May 19, 2013, 02:25:42 PM
   Home   Help Search  
Pages: 1 ... 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 [44] 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 ... 15618   Go Down
  Print  
Author Topic: Global Kapuso  (Read 8850635 times)
century_noodle
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 539


~drop it lyk it's hawt~


« Reply #645 on: February 19, 2008, 12:45:37 PM »

WM sana magawi ka ulit dito  Cheesy
May question lang po ako:
Pano ko malalaman na banned nako?
More than once kasi nakaka-post ako sa community pero sa news hindi?  Banned na po ba 'yon? Cry

Hi mga Kapuso Grin

Ang ganda ng Joaquin Bordado, mamya daw tatakbo ng nude si papa Robin, wahhhat hehe kagabi inabangan ko hindi naman so malamang mamyang gabi yon ahihi, Shocked
Logged


promdi_CA
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 4,918


LovingLy Yours, Granny!


« Reply #646 on: February 19, 2008, 12:49:40 PM »

Aaay... naBan si Kapusong Jaguar???...
Kaya pala TaKa din ako kanina kung bakit nagSanib na yung username na Joffrey at Jaguar!

Pag ganoon ba Gaano katagal ang pagkakaBan???
E papano kung di naman masyado FOUL yung message pero may Nagreport agad,
is it already a ground for getting banned???
Or na kay Webbie pa rin ang discretion??
Tanong lang po!...
Logged

aceborn_gams
Ultimate PEPster
******
Offline Offline

Posts: 17,302

Be Happy


« Reply #647 on: February 19, 2008, 12:51:45 PM »

gud pm mga kapuso..... Grin

makikisaya lang po dahil hindi natuloy si ms. regine sa ebs... ang saya saya naman...

aceborn po proud to be kapuso Wink
Logged

promdi_CA
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 4,918


LovingLy Yours, Granny!


« Reply #648 on: February 19, 2008, 12:52:13 PM »


Hello C. Noodle!!!
Wala pa J.Bordado dito pero for sure Aabangan ko din ang SCENE na yan!Hehehe!
[/size]
Logged

promdi_CA
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 4,918


LovingLy Yours, Granny!


« Reply #649 on: February 19, 2008, 12:54:07 PM »


aceborn,
ako din... super saya na Regine stays as KAPUSO!!!
Logged

century_noodle
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 539


~drop it lyk it's hawt~


« Reply #650 on: February 19, 2008, 01:00:23 PM »

Hi Promdi_Ca!  Excited nako kahit medyo matured na si papa Robin kinikilig pa rin ako sa kanya sabi ng lola ko kumekerengkeng daw ako kasi pag nanonood ako para daw akong pusa na nakiliti wahahaha.




aylawbyou papa Robin.

Hi aceborn! oo nga ang saya-saya sana tuluyan ng satin si Regine.
Logged


promdi_CA
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 4,918


LovingLy Yours, Granny!


« Reply #651 on: February 19, 2008, 01:07:46 PM »


Nyahahaha!... C Noodle!
Oks lang yun, kahit naman kasi medyo may edad na si Binoe e di hamak naman na mas malakas pa rin dating niya kesya sa iba diyan na feeling PaPa!LOLz

Hermione... saan makikita yung article ni Alfie???...
Di ko pati napanood yung sa Nuts Ent. kung saan siya daw Guest doon!
Logged

century_noodle
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 539


~drop it lyk it's hawt~


« Reply #652 on: February 19, 2008, 01:15:47 PM »

oo nga Promdi_Ca, iba talaga si Robin  Grin

Post ko form ALfie:
Inconsistensie s, dapat gamutin!

My dear Papa Gabby (Lopez, not Concepcion, huh!), something is wrong in some departments na hindi ko na direktang tutukuyin dahil friends ko naman ang mga nanduon who just refuse na mapagsabihan at ayaw ipakorek ang kanilang katigasan ng ulo -- kahit lantad na ang sangkatu­tak na kamalian nila!
Halimbawa na lang ito.
Hindi ba, Papa Gabby, kelan lang ipinangalandak an na more than a P100M daw ang kinita ng One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz?
Thereby preparing the red carpet for the co­ming up ‘Box Office King & Queen’ title sa isang memorial award-giving body?
Sina Bea at Lloydie na raw ang kokorona­hang Box Office King & Queen.
Now, what happened to Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo na ang pelikula para sa Star Ci­nema na Sakal, Sakali, Saklolo (sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo) ay topgrosser ng MMFFP?
Bakit kailanman ay hindi sila nabanggit bilang Box Office King & Queen?
Kahit hindi nila saklutin ang tropeo o du­malo sa awarding, what is properly needed is recognition man lang!
Hindi ‘yung topgrosser nga, may victory party man (na mistula namang lamayan!), walang nakaaalam dahil ayaw ipaalam mismo ng producer at gustong ilihim, kasi, ayaw mag-imbita ng press, unlike sa mga presscon ng mga budding starlet at hindi pa alam kung kikita ang pelikulang ibibigay sa kanila -- bakit hindi i-maximize ang energy ng mga pro­ven ng kumikita at nag-aakyat ng salapi sa kaban natin?
Bakit mas pabor ang ibang hinayupak diyan sa mga paborito nila, mga gusto nila, mga pinapantasya nila at pina-papa at mina-mama nila?
Ganyan ba dapat mag-business?
O totoo ‘yung sinasabi ng mga mamayabang diyan na “you don’t care” dahil ang ABS-CBN ay ‘white elephant’ lang naman ng Pamilya Lopez?
Hurt ako sa mga ganyang palipad-hangin, Papa Gabby. It seems they don’t care.
Ngayon, how can the public believe na more than P100M ang kinita ng looming Box Office King & Queen eh itong libreng panoorin na sa free TV, ang Maging Sino Ka Man eh ayaw uma­ngat-angat sa ratings at pinakakulelat pa sa lahat ng primetime bida?
Imagine the ratings of Maging Sino Ka Man ay 13.5% lang versus Marimar na 40.5%.
Doblehin mo man ang ratings eh 13 plus 13 equals 26% lang, more than one half ang lamang ng kalaban?
‘Yan ba ang mga Box Office King & Queen? Meaning to say, mas gusto pang magbayad sa sinehan ng publiko para manood ng One More Chance kesa manood ng libre sa TV?
Eh ang dami pa namang artista ng Maging Sino Ka Man!
Sinabi ko na noon na kulang na lang pati si Lino Brocka na mentor nina Christopher-whoever, Bembol Roco, Ipe Salvador sa cast, may Rosanna Roces pa, Sam Milby at Anne Curtis, Angelika Panganiban at Derek Ramsay -- ano ba ang diperensya at ayaw uma­ngat sa ratings ‘yang teleser­yeng ‘yan?
Carmi?
Ang ganda nga ng sitwasyon ng tatlong loveteams, eh! Sina Bea at Lloydie eh aminadong wah silang relasyon, kasi, may gf si Lloydie at may Palanca si Bea.
Sina Anne at Sam ay aminadong may relasyon sila, nagliligawan pero wala yatang maniwala.
Kasi, nahuli na si Sam noon na nagpapaikot sa publiko at nagsisinunga­ling tungkol sa lovelife niya.
Maaaring naapektuhan ‘yan ng kaso nila with Lolit Solis.
Sina Angelika at De­rek ay aminado at kumpirmadong totoo ang relas­yon nila, eh bakit ayaw silang kagatin ng publiko at gawing paborito?
Sa halip na umangat sa ratings ay isa pang spaghetti na pababa nang pababa ang ratings nito.
Why oh why oh why liwayway?
Kung susumahin ang budget ng Maging Sino Ka Man eh puwede nang makagawa ng dala­wang big-budgeted movie, limang indie films -- pero ano ba ang dahilan at hindi kasali sa pilian ang teleserye na ito?
Baka it has got to do with the title na tila ma­yabang ang dating? Ma­ging sino ka man, tala­gang hindi ka namin pa­nonoorin!
Mabuti pa ang  Ma­ging Akin Ka Lamang eh may misyon na dapat ma-achieve?
Walang iniwan ‘yan sa ‘Lobo’ nina Piolo at Regine Velasquez nu’ng 2002 sa MMK na inulit ang titulo sa DOG-STYLE teleserye na Lobo kaya akala ng mga bata eh balloons for birthday parties ‘yung teleserye ng puting aso?
Oh gosh! Begosh! Hayan tuloy, mistula ka­yong mga aso na BUBUNTUT-BUNTOT sa ratings ng Kamandag, Joaquin Bordado at Marimar.
Ngayon, tahol kayo nang tahol sa pagrereklamo!
Ayusin n’yo kasi ang dog food para walang asong mangangagat sa gutom, ‘noh?!
Nagtitipid kasi sa hindi naman dapat tipirin -- look, nagteyping pa ng honeymoon scenes nila sina Bea Alonzo at John Lloyd sa Barcelona, ha, hindi naman pinakinaba­ngan sa ratings!
Eh ang Sakal, Sakali, Saklolo, nag-shooting man sa Barcelona eh topgrosser naman sa ta­kilya!
See the comparison? Eh ang next teleserye nina Juday at Derek, nagtey­ping nga sa San Francisco, buy-one-take-one naman ang plane tickets, hindebah, Melody ‘Ody’ Tolentino?
Ni hindi ka pa nga tumatawag man lang sa akin to explain or make sori, bruha ka!
Ano’ng palagay mo sa sarili mo, INDISPENSIBLE? Until now kasi, I am in the dark kung bakit buy-one-take-one ang ti­ket ko with you pa, ha!
Nagtipid? But why me? Ay, oo nga pala, and why not?
There you go, my dear Papa Gabby. Hayan, ha, nagmamalasakit ako sa interes ng kumpanya natin -- pero ‘yung mga tinatamaan ang pakalat eh sinisiraan ko raw ang ABS-CBN. Eh sila nga itong sirang-sira na, debah naman!
Ayusin ang trabaho, ha, bago kayo mag-ayus-ayos at mapalayas!


Hi Hermione! ^_^
Logged


heartmate007
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,300

SCREW PEP!


« Reply #653 on: February 19, 2008, 01:17:02 PM »

hermione, d mu buh pde i-copy d2 un article?
wula tlga akung koneksyon sa pinas except PEP.. uala kze akung pinoytv..
Logged
heartmate007
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,300

SCREW PEP!


« Reply #654 on: February 19, 2008, 01:17:32 PM »

blis nman.. haha! nauna pa sakn un request ku..
Logged
century_noodle
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 539


~drop it lyk it's hawt~


« Reply #655 on: February 19, 2008, 01:17:54 PM »

Regine thanks Kapuso ka pa rin, yan ang power of love:

Behlat mga gustong mag-pirate sa kanya!
Logged


century_noodle
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 539


~drop it lyk it's hawt~


« Reply #656 on: February 19, 2008, 01:18:39 PM »

lols heartmate, hellow! Grin
Logged


heartmate007
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,300

SCREW PEP!


« Reply #657 on: February 19, 2008, 01:23:31 PM »

astig!
infairness n2wa aku sa nbasa ku! hahaha..

ndi ka buh pa2glitan n webbie nian?
Logged
analou_1980
Jr. PEPster
**
Offline Offline

Posts: 87

happy and contented!!!


« Reply #658 on: February 19, 2008, 01:24:07 PM »

Richard, Valentine Box-Office King!
Alfie lorenzo, abante-tonite
 

UHUM, sana may award-giving body na magdadagdag ng bagong kategorya sa mga pinamumudmod nilang mga tropeo, for sale man o giveaways lang - para sa Valentine Box-Office King na kumpirmado na talagang walk-away winner itong si Richard Gutierrez, dahil apat na beses na nga na movie niya na itinatanghal sa mismong Araw ng mga Puso, ang siyang nanguna sa ta­kilya!


May ibang artista ba, babae man o lalake (o nagpapanggap lang na lalakwe!) ang nakahawak na ng rekord na ‘yan ng kakambal ni Raymond Gutierrez?


Uhum, kung sa ibang kumpanya lang ginawa ni Richard Gutierrez ang apat na pelikulang nagluklok sa kanya bilang top-rater pa ng GMA-7 ay siguradong uulan na ng confetti (na mas mada­mi pa sa isinasabog sa Makati circle) at sari-saring papuri, sandamakmak na write-ups and hallelujah at lalabas sa mahigit isang dosenang TV shows para ipagyabang ang achievements!


Pero bakit quiet lang ang GMA Films at Regal Films na siyang nagsosyo sa puhunan at naghati sa tubo? Scared kaya sa yabang ng kalaban?


Napatunayan na nga­yon na hindi artificial lang ang tagumpay ni Richard Gutierrez. He was but a “nobody” na ginawang bida sa “Let The Love Begin” kapareha ng isa pa ring “nobody” in Angel Locsin at itinapat nila ang showing ng movie na ‘yan sa Va­lentine’s Day presentation ng “Dream Boy” starring ang subok nang Box-Office attraction na si Piolo Pascual na relaxed na relaxed during his promo period for the movie na kuntento at tila siguradung-sigurado na tatalunan ng milya-milya sa takilya itong Richard-Angel starrer.


Kasi naman kapag si Judy Ann Santos ang kapareha ni Piolo Pascual ay hindi bumababa (repeat ha, hindi bumababa!) sa 100 million pesos ang box-office returns ng alinmang mo­vie nila.


Kaya sigurado ang papa ko na mailalampaso ng “Dream Boy” ang “Let The Love Begin”.


But as I have said, written and brag about as always, kinaba­han kami sa maaring ma­ging resulta ng laba­nan sa takilya. Being a newcomer in the game, Richard Gutierrez has nothing to lose.


And Piolo Pascual has his title at stake. At kagaya nga ng pina­ngambahan ko na palagi namang nagkakatutoo - nagpalitan ng title ang dalawang nagsalpukang pelikula sa ta­kilya ng Valentine’s Day.


Kesehodang Araw ng mga Puso ‘yun (na sadya sigurong ginawang Araw ng mga Kapuso?), Richard’s “Let The Love Begin” ay naging “Let The Fight Begin” at ang Dream Boy ng papa ko ay naging “nightmare”. Anoh, naging horror? Yes po, horror of horrors! Atras ang papa ko bahag ang buntot!


Mula noon ay iniwasan na ng Star Cinema na tapatan ang anumang Richard Gutierrez movie, basta on a Valentine playdate. Kita niyo naman at Feb. 27 na ang Sam-bilog-bilog-lumba-lumba mo­vie na ‘yan na pagkaganda-ganda ang chemistry ng mga bida: Sam Milby-Kristine Hermosa? Perfect! Sam Milby - Toni Gonzaga? Proven!


Kahit sinabi ng mommy ni Toni Gonzaga na pang-promo lang ang kuno-kuno eh “MU” nina Sam at Toni. Salamat daw Mommy Pinty, sabi ni Jun Lozada for telling the truth, also!


Ewan kung sino ang nagmamarunong na nag-isip na ang nagdadala lang sa tambalan nina Richard at Angel ay si Angel Locsin, kaya “kinalas” si Angel kay Richard at nagawan ng paraan na mag-ober da bakod ang Angel nilang inakalang makapag­liligtas kay Piolo sa tiyak na pagda-dive down sa popularity niya.


Richard minus Angel? Wala ‘yan! Lulubog na ‘yan! Wala nang ka-partner na sikat! Wala nang hihila sa kanya papataas!


Mga bintang na nag-boomerang at tumama ba sa pader! Tumama sa dala­wang tao. Hulaan niyo na lang kung sino at kanino tumama?


It seems sadyang takot kay Richard Gutierrez ang kung-sinuman. May bina­lak daw (daw lang, ha!) na pang-Va­lentine’s Day movie for Angel Locsin and Piolo Pascual. Pero nu’ng kumalat naman ang balita na si Richard Gutierrez ay may pang-Valen­tine’s Day movie uli with no less than Judy Ann Santos ang kapareha - biglang nawala ang balak ng Star Cine­ma na Piolo-Angel movie na pang-Va­lentine’s Day.


Pinabulaanan naman ng Star Cinema na may binalak silang movie for Piolo and Angel na pang-Valentines, noh! Oh yeah? Tell that to the marines? No - tell that to the senate!


Malakas ang tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin, ha? Well, hindi movie ang inunang gawin kundi isang teleserye na “Lobo”.


At ano ang resulta, toprater ba? Hanggang sa araw na ito hindi pa rin makagulapay sa ratings ang “Lobo” na ‘yan. Hindi pa nga nakakalipad eh pumutok na! As of Thursday, February 14, 2008 ang ratings ng “Lobo” ay mababang 22.6% lang as compared sa nag-iisang Richard Gutierrez lang na nawalan ng Angel Locsin na ka-partner, ang “Kamandag” na is on (Sundan sa p. 10) a high 37.3%. Ang tindi talaga ng kamandag ng kambal nina Annabelle at Eddie G., huh!


Pati nga ang “Showbiz Central” ni Raymond Gutierrez ay umaariba rin versus kalabang ate Ruffa nila, huh!


Now where does this argument brings us? To the fact na mapa-pelikula man o mapa-teleserye eh, si Richard Gutierrez na ngayon ang current on top!


Talung-talo na nga niya si Piolo Pascual na ang teleserye ay mababa ang ratings at mas mataas pa ang ratings ng mga unknown kids sa “Kung Fu Kids”.


And pitted against Richard, hindi pa tinalo ni Piolo ang alinmang gross ng movies ni Richard na consistent box-office champion for four consecutive Valentine’s Day.


Piolo Pascual had four consecutive box-office champions too – but that is mga movies lang niya with Judy Ann Santos! Meaning, dinadala lang siya, binibitbit, at pasan-pasan lang ni Juday!


Eh, kay Richard Gutierrez? Siya mismo ang nagdadala sa sarili niya, no one else!


Richard’s “Kamandag” is 37.3% ang ratings at ‘yung kay Marian Rivera na “Marimar” ay unprecedented 40.5% making Richard and Marian the topraters of GMA-7.


Kaya katakataka ba kung ngayong pinagsama ang dalawa sa isang pelikula, itong Valentine’s presentation na “My Bestfriend’s Girlfriend” ay runaway winner sa takilya!


Kumpirmadong ang “My Bestfriend’s Girlfriend” ay ang pinakamalakas na Valentine movie ng GMA Films na co-produced ng Regal Films.


Imabot na sa 50 milyon ang kinita nito sa apat na araw na pagtatanghal pa lang. Hindi padded ‘yan. Unlike sa ibang film outfits na ‘yang 50 million na ‘yan ay gagawin ng 80 million kundi man 100 million agad like the Bea-John Lloyd movie (na tatalakayin namin sa Abante Tonite, basahin mamaya!).


Nagpasalamat na nga ang magkasosyong GMA Films at Regal Films sa isang victory party con-misa nung Linggo at nag-share sila ng blessings nila sa mga reporters na tumulong sa kanila sa publisidad. Unlike (again!) sa ibang producers na sila-sila lang ang nasa victory party kapag di nila type ang artistang kumita ng pelikula sa takilya - tama ba Roxy L.?


Hindi lang sina Richard at Marian ang may napatunayan dito kundi pati na ang direktor nitong si Mark Reyes. Mark directed the MMFFP entry of Bong Revilla na “Resiklo” which won the “best picture” award which should have been his uncle’s Joey Reyes “best picture” “best director” and “topgrosser award” for “Sakal, Sakali, Saklolo”.


Pero tulad sa mga senate investigation na nakakahilo, palibhasa politicians ang mga nagpapatakbo sa MMFFP ay nanalo ngang “best picture” ang dinirek ni Mark Reyes, hindi naman siya ang “best director” kundi ‘yung nagdirek ng movie na hindi naman nanalong “best picture”, noh bah?


But this time, Mark Reyes has proven na puwede rin naman pala siyang magdirek ng movie na kikita sa takilya. “My Bestfriend’s Firlfriend” is a non-traditional type of love story, a tricky romantic-comedy. Now, who can beat that for the moment?


Congrats to Richard and Marian, at patuloy niyong ikalat ang inyong mga kamandag, ha!
Logged

"Hug me when I'm there, miss me when I'm not, kiss me every day, and love me for all eternity."
heartmate007
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,300

SCREW PEP!


« Reply #659 on: February 19, 2008, 01:24:35 PM »

c noodle, hello dn!
thnks.. xD
Logged
Pages: 1 ... 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 [44] 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 ... 15618   Go Up
  Print  
 
Jump to: