May 19, 2013, 05:17:04 PM
   Home   Help Search  
Pages: 1 2 3 4 5 6 [7] 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 ... 22507   Go Down
  Print  
Author Topic: Marian Rivera Thread (MRT): A Place We Call Home  (Read 3396344 times)
nhegsie
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 16,099


Kapag Lumingon Ka, Akin Ka!


« Reply #90 on: November 06, 2008, 02:17:07 PM »

ang ahas lang na alam ko ay yung mahaba ang leeg!!!! nyahahahaha!!!!!

at grabe!!!! alam na alam mo ang projects na naka line up kay marian!!!! grabe!!!!!

sabagay... ano nga naman kasi ang aabangan mo kay angel eh yung movie lang naman... wala pa kasing nakaline up sa kanya!!!!

nyahahahahaha!!!

DARK DOWN UNDER!!!!! parang asong bahag ang buntot kaya nag uronmg ng playdate!!!!

nyahahahahaah!!!


at least hindi naman isang asong ulol na naglalaway kay DD...meron pa pala ONE TRUE SNAKE!!!!!!!!
nyahahahahahah ahaha
Logged

soapie
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 5,130


perfect is boring...that's why im not perfect


WWW
« Reply #91 on: November 06, 2008, 02:19:36 PM »

at least hindi naman isang asong ulol na naglalaway kay DD...meron pa pala ONE TRUE SNAKE!!!!!!!!
nyahahahahahah ahaha

ang alam kong aso ay si angel... ang alam kong naglalaway ay si angel/// naglalaway sa pera!!!!

nyahahahaha!!!! mukha kasing money!!!! nyahahahaha!!!!

DARK DOWN UNDER!!!!! showing on..... kelan nga ba??? naku baka mashelved na yan!!!!!


nyahahahahah!!!!
Logged

soapie
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 5,130


perfect is boring...that's why im not perfect


WWW
« Reply #92 on: November 06, 2008, 02:23:24 PM »

Marian Rivera insists she has no romantic relationship with Dingdong Dantes


 

Si Marian Rivera ay muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang One True Love kagabi, November 4, sa Vermont Park, Antipolo City. Kasama ni Marian sa pelikulang ito ng GMA Films at Regal Entertainment sina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

 

Nakatulog si Marian sa sasakyan papuntang Vermont Park, pagkatapos kunan ang wedding scene nila ni Dingdong sa San Jose del Monte, Quezon City. Hindi na nga raw niya nailagay ang kanyang hair extension dahil naghihintay na sa kanila ni Dingdong ang maraming entertainment reporters. Pero naiwanan pa rin niya si Dingdong sa location dahil may kukunan pa itong eksena na hindi siya kasama.

 

Marian described their wedding scene as "a very simple one." Ang suot lang daw niya ay mula sa sponsor niyang Karimadon, pero magugustuhan daw ito ng mga manonood ng movie nila.

 

LOVE SCENES WITH DINGDONG. Paano naman idi-describe ang naiiba nilang love scene ni Dingdong sa movie?

 

"Dalawa po ang love scenes namin dito ni Dong, isang comedy, isang passionate," wika ni Marian. "Ako naman po, kung ano lang ang sinasabi ni Direk Mac Alejandre, sumusunod lang ako. Pero dapat ninyong panoorin ang movie para malaman ninyo kung paano naging comedy ang isang love scene. Ibang-iba rin ang ipinakita rito ni Dong."

 

Paano naman ang passionate love scene nila ni Dingdong? Hindi ba sila nailang, o hindi ba sila nadala ng eksena?

 

"Wala naman pong ilangan," sabi ni Marian. "Ilang beses na rin naman kaming nag-love scene at nag-kissing scene ni Dingdong. Siguro mas passionate lang ito kesa doon sa mga nagawa na namin sa Marimar at Dyesebel dahil sa movie naman po ito.

 

"Pero hindi po ito malaswa," paniniguro ng aktres. "Hindi ito bibigyan ng malisya ng mga manonood. Saka paano naman po kami madadala sa eksena, e, ginagampanan lang namin ito bilang mga artista? Pero si Direk Mac, may hawak pang megaphone, sinasabi kung ano ang gagawin namin para take one lang ang eksena."

 

 

DINGDONG-KARYLLE BREAKUP. Dito na namin tinanong si Marian tungkol sa breakup nina Dingdong at Karylle. Idinadawit kasi ang pangalan ng aktres, na siya diumanong third party sa hiwalayan.

