post muna ako tas bati uli hapi bday k maks
Angel Locsin on getting married to Phil Younghusband: ‘Malayo pa sa utak namin yun’
4/10/2012 12:11 PM
by: Krissa Donida
http://www.push.com.ph/features/7709...tak-namin-yun/ Kamakailan nga ay ni-launch ang DVD ng pelikulang Unofficially Yours under Star Cinema na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at ni Angel Locsin, at sa launch nga nito na ginanap sa SM The Block first-time na na-experience ni Angel na sumama sa isang launch ng DVD para sa kanyang pelikula. “Actually first time, pinapadala lang sa amin yung DVD tapos pipirmahan ganun.” Tuwang-tuwang si Angel Locsin sa mga events na tulad nito dahil nabibigyan siya ng pagkakataon at oras na makisalamuha at makilala ang kanyang ibang mga supporters at fans. Ayon nga sa kanya, “At least may panghahawakan silang ganun parang ‘Uy may nakasama sila na isa sa mga kasama sa Unofficially Yours.’”
Pagkatapos nga ng very successful niyang pelikula with John Lloyd Cruz, marami na rin ang nagtatanong kung ano ang susunod na gagawin ni Angel at ayon sa kanya may dalawa na ngang pelikulang naka line-up niyang gawin. “May movie kami aside sa kasama ko sina Angelica, Bea at Toni meron pang isa na magugulat kayo kung sino ang kasama kong artista. Nag-present na sila e so magsa-start na rin yun soon I think.”
Natanong nga din ang dalaga kung napanood na ba ni Phil Younghusbad ang Unofficially Yours. “Twice, oo napanood niya na twice. Sabi ko nga ‘di siya allowed e, nanood talaga siya.” Ikinatuwa rin ni Angel ang naging response ni Phil sa recent movie ni Angel with John Lloyd, “Sabi niya nga sa tingin niya mas better daw yung performance ng Unofficially Yours siyempre sumisipsip, sumisipsip ganun. Sabi niya maganda daw.”
At bago pa man panoorin ni Phil ang Unofficially Yours, naikwento na ni Angel ang mga eksena sa pelikula, lalo na ang mga sexy scenes nila ng kanyang leading man. “Mas nagulat pa nga siya dun sa mga brinief ko para at least ‘di ba? Sinasabi ko na sa kanya na story pa lang. Mas ineexpect nga daw niya na mas grabe kaya mas tinodo ko na yung kwento ko.”
Sa isang interview, nabanggit nga ni Angel na masyadong pang “young” na maging asawa ang “espesyal na karelasyon” na si Phil Younghusband kaya naman nang matanong muli siya sa naging sagot niyang ito, “Well pareho pa kaming bata pa, jinoke ko lang naman kasi yun e.” Pinanindigan pa rin ni Angel na hindi pa nga siya handang makasal at mag-settle down sa kanyang “espesyal na karelasyon” na si Phil Younghusband. “Pareho kaming bata pa at marami pang priorities malayo pa sa utak namin yun, sobrang layo pa