|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
shai_aizz
|
 |
« Reply #125 on: July 20, 2007, 05:41:34 PM » |
|
Dear Diary, Bago ang lahat gusto ko munang batiin ka sa bago mong pangalan "Dee-Dee!" May saloobin ako na gusto kong i-share sa'yo... heto ang bumabagabag sa akin nitong mga nagdaang araw... tanong ko lang "PAANO BA MAGING MABUTING INA?" Natatandaan ko, isang linya ito ni Vilma Santos sa pelikulang Anak. Di ko pa napanood ang movie na ito, nakita ko lang sa trailer ng pelikula... pasensiya ka na Dee-Dee at di ko maalala ang eksaktong linya pero heto ang naiwan sa aking memorya "Paano ba maging mabuting ina? ang lalake, maging good provider lang isa ng mabuting ama. ang babae ginawa mo na ang lahat may kulang pa rin." Alam mo kasi Dee-Dee nahihirapan ako sa pag-aalaga sa aking unica-hija  ... frustrated ako kasi di ko maibigay sa kanya ang buong oras ko at atensyon. kailangan ko din kasing intindihin ang sarili kong pangangailanga n. kailangan ko rin ng makakausap para ma-retain ang natitira ko pang katinuan...kay a nga lagi akong tumatambay dito. kahit paano naiibsan ang aking kalungkutan.  Gusto ko na lang ibalik ang anak ko sa Pilipinas. Doon maraming mag-aalaga sa kanya, maraming kalaro, malilibang siya. Dito kasi Dee-Dee lagi lang kaming nasa bahay. Heto nga at makulimlim na naman at nagbabadya ng malakas na ulan. Bakit kaya laging inuulan dito all year round? imagine, inuulan kahit summer?!! pagkatapos naman ng summer, autumn, malamig naman... malungkot dito Dee-Dee...buti pa sa Pilipinas kahit umuulan enjoy naman mag-stay sa bahay. basta may tv lang at may pagkain, solve ka na. kahit di ka na lumabas ng bahay.  hay buhay... you win some...you lose some 
|
|
|
|
|
Logged
|
 "Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others."
|
|
|
|
shai_aizz
|
 |
« Reply #126 on: July 20, 2007, 06:03:44 PM » |
|
Dear Diary,
Salamat kay windstruck na isang henyo at binigay niya sa akin ang isa sa mga famous lines ni Ate Vi sa pelikulang ANAK!
bakit kaya araw araw ang napakaraming taong pumipila umulan umaraw marami pa ring umaasa ng makapagabroad
sa una sa pangalawa pangatlo sigurado ako dahil sa pera ...
pang apat... pang lima... pang anim... pera pa rin kaya ang dahilan???
bakit ganun??? ang mga lalaki kapag binigyan nya ang kanyang pamilya... pagkain.... damit... bahay... tapos napag aral nya ang mga anak nya agad sasabihin ng mga tao mahusay syang ama
pero kapag babae ka kahit ibinigay mo na ang lahat ng yun sa mga anak mo kasama pa pati puso at kaluluwa mo parang hindi pa rin sapat na tawagin kang mabuting ina
sana pwede nating sabihing oppsss.... tama na hanggan jan na lang ang pagiging nanay ko
kc kahit nanay ka nakakapagod din diba.....
|
|
|
|
« Last Edit: July 20, 2007, 06:12:26 PM by shai_aizz »
|
Logged
|
 "Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others."
|
|
|
|
sean_15
|
 |
« Reply #127 on: July 20, 2007, 06:07:48 PM » |
|
Dear Diary,
Bigyan mo nga ako ng magandang rason, sa problemang bumabagabag sa isipan ko ngayon, Gusto ko nang pawiin ito na tila isang lason.. Ayoko nang lason, gusto ko nang lotion.. 
Anyway, dee-dee, napakawholesom e ang name mo Sinong nakaisip nian, napakagaling nia mismo.. Marahil si tide ng aming laba team.. Ang kapatirang nagpapaputi sa mga itim.. 
Hala, ang problema ko nga pala Muntik ko nang maisulat sau gamit ng brown na tinta.. Ano nga ba un, nakalimutan ko na.. Tumatanda na ba ako? o parang may amnesia? 
Ayan, naremember ko na rin.. Buti na lang, may pagkain dito sa amin.. Gutom lang pala kanina kaya nakalimutan.. Mga brain cells ko kasi may onting ka-epalan.. 
Ganito kasi un, dee-dee.. Ang expectations kasi sa akin, sobrang laki.. Ginormous nga ata un pero tinormous lang ako.. I-demo ko sana sau kaso baka may ibang pumunta dito.. 
Ano ba ang feeling kung sau lang aasa ang iba.. Na sau lang nakitingin ang mga mata.. D ba super pressure para sa iyo yun.. Ibang pressure ang sinasambit ko, hindi altapresyon.. 
Ang ibig kong sabihin, na dapat sa future.. ika'y magtagumpay, kundi ika'y matotorture.. Kumbaga sa taas ng expectation sau, Dapat successful ka at hindi office ang banio.. 
Bagamat ako'y nasa banio ngayon sa PEP, okei lang sa akin dahil malinis ang aking pet..  Sencia na, wala akong maisip na ka-rhyme e.. Un na lang ang naisulat ko, wala ka ng pake.. 
O shya, shya..dee-dee, dramatic actor na naman ako.. Sana sa susunod, magsalita ka na para magulat ako.. Salita ako ng salita dito, para akng baliw.. Akala mo naman ako ay naaaliw.. 
Huwag mong ipagkalat ang mga sinabi ko sau dee-dee.. Kundi lagot ka sa akin...teka punta ako CR, ako'y na-wiwiwi..  Saka na lang tau ulit mag-usap dear diare.. Balik muna ako sa banio para umire.. 
Ang ewan, Sean, 
|
|
|
|
|
Logged
|
Alien's baq. baq again..lol
|
|
|
|
shai_aizz
|
 |
« Reply #128 on: July 20, 2007, 06:10:10 PM » |
|
Dear Diary, Alam mo gustong-gusto kong panoorin ang pelikulang ANAK, kaya lang baka ma-depressed lang ako Basahin ko nga lang yan linya sa itaas, naaantig na ang damdamin ko...ano pa kaya kung mapanood ko ang buong pelikula? baka bumaha ng luha  Ang hirap maging ina Dear Diary... ang gusto ko lang naman mapabuti ang kalagayan ng anak ko...kaya naghihirap ang kalooban ko pag nakikita siyang hindi masaya... konting bagay umiiyak. sabi ko sa kanya, "Anak, pag umiiyak ka, nalulungkot si mommy. Gusto mo bang umiyak din si mommy? Ang gusto ni mommy lagi kang happy. pag happy ka, happy din si mommy."  Lahat naman ng magulang hangad ang ikaliligaya ng anak nila.
|
|
|
|
|
Logged
|
 "Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others."
|
|
|
|
gossipmonger
|
 |
« Reply #129 on: July 20, 2007, 07:22:17 PM » |
|
dear deedee, bakit parang biyernes santo ang mga tao ngayon?  ano kayang meron at halos lahat ay nagdradrama? sana okay lang sila...  p.s. nakita ko friendster ni aya. ahahaha. isa pa lang ang friend niya. di naman niya ako ni-add tiningnan lang ang profile ko. ayaw niya siguro akong maging friend. 
|
|
|
|
« Last Edit: July 20, 2007, 07:52:53 PM by gossipmonger »
|
Logged
|
|
|
|
|
|
|
ayabaolinteu
|
 |
« Reply #131 on: July 20, 2007, 08:10:16 PM » |
|
|
|
|
|
|
Logged
|
nyahhaa... bleh 
|
|
|
|
sean_15
|
 |
« Reply #132 on: July 20, 2007, 08:13:27 PM » |
|
|
|
|
|
|
Logged
|
Alien's baq. baq again..lol
|
|
|
Bruhaha
Jr. PEPster

Offline
Posts: 50
|
 |
« Reply #133 on: July 20, 2007, 08:35:33 PM » |
|
Dear Di,
Parang napahiya ako doon sa may banyo. Alam mo naman ako, marami talaga akong bloopers. In fairness naman doon sa may banyo, nakatawa lang lahat ang mga tao don. Kaya kahit napahiya ako, light pa rin ang feeling.
Wish ko lang talaga, hindi magagalit si.........
Pero ganun pa man. Masaya na rin ako, na kahit papano, palipas na ang araw na ito na hindi me nababagot. Salamat kina windsurf, Misis,ayabaolinteu , sean_15 ,at shai_aizz . At a iba pang nag reply don sa post ko.
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
sean_15
|
 |
« Reply #134 on: July 20, 2007, 08:38:06 PM » |
|
Dear Diary, pakisabi kay bruhaha aka breeze, hindi sia napahiya...mas ayahin lang talaga kaming mga nasa banio...ang saya talaga!!! (hala, may masamang hangin pa rin???) at pakisabi rin na walang anuman iyon...salamat at may bago na namang labadista... 
|
|
|
|
|
Logged
|
Alien's baq. baq again..lol
|
|
|
|