 

Pinaninindigan ni Marian ang mga sinabi niya noon, na wala siyang kinalaman kung nagkaroon ng problema sa relasyon nina Dingdong at Karylle.

 

May pagkakataon bang pinag-usapan nila ni Dingdong ang tungkol dito? Inupuan ba nila ang issue?

 

"After po ng interview noon, once lang namin napag-usapan ‘yon," saad ni Marian. "Sa inupuan ang issue, wala po namang dapat upuan. Trabaho lang kami."

 

Pormal nang in-announce ngayong araw, November 5, nina Dingdong at Karylle ang kanilang breakup, na unang kinumpirma ng PEP, sa The Philippine Star, kung saan may kolum din si Karylle.

 

Paano kung sa breakup nina Dingdong at Karylle ay siya ang sisihin? May relasyon ba sila ni Dingdong?

 

"Wala po!" mabilis na sagot ni Marian. "Tulad po ng sinabi ko noon, hindi po ako gagawa ng paraan para manira ng relasyon ng iba. Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend para lang magka-boyfriend. Hindi ako magiging masaya kung may iba namang masasaktan. Hindi po ako selfish na gagawa ng isang bagay na makasasakit ng ibang tao."

 

Pero hindi pa rin maalis sa isipin ng iba na sila na ni Dingdong ngayon, lalo pa't break na rin si Marian sa dati nitong boyfriend na si Ervic Vijandre.

 

"Matagal na po ‘yong sinasabi nilang kami na nga raw ni Dingdong," pagkikibit-balikat ni Marian. "Bahala na po sila kung ang ang gusto nilang isipin o sabihin. Balang araw, lalabas din po ang katotohanan."

 

Diretso nang tinanong ng PEP kay Marian kung palagay niya ay unfair ang pagbintangan siya sa pagkasira ng relasyon nina Dingdong at Karylle.

 

"Kung minsan po, parang unfair sa akin dahil hindi ko maipagtanggol o ma-explain ang sarili ko," pag-admit ni Marian. "Pero naiisip ko rin po, bakit naman ako kailangang mag-explain kung wala namang dapat i-explain?"

 

Pahayag pa niya, "May isa rin po akong natutunan sa buhay ko ngayon. Never akong nagpasa ng sisi sa ibang tao kung may nangyayari mang hindi maganda. Iniisip ko na lang po na kasama ito sa buhay ng isang artistang tulad ko."

 

Nagkaroon na ba siya ng experience na umibig sa kanyang leading man?

 

"Mahirap pong magsalita ng tapos, lalo na kung wala pa naman," maingat na sagot ng dalaga.

 

Puwede bang mahulog ang loob niya at ma-in love kay Dingdong?

 

"Kahit naman po sinong babae, puwedeng mahulog ang loob kay Dingdong," nakangiting sabi ng dalaga.

 

Sila ba ni Karylle, nagkaroon ng problema? Hindi ba sila naging close?

 

"Wala po kaming problema ni Karylle," paglilinaw ni Marian. "Hindi po kami naging close dahil hindi naman kami nagkaroon ng chance na magkatrabaho talaga. Nagkikita lang kami sa SOP kapag nagge-guest ako doon. Pero lately, dahil very busy nga po ako, hindi po ako nakaka-attend ng SOP."

 

BREAKUP WITH ERVIC. Ayaw pa rin ni Marian na pag-usapan ang breakup nila ni Ervic Vijandre.

 

Open na ba siyang magpaligaw ulit ngayon at umibig muli?

 

Aniya, "Ayoko pong magsalita ng tapos, pero hindi po ako ang klase ng babaeng magpapaligaw agad pagkatapos makipag-break. Saka ako naman po ang nilalapitan ng mga lalake, hindi ako ang lalapit sa kanila. May mga nagpaparamdam na po, pero hindi ko 'yon pinapansin. Basta ngayon, trabaho po muna ang pagtutuunan ko ng pansin."

 

Binanggit ng PEP kay Marian ang issue na may alam daw si Kris Aquino tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Marian at Ervic. Ano ang masasabi ni Marian dito?

 

"Very close po at love ni Mamsie [Popoy Caritativo, Marian's manager] si Kris," pauna ni Marian. "Love din po ako ni Kris, at madalas nga niya akong tini-text na nakita raw niya ako sa ganito, sa ganoon. Maganda raw ang ginawa ko, pinupuri niya ako. Pinahihiram po niya ako ng gowns niya at binibigyan niya ako ng shoes. At malaki po ang tiwala ko kay Kris na kung anuman ang alam niya sa akin na personal, sa amin na lang pong dalawa 'yon."

 

SIGHTING IN TAGAYTAY. Nilinaw naman ng PEP kay Marian ang nasulat na magkasama raw sila ni Dingdong sa Sonia's Garden sa Tagaytay noong November 1. Ayon sa nakakita sa kanila, nag-dinner daw sila roon ng bandang alas-siete ng gabi. Dala rin daw ni Dingdong ang motorsiklo niyang Ducati.

 

"Sana po ay pinuntahan na lang nila ako sa bahay namin sa Cavite!" natatawang wika ni Marian.

 

Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Marian kung nasaan siya noong mga oras na sinasabing kasama niya si Dingdong.

 

"Friday evening, October 31, umuwi na po ako sa lola ko sa amin sa Bacoor, Cavite. Gusto pa nga ng Regal na mag-dub ako ng Desperadas, pero hindi ko na po tinanggap. Bale two days din akong nakapagpahinga dahil wala kaming shooting. Natingnan ko rin po 'yong 12-door apartment na ipinatatayo ko sa lote malapit sa bahay namin," lahad ni Marian.


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.

*****************

i belive u marian!!!

Logged

bixby
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 574


PET ISTOKER


« Reply #93 on: November 06, 2008, 03:32:28 PM »


how true na alibi lang daw ang hindi maka kuha ng visa si Angel para hindi maka tapat sa showing ng pelikula nila Marian at Dingdong
Logged

bait naman ako di naman ako kain tao pets lang
soapie
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 5,130


perfect is boring...that's why im not perfect


WWW
« Reply #94 on: November 06, 2008, 03:36:37 PM »

how true na alibi lang daw ang hindi maka kuha ng visa si Angel para hindi maka tapat sa showing ng pelikula nila Marian at Dingdong

hehheeh!!!! baka nga!!!!

Logged

chaney
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 2,645



« Reply #95 on: November 06, 2008, 06:30:11 PM »

Logged

[IMG]http://i276.photobucket.com/albums/kk39/bopengs/1Mh
YouKnowWho22
PEP Newbie
*
Offline Offline

Posts: 8


« Reply #96 on: November 06, 2008, 06:55:16 PM »

Wala!!!!! Grin
Logged
kat_md
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 124



« Reply #97 on: November 06, 2008, 08:06:39 PM »

promote lang po! Smiley


SYNOPSIS. In the film, Dingdong plays Migs, a young man who is in a long-term relationship with Iza Calzado's character named Bela. The relationship was put to the test when Bela and her family decided to go abroad, leaving the two lovers with no choice but to settle for a long distance affair. The couple struggle to keep their long distance relationship but they eventually decide to go their separate ways.

Migs then meets a pretty nurse named Joy, portrayed by Marian Rivera. Smitten and confused, Migs fell in love with Joy and immediately offers marriage, leaving Bela and their relationship behind.


Bela, determined to fight for her love, quickly returns to the Philippines with the intention of winning back her former boyfriend. This situation forces Migs to painfully contemplate whether to return to Bela or move on with his new life with Joy.

Who will be the one true love of Migs: his first love Bela (Iza) or his current flame Joy (Marian)?



Watch Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Iza Calzado in a dramatic love triangle in One True Love, which opens in cinemas on November 19.



credits to ar and docgail

Logged

kat_md
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 124



« Reply #98 on: November 06, 2008, 08:08:53 PM »

promote lang po! Smiley


SYNOPSIS. In the film, Dingdong plays Migs, a young man who is in a long-term relationship with Iza Calzado's character named Bela. The relationship was put to the test when Bela and her family decided to go abroad, leaving the two lovers with no choice but to settle for a long distance affair. The couple struggle to keep their long distance relationship but they eventually decide to go their separate ways.

Migs then meets a pretty nurse named Joy, portrayed by Marian Rivera. Smitten and confused, Migs fell in love with Joy and immediately offers marriage, leaving Bela and their relationship behind.


Bela, determined to fight for her love, quickly returns to the Philippines with the intention of winning back her former boyfriend. This situation forces Migs to painfully contemplate whether to return to Bela or move on with his new life with Joy.

Who will be the one true love of Migs: his first love Bela (Iza) or his current flame Joy (Marian)?



Watch Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Iza Calzado in a dramatic love triangle in One True Love, which opens in cinemas on November 19.



credits to ar and docgail

Logged

heaven02_07
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,017


I Love Marian Rivera and I'm Proud to be MK's :D


WWW
« Reply #99 on: November 06, 2008, 08:35:32 PM »


Marian Rivera, malabong ma-interview ni Kris Aquino!
Written by Archie de Calma
November 5, 2008

LALONG LUMAKAS AT naging eksplosibo ang The Buzz, at sa totoo lang, nakaaaliw na nakagugulat din ang reaksiyon ng mga host dito na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez at Kris Aquino sa portion na POV (Perspective, Opinion and Violent Reations) kung saan nagbabalita lang sila ng latest at pagkatapos, may kanya-kanya na silang opinyon.

Dalawang linggo na kaming tumatambay sa studio ng ABS-CBN para sa bonggang presentations ng nabanggit na showbiz-oriented talk show mula nang umentra muli sa eksena si Kris. Properly spiced-up ang bagong structure ng show. Matapang, straight-to-the-point, pero naroroon pa rin ang classy appeal nito.

Gustong-gusto namin ang pagbibigay ng opinyon ng tatlong hosts. Lalo na sa isyu tungkol sa paghihiwalay nina Dingdong Dantes at Karylle. O, 'di ba? Kapuso stars 'yan, without the benefit of video interviews na pumick-up lang sila ng news items sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Then, naka-create na sila ng usok. Naidawit siyempre si Marian Rivera sa isyu tungkol sa pakikipaghiwal ay naman nito sa basketball player na dating boyfriend na si Ervic Vijandre.
Nagulat ang marami sa studio nang mag-react si Kuya Boy sa nakarating kay Kris na ibinuking nito, na hindi naman kakilala ni Ervic si Kuya Boy, and that's according to Marian, na ipinarating naman ng manager nitong si Popoy Caritativo kay Kris.

Very immediate ang reactions na 'yun, through the help of text messages, huh! Buong akala ng worldwide viewers ng The Buzz na naimbyerna si Kuya Boy dahil sa pagtataray nito, pero nang i-text namin si Popoy, ang sabi niya, biruan lang daw nila 'yun.

Hindi alam ng iba na may certain degree of closeness sina Kris, Kuya Boy at ang kampo ni Marian. Pero, hindi nagrehistro ang ganoon sa nakalolokang pagtataray ni Kuya Boy, ne seldom niyang ginagawa on TV, huh!

Natatawa na lang si Popoy sa pangyayaring 'yun. Pero, understandable na nag-create ng isyu ang reaction ni Kuya Boy, na ang lumalabas, parang ginatungan pa ito ni Kris.

Anyway, naitanong namin kay Popoy kung ano ang reaksiyon ng kampo ni Marian sa sinabi ni Kris na one of these days, baka puwedeng magpa-interview sa The Buzz si Marian.
Nag-text back si Popoy sa amin, at ang sabi niya, "Ngek! Malabo 'yan at ipagpapaalam pa namin sa GMA-7 kung papayag sila!"

Kung ganyang parang nagpaparamdam na rin ang Dos na welcome sa kanila si Marian anytime, depende na rin lang 'yan sa kung ano ang repercussion ng parang lumabas na pagtataray ni Kuya Boy sa The Buzz, na hindi naman.


ang tanging masasabi ko lng dito...ANG GANDA NI MARIAN GRABE!
Logged

Pls! Visit my Multiply:
http://heaven02.multiply.c0m
manilaphils
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,968


« Reply #100 on: November 06, 2008, 09:28:02 PM »

Ang nasasabi ko lang nakisawsaw ang the buzz sa DD at Karylle break-up at pilit na iniugnay si Marian hahaha.

Why don't they interview Angel and Piolo instead of news blackout kung bakit nadelay ang movie nila na nagyabang pa mga kapamilya na Nov. 12 at naging Nov.25 then mabalitaan January na dahil sa visa ek ek hehe.

Bakit di rin nila alamin ang buong story eh kasi nakita ko sa thread ng iba na may pasa si Roxanne at hiwa sa braso. Oh bakit may news blackout sila haha.

Ang daming controversies sa bakuran nila haha.

At mga Angel fans nag uusap na wala raw breeding si Marian, ilongranger, ahas, at kung anu ano pang name calling haha.

Kung may pinag aralan sila they don't resort to name calling. Sino ngayon wlang breeding haha.

One True Flop pa sabi nila. HOw could it be one true flop eh sa article nalang 32 pages na haha.



Logged

manilaphils
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,968


« Reply #101 on: November 06, 2008, 09:31:40 PM »

Attention: MARIAN FANATICS

Call the attention of GMA 7 or manager of Marian, na mag ingat si Marian sa mga ikinikilos nya.

May blind item yung kampon ni Cristy sa Ang Pilipino Ngayon the other day yung Ronnie ba yun.

Pareho kasi silang ni Cristy. At may nanira pa kay Marian sa shooting daw sa Asian HOspital.

Hindi naman first hand info, puro sabi si ganito si ganun hehe.
Logged

manilaphils
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,968


« Reply #102 on: November 06, 2008, 09:36:47 PM »

manilaphils
November 4, 2008
23:17 PM

Marian Marian ano ba naman
Bakit ika'y pinag initan
Sa tinatamasang kasikatan
Certified ka talagang No. 1.

Maraming mga kolumista
Left and right ang birada
Pati sa shooting ba naman
Pilit hinahanap kamalian.

Kaya ingat lagi sa mga sinasabi
Mga monster nagkalat, sobrang dami
palagi kang hinahanapan ng butas
Sa mga mapanira wala kang ligtas.

Kabilang station nakisawsaw na
Basta lang sila may maintriga
Sa kasikatan wala silang panlaban
One true Love inaabangan ng bayan!

hehehehe


ngek hehehehe. yun lang may mga nabasa ako mga blind items. They are so desperate. Marian and GMA 7 should be careful kasi gumagalaw ang pera ng kalaban para sa downfall ni Marian.

Kya if you have the opportunity always make sure to countereact the comment in a nice way. Wag kayo mag umpisa ng below the belt comment. Hayaan nyo sila mag start.

Sabi pa nga ng mga Angel fans pag may article raw si Angel makipagpatayan daw sila haha.



Logged

manilaphils
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,968


« Reply #103 on: November 06, 2008, 09:54:09 PM »

Marian fans read this. from comments sa article ni Marian"

1606
kagaymilya
November 6, 2008
21:42 PM 1604
kiewi2813
November 6, 2008
21:35 PM

ang BF ng friend ko, nag-iintern sa ABS-CBN, naglo-log in daw ang ibang employees ang ABS-CBN sa PEP and YouTube, etc. para makisalo sa blogging para magsulat ng negative comments sa mga GMA artists, especially Marian. May plano daw gamitin ng Entertainment Live, or Buzz or both, ang mga negative comments, yung nagsasabi na inagaw, ahas tungkol kay Marian, katulad ng ginawa nila sa subic-taray issue ni Marian. ABS employees daw ang nag-sulat ng some of the nega comments na ginamit nila sa segment. Iyon lang ang sabi sa akin.

--ganyan talaga ang ABS mapanira at sinungaling kaya nga palagi nilang sinisiraan ang GMA sa tv at radio pati sa mga dyaryo maraming binabayaran yan para magsulat ng mga nega about sa mga kapuso. basahin nyo ang blog ni Sweet Lapus may mga tauhan ang ABS para magbantay sa internet!
Logged

ninnaganda
Legendary PEPster: 3rd level
*****
Offline Offline

Posts: 39,554


God's greatest gift to me.... my baby!


« Reply #104 on: November 06, 2008, 10:02:02 PM »

Marian fans read this. from comments sa article ni Marian"

1606
kagaymilya
November 6, 2008
21:42 PM 1604
kiewi2813
November 6, 2008
21:35 PM

ang BF ng friend ko, nag-iintern sa ABS-CBN, naglo-log in daw ang ibang employees ang ABS-CBN sa PEP and YouTube, etc. para makisalo sa blogging para magsulat ng negative comments sa mga GMA artists, especially Marian. May plano daw gamitin ng Entertainment Live, or Buzz or both, ang mga negative comments, yung nagsasabi na inagaw, ahas tungkol kay Marian, katulad ng ginawa nila sa subic-taray issue ni Marian. ABS employees daw ang nag-sulat ng some of the nega comments na ginamit nila sa segment. Iyon lang ang sabi sa akin.

--ganyan talaga ang ABS mapanira at sinungaling kaya nga palagi nilang sinisiraan ang GMA sa tv at radio pati sa mga dyaryo maraming binabayaran yan para magsulat ng mga nega about sa mga kapuso. basahin nyo ang blog ni Sweet Lapus may mga tauhan ang ABS para magbantay sa internet!


haay!!! napak-desperate talaga ng Doslaos na yan!!!   I really hope that Popoy and Marian will be extra careful kasi nga all eyes are on Marian, konting nhatsing lang, vini-video at pinapalabas na nangungulangot!!! Sus, mga mal-edukada talaga!!!
Logged

][/center]
Pages: 1 2 3 4 5 6 [7] 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 ... 22507   Go Up
  Print  
 
Jump to: