dear diary
hello dd
haysss kakatamad naman ngayon
dee
nakakapagod din pala ang walang ginagawa

kahapon pagod na pagod ako,wala naman akong nagawa

nagising ako ng 12 noon then drink lang ako ng kape dd
tapos napansin ko tahimik ang bahay namin
nasikwat na pala ng hipag ko ang mga junakis ko
(dahil celebration ng panganay ko yesterday)
hindi ko namalayan kundi pa sinabi ng bossing ko
sabi nya, kasi daw, tulo laway pa kong nakanganga na natutulog

(jowk lang yun dee, baka isipin mo ganun nga ako matulog

)
after kong magpa upo upo sa sofa, niyaya ako ni bossing na mag ikot ikot
sama naman ako dee, lakwatsang nakaupo sa sasakyan lang naman

habang nasa car, nagkukutkot ako ng mga asstd nuts
habang iniikot namin ang bayan at mga iskinita d2

from 1- 5 pm dee, nakaupo lang ako sa car
tapos diretso kami sa mga byenan ko
pagdating dun,upo uli ako dd habang nanonood ng tv
service de luxe pa nga dahil ayaw akong pakilusin ng mga inlaws ko
hatag lang sila ng hatag ng food sa harap ko
habang nagkakantahan na ng hapi na bertdey pa

pag uwi namin ng 9 pm, tsikahan naman kami ng mga kasama ko sa bahay
nakaupo lang uli ako nun dee

1 am na kami natapos magchismisan
pero feeling ko dd, pagooooood na pagoood ako
pers taym kong gawin un dee
ung nakaupo lang maghapon at walang ginawa
di naman ako makaupo sa pyuter dahil
bisi ako sa pag upo upo sa tabi tabi
hahahahaha
nakakabisi din pala un no dee

hmmmmmmm
minsan nga ikakatwiran ko kay bossing un
"im busy sitting here, dont disturb me"
nyahahahaha
o sya dd
napatawa mo na ko

susunod wento ko naman sayo
ang walang wentang pelikula ni dolph lundgren

si yu neks taym

*jasmyn*