May 18, 2013, 06:31:49 PM
   Home   Help Search  
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 ... 24031   Go Down
  Print  
Author Topic: Miss Angel Locsin...STARs (Solid Team Angel Rocks) honestly love you.  (Read 9965065 times)
candice
Administrator
Jr. PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 67



« on: November 16, 2006, 04:47:06 PM »

Angel fans start posting here.  Wink
« Last Edit: April 25, 2011, 10:29:04 AM by PEP_Webmaster » Logged
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #1 on: November 22, 2006, 01:13:03 AM »

Mukhang hanggang 2007 ang swerte ni Angel Locsin dahil bukod sa pelikulang pagsasamahan nila ni Piolo Pascual na ipo-produce ng Regal Entertainment ay may plano ring ipag-produce sila ni Richard Gutierrez ng GMA Films after ng Mano Po 5.

Yes, balik-tambalan sina Richard at Angel next year (hindi kaya ma-over expose na si Angel?) sa remake ng Hihintayin Kita Sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta? Kasalukuyang inaayos daw ito ngayon ng GMA Films sa Reyna Films dahil pag-aari ito ni Armida Siguion-Reyna. — Reggee Bonoan

http://www.philstar.com/philstar/PINOY200611227302.htm
Logged
mam
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 829


« Reply #2 on: November 22, 2006, 03:51:06 PM »

wow!!! more projects for Angel!!! sana mag umpisa na ang Asian Treasures... miss ko na si Angel sa TV
Logged
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #3 on: November 26, 2006, 01:02:18 AM »

TUWANG-tuwa si Angel Locsin sa Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You) ng Regal Films dahil after a long while, hindi siya nag-costume.

Full schedule ang ibinibigay ni Angel for her festival movie this year from Regal habang hindi pa sila nag-uumpisa ni Robin Padilla ng kanilang newest soap for GMA-7, ang Asian Treasure. Third Mano Po na niya ito after Mano Po 2 and Mano Po 3 and first time niyang magku-comedy-romance dito under the direction of Joel Lamangan.

Also, natutuwa rin siya na wala nga siyang ka-costume-costume sa pelikula except sa dream sequence cum wedding scene nila ni Richard Gutierrez kung saan naka-full Chinese regalia siya.

For more than three years nga naman sa TV, palaging in costume ang characters ni Angel mula Mulawin to Darna and Majika. May mga ibang araw nga raw sa Mano Po 5 set na minsan nagugulat siya dahil naka-regular clothes lang ang character. Hindi pa siya nasasanay.         

Minsan, naghahanap daw siya na kung ‘yun lang ba ang isusuot niya. May isa pang happy si Angel about the movie dahil may bago siyang leading man dito, si Christian Bautista. For the longest time nga naman it’s either Richard or Dennis Trillo lang ang ka-partner niya.

Totoo bang kahit wala sa original plan, magkakaroon ng kissing scene sina Angel and Christian? Ito raw ang ipinagdarasal ngayon ng singer-actor dahil noon pa niya pinapantasya si Angel Locsin.

http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2006-11-26&sec=3&aid=2788
Logged
chic13
PEP Newbie
*
Offline Offline

Posts: 29


izadik


WWW
« Reply #4 on: November 27, 2006, 01:38:18 AM »

Ang dami nyang movie proj with Richard. iba tlga chemistry nila. I love them!
Go angel!  Wink
Logged

Life is like a food. It can be sweet, can be sour but If you'll try your best to cook it again It'll taste better than ever
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #5 on: December 03, 2006, 01:11:46 PM »

Walang kaso kay Angel Locsin kung hindi natuloy si Dina Bonnevie na gumanap bilang ina niya sa Mano Po 5: Gua Ai Di at ang role ni Yolanda Kho ay napunta kay Lorna Tolentino.

Tsika sa amin ni Angel sa set ng MP5 sa Scenema Concept studio sa Pasig, nagkausap na sila ni Dina nang tawagan siya nito para mag-sorry na hindi natuloy ang pagtatrabaho nila sa pelikula.

Nagdayalog noon si Ms. D. na kaya nito tinanggap ang role ay dahil kay Angel, na nobya ng anak nitong si Oyo Sotto. Nakaisang shooting day na si Dina pero napalitan ito ni Ms. LT due to health reasons.

Sey ni Angel, siya ang nahiya sa pagsu-sorry sa kanya ng madir ni Oyo. Sinabi niya ritong naiintindihan niya ang nangyari at marami pang ibang pagkakataon para magkatrabaho sila.

Isa pa ay madalas silang nagkikita at alam niyang mas importanteng asikasuhin muna ni Ms. D. ang health nito.

***

Nagsimula nang mag-taping sina Angel at Robin Padilla para sa action-adventure series nila sa GMA na Asian Treasures.

Kuwento ni Angel, exciting ang first taping day nila together kahit nakapapagod dahil mula umaga hanggang gabi ay nagpa-fight scenes sila ni Robin.

Ang haba ng eksenang naglalabanan sila at naghahampasan ng kendo stick. Sa simula kasi ng istorya ay mag-aaway sila pero kapagkuwan ay magiging magkakampi.

Medyo naiilang siya kay Robin dahil gusto nito ay totohanang hampas at ayaw ng kunwari-kunwarian lang.

Lumabas ang pagka-gentleman ni Robin nang tamaan ng siko nito ang binti ni Angel sa fight scene nila na sinisipa ng dalaga si Binoe.

Nag-panic ito at panay ang sorry at nagpahanap agad ng yelo para itapal sa nagkapasang binti ng kapareha.

Ani Angel, hindi ito kasalanan ni Robin dahil napababa lang ang sipa niya kaya tumama ang binti niya sa siko nito.

Dahil ayaw niyang pumayag na magpa-double, nagpa-panic si Robin kapag medyo nasasaktan siya sa mga eksena nila. Inaasahan na ni Angel na maiintriga sila ni Robin pero trabaho lang daw ang ginagawa nila at malaki ang tiwala sa kanya ng nobyo niyang si Oyo.

Aniya, may asawang tao si Robin kaya hindi sila dapat intrigahin. Isang malutong na ‘Kuya Binoe’ ang tawag dito ni Angel. Baka Enero raw sila magsimulang mag-shoot sa iba’t ibang Asian countries.

After Mano Po 5 ay nakatakdang gawin ni Angel ang Valentine movie nila ni Richard Gutierrez na inspired ng Hihintayin Kita Sa Langit (1991 romantic-drama nina Richard Gomez at Dawn Zulueta) na ididirehe ni Mike Tuviera.

http://www.abante-tonite.com/issue/dec0306/main.htm

Logged
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #6 on: January 03, 2007, 09:21:41 AM »

I will pray for you Angel. As for Oyo, parang hindi siya naaapektuhan. Mahimbing daw yung tulog niya last Christmas...
Logged
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #7 on: January 05, 2007, 04:22:34 PM »

Nakakabuti ang pagiging abala ni Angel Locsin, hindi niya gaanong nararamdaman ang pait ng kanyang recent break-up kay Oyo Sotto. Dumarating lang ang sakit kapag naghahanda na siyang matulog na bihira namang mangyari sapagkat kung minsan ang paghahanda ay nawawala na, nakakatulog na lamang siya sa sobrang kapaguran.

"Wala talagang chance na makapag-isip sa sobrang dami ng trabaho. Minamadali na namin ang Asian Treasures na kung saan bukod sa mabilisang taping ay kinakailangan ko pang mag-aral ng Bahasa, isang Thai language, na kailangan ko rin sa serye. Minsan pati pag-inom ko ng kinakailangang vitamins ay di ko pa magawa, kaya inihahabol pa ito sa akin.

"Kahit ano na lang kinakain ko para lang magkalaman ang tiyan ako," sabi ng maganda’t magaling na aktres na malaki ang panghihinayang nang maalala ang Hari ng Aksyon na si FPJ nung araw ng kamatayan nito bago mag-Pasko.

"Sayang nawala siya, hindi na natuloy yung balak niyang pagsasama namin sa pelikula. Sayang din at hindi ko siya nakilala, I would have learned a lot from him," dagdag pa niya.

http://www.philstar.com/philstar/pinoy200701057301.htm
Logged
claudine23
PEP Newbie
*
Offline Offline

Posts: 4


« Reply #8 on: January 07, 2007, 08:49:56 AM »

fans ako ni ate angel.... nakakasad nga e nung naghiwalay sila ni oyo boy.... i hope na sana maging ok ang lahat.......








visit nyo ito: http://www.kathrynbernardo.co.nr/ thanks po
Logged
freelancer
PEP Newbie
*
Offline Offline

Posts: 10


« Reply #9 on: January 08, 2007, 02:03:29 PM »


 I've talked to Gel a number of times and all I can say is that she's a beautiful person inside and out. More than just a pretty face, she's unassuming and humble...her star status doesn't get to her head. The girl's got talent too. Kaya naman madami syang blessings, daming projects. There are only a few actresses who have staying power in the business and she's proving to be one of them. With her attitude and discipline, I'm sure she's gonna be up there for years to come.
Logged
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #10 on: January 09, 2007, 11:45:28 AM »

Also Robin Padilla's wife praises Angel a lot, dahil sikat daw si Angel, but when Liezel visited the taping si Angel pa daw ang lumapit at nilaro yung anak nila ni Robin.
Logged
mam
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 829


« Reply #11 on: June 14, 2007, 03:28:51 PM »

pinakita na sa GMA ang plug nila for Marimar parang di naman si Angel  Sad well kung di man sya ang magiging si marimar sana may ibang soap uli sya sa primetime
Logged
mam
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 829


« Reply #12 on: June 25, 2007, 03:00:11 PM »

up for Angel....

punta pala syang London to study fashion design
Logged
nogz055
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 148



WWW
« Reply #13 on: June 28, 2007, 09:23:25 AM »

sa daming intriga ni angel locsin ngayon bilib pa ding ako sa kanya biruhin mo na kinakaya niya pa din ang mga ito. . . ang pinakamahirap dito na iiwan n daw ni angel ang GMA 7. . . naaawa ako sa kanya dahil ako bilang fan ni angel naniniwala ako sa kanya niya na hindi niya to iiwan. . .oo magaaral siya sa london but six months lang naman diba???maganda nga ito para mamiz siya ng mga tao any comments out there??
Logged

mula batanes hangang jolo Solid KApuso Tayo!!!
sodadc
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 161


DARNA and DING =)


« Reply #14 on: July 21, 2007, 02:08:27 AM »

Ama ni Angel, pumirma na sa Dos para sa anak!
SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Saturday, July 21, 2007

Naka-enroll na sa London Fashion School for two weeks si Angel Locsin at magsisimula  na ang klase nito sa July 23. Pagpapatunay lang na di totoo ang tsismis na hindi ito nakapasa ng entrance examination dun at di nabigyan ng visa ng British Embassy.

Ngayon pa lang ay ex­­cited na ang magan­dang aktres dahil matu­tupad na ang pangarap nitong makapagpatayo ng sportswear store dahil isa siyang sports lover.

Dalawang linggo lang ang klase ni Angel at pag­balik ng bansa ay mag-e-enroll din ito sa Business Entrepreneur­ship sa Eastwood City.

Sinabi ng isang source na legal nang nasa ABS CBN si Angel. Pumirma na ka­ha­pon sa Dos ang kan­yang ama. Isa sa come on kay Angel ay ang pangyaya­ring maka­ka­trabaho niya ang mga eli­gible ba­chelors ng network, like Piolo Pas­cual!


well, ayan na ang katunayan...ha aayyy...sana lang eh indi sha magaya sa mga artists na lumipat at bigla na lang naglaho...good luck na lang

 

Logged

Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 ... 24031   Go Up
  Print  
 
Jump to: