oo nga Promdi_Ca, iba talaga si Robin

Post ko form ALfie:
Inconsistensie s, dapat gamutin!My dear Papa Gabby (Lopez, not Concepcion, huh!), something is wrong in some departments na hindi ko na direktang tutukuyin dahil friends ko naman ang mga nanduon who just refuse na mapagsabihan at ayaw ipakorek ang kanilang katigasan ng ulo -- kahit lantad na ang sangkatutak na kamalian nila!
Halimbawa na lang ito.
Hindi ba, Papa Gabby, kelan lang ipinangalandak
an na more than a P100M daw ang kinita ng One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz?
Thereby preparing the red carpet for the coming up ‘Box Office King & Queen’ title sa isang memorial award-giving body?
Sina Bea at Lloydie na raw ang kokoronahang Box Office King & Queen.
Now, what happened to Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo na ang pelikula para sa Star Cinema na Sakal, Sakali, Saklolo (sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo) ay topgrosser ng MMFFP?
Bakit kailanman ay hindi sila nabanggit bilang Box Office King & Queen?
Kahit hindi nila saklutin ang tropeo o dumalo sa awarding, what is properly needed is recognition man lang!
Hindi ‘yung topgrosser nga, may victory party man (na mistula namang lamayan!), walang nakaaalam dahil ayaw ipaalam mismo ng producer at gustong ilihim, kasi, ayaw mag-imbita ng press, unlike sa mga presscon ng mga budding starlet at hindi pa alam kung kikita ang pelikulang ibibigay sa kanila -- bakit hindi i-maximize ang energy ng mga proven ng kumikita at nag-aakyat ng salapi sa kaban natin?
Bakit mas pabor ang ibang hinayupak diyan sa mga paborito nila, mga gusto nila, mga pinapantasya nila at pina-papa at mina-mama nila?
Ganyan ba dapat mag-business?
O totoo ‘yung sinasabi ng mga mamayabang diyan na “you don’t care” dahil ang ABS-CBN ay ‘white elephant’ lang naman ng Pamilya Lopez?
Hurt ako sa mga ganyang palipad-hangin, Papa Gabby. It seems they don’t care.
Ngayon, how can the public believe na more than P100M ang kinita ng looming Box Office King & Queen eh itong libreng panoorin na sa free TV, ang Maging Sino Ka Man eh ayaw umangat-angat sa ratings at pinakakulelat pa sa lahat ng primetime bida?
Imagine the ratings of Maging Sino Ka Man ay 13.5% lang versus Marimar na 40.5%.
Doblehin mo man ang ratings eh 13 plus 13 equals 26% lang, more than one half ang lamang ng kalaban?
‘Yan ba ang mga Box Office King & Queen? Meaning to say, mas gusto pang magbayad sa sinehan ng publiko para manood ng One More Chance kesa manood ng libre sa TV?
Eh ang dami pa namang artista ng Maging Sino Ka Man!
Sinabi ko na noon na kulang na lang pati si Lino Brocka na mentor nina Christopher-whoever, Bembol Roco, Ipe Salvador sa cast, may Rosanna Roces pa, Sam Milby at Anne Curtis, Angelika Panganiban at Derek Ramsay -- ano ba ang diperensya at ayaw umangat sa ratings ‘yang teleseryeng ‘yan?
Carmi?
Ang ganda nga ng sitwasyon ng tatlong loveteams, eh! Sina Bea at Lloydie eh aminadong wah silang relasyon, kasi, may gf si Lloydie at may Palanca si Bea.
Sina Anne at Sam ay aminadong may relasyon sila, nagliligawan pero wala yatang maniwala.
Kasi, nahuli na si Sam noon na nagpapaikot sa publiko at nagsisinungaling tungkol sa lovelife niya.
Maaaring naapektuhan ‘yan ng kaso nila with Lolit Solis.
Sina Angelika at Derek ay aminado at kumpirmadong totoo ang relasyon nila, eh bakit ayaw silang kagatin ng publiko at gawing paborito?
Sa halip na umangat sa ratings ay isa pang spaghetti na pababa nang pababa ang ratings nito.
Why oh why oh why liwayway?
Kung susumahin ang budget ng Maging Sino Ka Man eh puwede nang makagawa ng dalawang big-budgeted movie, limang indie films -- pero ano ba ang dahilan at hindi kasali sa pilian ang teleserye na ito?
Baka it has got to do with the title na tila mayabang ang dating? Maging sino ka man, talagang hindi ka namin panonoorin!
Mabuti pa ang Maging Akin Ka Lamang eh may misyon na dapat ma-achieve?
Walang iniwan ‘yan sa ‘Lobo’ nina Piolo at Regine Velasquez nu’ng 2002 sa MMK na inulit ang titulo sa DOG-STYLE teleserye na Lobo kaya akala ng mga bata eh balloons for birthday parties ‘yung teleserye ng puting aso?
Oh gosh! Begosh! Hayan tuloy, mistula kayong mga aso na BUBUNTUT-BUNTOT sa ratings ng Kamandag, Joaquin Bordado at Marimar.
Ngayon, tahol kayo nang tahol sa pagrereklamo!
Ayusin n’yo kasi ang dog food para walang asong mangangagat sa gutom, ‘noh?!
Nagtitipid kasi sa hindi naman dapat tipirin -- look, nagteyping pa ng honeymoon scenes nila sina Bea Alonzo at John Lloyd sa Barcelona, ha, hindi naman pinakinabangan sa ratings!
Eh ang Sakal, Sakali, Saklolo, nag-shooting man sa Barcelona eh topgrosser naman sa takilya!
See the comparison? Eh ang next teleserye nina Juday at Derek, nagteyping nga sa San Francisco, buy-one-take-one naman ang plane tickets, hindebah, Melody ‘Ody’ Tolentino?
Ni hindi ka pa nga tumatawag man lang sa akin to explain or make sori, bruha ka!
Ano’ng palagay mo sa sarili mo, INDISPENSIBLE? Until now kasi, I am in the dark kung bakit buy-one-take-one ang tiket ko with you pa, ha!
Nagtipid? But why me? Ay, oo nga pala, and why not?
There you go, my dear Papa Gabby. Hayan, ha, nagmamalasakit ako sa interes ng kumpanya natin -- pero ‘yung mga tinatamaan ang pakalat eh sinisiraan ko raw ang ABS-CBN. Eh sila nga itong sirang-sira na, debah naman!
Ayusin ang trabaho, ha, bago kayo mag-ayus-ayos at mapalayas!
Hi Hermione! ^_^