 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 ... 159   Go Up
  Print  
 
Jump to: