May 24, 2013, 05:30:57 AM
   Home   Help Search  
Pages: 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 ... 166   Go Down
  Print  
Author Topic: Dear Diary,  (Read 321587 times)
shai_aizz
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,376


"Mabuti pa ang kulangot, kinakalikot"


« Reply #30 on: July 09, 2007, 02:53:12 PM »

Dear Diary,

Sorry at absent ako yesterday... nagpunta kasi kami sa Zoo...pang-apat na zoo na yon na pinuntahan namin! ilang zoo pa kaya ang pupuntahan namin  Shocked

hindi naman sa hindi ko type ang aking mga kamag-anak (gorillas and monkeys) pero pag masyadong malawak ang lalakarin mo para maikot mo ang buong lugar tapos may karga-karga ka pang 2 y.o. na bata, heavy weight na nga ako, heavy weight pa siya, eh di hindi na kami makalakad...ka ya ayon, umuwi kaming tatlo na puros nakasimangot.

aktwali, umaga pa lang bad-trip na kami sa isa't isa...nakita kasi ng asawa ko na pinalo ko ang anak ko, nagalit siya, first time ko siyang nakitang namumula sa galit  Angry ayaw kasi niyang pinapalo ko yung bata. eh sobra na kasi ang kulit. pag di nakuha ang gusto, nagdadabog, binabato kung ano ang mahawakan, kaya para maturuan ng leksyon, pinadapa ko at pinalo ko sa pwet...protect ed naman ng pampers yon kaya di naman gaanong masakit...pero ganon pa man, ayaw pa rin ng asawa ko ang kinakanti ko yung bata...heto naman anak ko, nananamantala, porket may kakampi siya, todohan pa daw talaga niya ang boses niya. daig pa ang ginugulpi! kung makaiyak akala mo aping-api, eh lahat naman ng gusto niya sinusunod ko, meron lang talaga na hindi pwede! kaya ayon, pati tuloy ako umiyak! huwaaaaaaaaaaa aaa.... Cry

Para mawala ang tensiyon sa bahay, nag-aya ang asawa ko na mag-riding. sabi niya magpapa-gas daw kami nung isa namin sasakyan...kam ukat-mukat mo nasa motorway na kami... heto namang anak ko, likas yata na maloko, tinanggal ba naman yung seatbelt niya  Shocked kaya ayun, kailangan kong tabihan siya sa likod...eh susme, maginaw pala sa likod. yung asawa ko, parang gumaganti yata sa amin, at tuwang tuwa sa itsura namin mag-ina. yung anak ko sabog-sabog ang buhok na parang bruha. isang oras lang naman namin tiniis yong hanginin kami sa back-seat  Roll Eyes ... tapos yun pala sa zoo lang kami pupunta!  Angry

hindi pa man kami nag-uumpisang maglakad, kumakalam na ang sikmura ko at nagre-reklamo na ang mga bulate ko sa tiyan... pero yung asawa ko dedma lang! yung anak ko rin nagrereklamo at wala kaming baon na pagkain, kaya kahit nakapanood siya ng BARNEY show, dedma din siya, di niya ma-appreciate... pagkalipas ng isang oras, naisip ni hubby na pakainin na kami, ang kaso mahaba ang pila, kaya sabi niya hanap pa daw kami ng iba pang mabibilhan...a sus, naikot na namin yung kalahati ng lugar hanggang sa napadpad na kami sa entrance, yon palang restaurant na sadya namin eh closed for the day! Roll Eyes kaya nakasimangot na ako...ako pa naman, basta gutom di maipinta ang mukha ko. kaya nag-aya na akong umuwi...buti naman at tinaas na ang bubong namin at natulog na lang kami sa byahe ng anak ko... at mabuti rin na bago kami umuwi dumaan kami sa pizza house, kaya pagdating na pagdating sa bahay, kumain talaga ako...tapos, ayon bedtime na...kaya natulog na kami ng anak ko.... end of story Smiley
Logged



"Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others."
sanCnukob
Don't hold too long to what's never meant, sometimes we need to set things FREE before it HURTS us badly.
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 3,118


SamBean


« Reply #31 on: July 09, 2007, 03:26:08 PM »

Dear Diary,

Sorry at absent ako yesterday... nagpunta kasi kami sa Zoo...pang-apat na zoo na yon na pinuntahan namin! ilang zoo pa kaya ang pupuntahan namin  Shocked

hindi naman sa hindi ko type ang aking mga kamag-anak (gorillas and monkeys) pero pag masyadong malawak ang lalakarin mo para maikot mo ang buong lugar tapos may karga-karga ka pang 2 y.o. na bata, heavy weight na nga ako, heavy weight pa siya, eh di hindi na kami makalakad...ka ya ayon, umuwi kaming tatlo na puros nakasimangot.


nakuww kalurkey ang nangyari s u sis..

ako din hate na hate ko ang maglakad hahhahaa
Logged

   si DEEDEE nung   bata  pa...     si DEEDEE pag galit na...
april_khin
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 694



WWW
« Reply #32 on: July 09, 2007, 05:37:12 PM »

dear diary,

hayzzzzz its a stupid week this week for sure... kainis kairita kabuwisit... sinira na nila ang buong linggo kew... kelangan kew na lng gawing busy ang sarili kew... sana nga madami silang bigay na work sa akin para okei...

sa ngaun dto na muna akew sa peps umubos ng oras... sa pagbabasa nlng wag na muna post ng post Cheesy kakapagod din pla Cheesy

wala tlga akew masabi... wla nnmn akew sa sarili... hayzzzzz.... geh basa basa nlng muna akew dito sa pep...
Logged

oNcE yOu Go bLaCk yOu cAn nEvEr gO BaCk!!! www.iznaberzcl an.com
justme22
To be a Pepster is a person's choice, and I chose to be one
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,664



« Reply #33 on: July 09, 2007, 09:06:02 PM »

Dear Diary,
 
sa totoo lag ngayong lang smakit ang mata ko sa loob ng forum .. dahil sa kulay at sa haba ng mga storya ng mga ka tribo ko.. hehehehehe..

Pero any way masaya parin ako dahil buo ang araw ko na may mga kapwa akong pilipino na nakakapag alis nang lungkot at lumbay dahil sa PEP.
« Last Edit: July 09, 2007, 09:14:40 PM by justme22 » Logged


sanCnukob
Don't hold too long to what's never meant, sometimes we need to set things FREE before it HURTS us badly.
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 3,118


SamBean


« Reply #34 on: July 09, 2007, 09:07:20 PM »

sa totoo lag ngayon g lang smakit ang mata ko sa loob ng forum .. dahil sa kulay at sa haba ng mga storya ng mga ka tribo ko.. hehehehehe..

Pero any way masaya parin ako dahil buo ang araw ko na may mga kapwa akong pilipino na nakakapag alis nang lungkot at lumbay dahil sa PEP.


just me gusto mo kurutin kita? sabing lagyang ng DEAR DIARY eh nyahahhaaa
Logged

   si DEEDEE nung   bata  pa...     si DEEDEE pag galit na...
justme22
To be a Pepster is a person's choice, and I chose to be one
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,664



« Reply #35 on: July 09, 2007, 09:15:30 PM »

sa totoo lag ngayon g lang smakit ang mata ko sa loob ng forum .. dahil sa kulay at sa haba ng mga storya ng mga ka tribo ko.. hehehehehe..

Pero any way masaya parin ako dahil buo ang araw ko na may mga kapwa akong pilipino na nakakapag alis nang lungkot at lumbay dahil sa PEP.


just me gusto mo kurutin kita? sabing lagyang ng DEAR DIARY eh nyahahhaaa


ang takot ko duon ah .. na pa litan ko tuloy agad.. hehehehehe
Logged


sanCnukob
Don't hold too long to what's never meant, sometimes we need to set things FREE before it HURTS us badly.
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 3,118


SamBean


« Reply #36 on: July 09, 2007, 09:18:02 PM »

Dear Diary,

malapit na namang mag uwian, isang araw na naman ang lumipas, hay naku sobrang tinambakan ako ng gagawin ng boss ko, mabuti na lang at gifted child ako at nakaya kng mag multi tasking hhahaahhaa...

ang dami kong gustong sabihin dito pero ayaw ko namang maging nobela ito, cguro save ko na lang un then pag may time ipost ko na lang sa blog ko mukhang di na naa update un eh....

bago mag tago ang haring araw gusto kong mag thank you kay God sa buong maghapon na dumaan, at sa lahat ng maganda at pangit na nangyari sa maghapong ito....

bukas panibagong pakikibaka na naman..panibag ong araw ng paglalakbay... Smiley

Logged

   si DEEDEE nung   bata  pa...     si DEEDEE pag galit na...
justme22
To be a Pepster is a person's choice, and I chose to be one
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,664



« Reply #37 on: July 09, 2007, 10:02:03 PM »

Dear Diary ,

Hay! last 2 days ago nawala ko ang pointer ko ng pocket pc , sobrang init dito lalo na nang hanapin ko sa gitna ng kalsada iyung pointer ko .. Utang na loob ang init po...  kasi naman itong driver ko sa gitna ako ng kalye ibinaba.. (may nakaharang kasing mga loading trucks at duon kupala na hulog ang pointer ko.) at nag karoon ng resulta ang pag hahanap ko at duon ko nga na kita ang pionter sa may gitna ng kalsada. yehey ...
Logged


sean_15
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 9,040

Cool-it!


« Reply #38 on: July 10, 2007, 07:46:25 PM »

Dear Diary,

Kumusta ka naman? Marami na bang pasa ang tiyan mo sa kakasulat namin sayo?

Alam mo ba, nahirapan ako ngayong araw, ang dami kong ginawa for my presentation bukas..Kinakab ahan na nga ako, sana mataas ang grado ko para naman sulit ang pinaghirapan ko.
Naghanap ako ng magandang background sa powerpoint ko, ung tipong mala-anghel, kasi ang theme ng presentation namin ay about sa isang business/center that cater the elderly. Ang naisip ko angels hindi dahil mejo...u know...heaven. ..pero dahil angels represent love and care...d b?

Ewan, sana magustuhan ng mga kagrupo ko un..kundi, bahala sila gumawa ng slides namin..Dahil dun, nalate akong pumasok sa PEP.. Grin Grin Grin

Excited na talaga akong pumunta sa sinehan at panoorin ang movie ko este ni daniel radcliffe..ung harry potter and the order of phoenix..Aalam in ko kung ano ba talaga ang order ng phoenix na yan, kung bigas or mais...Ano kaya ang pipiliin nia..pero kahit ano naman hindi nia makakain kasi pag tinuka nia either one, masusunog lang kaya wala rin..pero aabangan ko pa rin baka may maisubo sia..

Sige na, dear diary, kabado ako para bukas..sana maging okei ang kalabasan ng presentation ko kundi ikaw ang sisisihin ko... Grin

Ang ewan,
Sean aka Surf
Logged

Alien's baq. baq again..lol
justme22
To be a Pepster is a person's choice, and I chose to be one
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,664



« Reply #39 on: July 10, 2007, 07:58:10 PM »

Dear Diary ,

Ito tinatapo skong i copy sa CD iyung films ng KYLE para mapahiram kay Mskurukuru.. sinamahan ko na rin ng super firneds.  Sana matapos ko ng makalibre ako ng hapunan kin amskurukuru.. hehehehe..
Logged


sanCnukob
Don't hold too long to what's never meant, sometimes we need to set things FREE before it HURTS us badly.
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 3,118


SamBean


« Reply #40 on: July 10, 2007, 10:24:17 PM »

Dear Diary,

tamang adik akong kaninang umaga na punuin ang new thread na ginawa ko about sa lab kowts may naalala lang kasi ako, dati kapag nababasa ko tong mga kowts na toh umiiyak ako, well pasaway kasi mga kaibigan ko natutuwa silang pagsendan at ipabasa sakin tong mga kowts nato..welll suferdufer hartbroken ako nun at type nilang asarin ako lalo kasi daw matigas ang ulo ko... pero kanina habang binabasa ko ulit un im glad wala na yong sakit na nararamdaman ko nun.. finally okey na talaga ako ehehehheee


hay naku gusto ko pa sanang habaan to pero kailangan ko ng mag out uwian na namin e at baka ako na lang ang maiwan dito sa ofis...

Logged

   si DEEDEE nung   bata  pa...     si DEEDEE pag galit na...
justme22
To be a Pepster is a person's choice, and I chose to be one
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,664



« Reply #41 on: July 10, 2007, 10:55:39 PM »

Dear Diary,

Natapos nanaman ang maliligayang oras ko sa pep at ako'y ngayon uuwi .. kita ulit tayo bukas...
Logged


shai_aizz
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,376


"Mabuti pa ang kulangot, kinakalikot"


« Reply #42 on: July 13, 2007, 04:45:27 PM »

Dear Diary,

Musta-musta ka na? Mukhang wala ng nag-update sa’yo a. wawa ka naman  Sad

o sige na nga kwentuhan kita…

Weekend na naman…ang bilis ng paglipas ng araw. Ano ba ang pinag-gagawa ko sa mga nagdaang araw?  Huh

LUNES – Nakaka-bahala ang pagdagdag ko ng timbang. Kaya naisip kong gawan ng paraan na hindi na madagdagan pa ang 30 lbs na sobra sa akin. Sinimulan ko ang pag-exercise for 15 minutes, 3x a day. Alalay lang muna, kasi mahirap biglain ang muscles, heto nga limang araw pa lang, ramdam ko na ang discomfort sa tiyan, braso at hita ko. Sa pagkain naman, binawasan ko na rin ang in-take ng coffee. Kung dati 5x akong mag-kape, ngayon at least 2 na lang… coffee itself have no calories, but if you add sugar and creamer, ayon ang nagpapataba. I opt to eat heavy meal once a day lang sana, ideal nga daw ang wag kumain after 6. pero dahil kailangan mag-prepare ng evening meal for my husband, kaya sa tanghali sandwich lang ang kinakain ko. Ang mahirap alisin sa akin ay ang pagkain ng chocolates. Kung dati isang bar ang kinakain ko, ngayon kumakain pa rin ako pero patikim na lang. Ang pagkain yata ng chocolates ang talagang nagpataba sa akin. I can’t pass the day without having it  Sad

MARTES– My child received her first birthday invitation from her dance school classmate, though we will be on holiday on the said occasion, I decided to buy a present for the celebrant. So, riding on a bus, off we went to M&S… I end up buying myself new clothes at kung anik-anik pa… after an hour shopping, my husband appeared to pick us up and he was with us at the check-out counter and heard how much I spent. I don’t know who’s more shock, he or me?! Shocked It has to be me, co’z it’s my allowance that I’m spending anyway! He taunted me afterwards “It shocked you isn’t it?” I said that I wasn’t shocked! I think it’s more of myself that I’m convincing that it doesn’t matter, that I deserved the spending-spree… it’s the first time that I saved my money for myself, I always send my money back home…always the good child, a good sibling… even though my mind freaking out, shouting UNFAIR!

MIYERKULES – it’s Tumbletots for my child… almost a year ago when we first attended the playgroup, my daughter is so shy. Still don’t know how to speak English. Don’t know how to communicate with others…but this time, she stands at the center and while her teacher is talking, she’s dancing. The teacher smile and to cover the embarrassment, I just said, “she’s not shy anymore”  Smiley

HUWEBES – I cleaned the house. I feel better afterwards seeing that everything is in order  Wink

BIYERNES – Heto ako ngayon Dear Diary at nagko-composed ng entrée sa iyo  Cheesy

SABADO – Hindi pa man nangyayari pero sasabihin ko na sa’yo na may skedyul kami bukas. It’s a Black Cherry Fair, kasali sa program ang dance school ng anak ko at participant din siya sa dance show. It’s a whole day event kaya baka hindi ako makadalaw sa’yo bukas  Sad

LINGGO – Hindi ako sigurado kung makaka-attend kami ng Barrio Fiesta organized by the Filipino Community, siguro depende sa weather. Ngayon kasi ay umuulan na naman  Sad … hay bakit ba laging umuulan dito  Sad

Yun lang po muna, Dear Diary…salamat sa ispasyo! hanggang sa muli  Wink
« Last Edit: July 13, 2007, 04:48:48 PM by shai_aizz » Logged



"Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others."
justme22
To be a Pepster is a person's choice, and I chose to be one
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,664



« Reply #43 on: July 14, 2007, 01:38:26 PM »

DeAr diArY,

Masaya kami kahapon nag conference kami nila misis kahapon, kaya lang nasira ang DSL connection ko..

Buti na lang na record ko na iyung song ng kapatid ko .. hehehehehe..

Logged


sanCnukob
Don't hold too long to what's never meant, sometimes we need to set things FREE before it HURTS us badly.
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 3,118


SamBean


« Reply #44 on: July 15, 2007, 06:16:04 PM »

Dear Diary,

masaya ang weekend ko kahapon, kasi naka chat ko ang mga bruha at baliw baliwang sufer frends kong si Poklats at Misis, syan at di ko naabutan si Shai at KUrU si Justme me naman bglang nawala nyahahahhahaa nasipa yata palabas ng confy ng mahiwagang manok hahahhaa

ang kulit ni ate poks halos buong confy namin sia lang ang nagsalita hahahaa kasi sia lang ang pedeng gumamit ng mike kasi magagalit ang manok kapag sumali kami ni misis so ako mega type ng reply nila nyahhaaa

si misis naman ayaw iparinig ung boses nia ang ginawa ba naman eh pinakanta ang junakis nia ng twinkle twinkle litol star na stat struck tuloy kami ni poklatss anewiiz narinig ko rin ang boses ni misis pero nung nagsalita sia sakto umiinom ako ng kape at tahimik kami that time ni poklat kaya napa buga ako ng kape sa gulat nyahahhahaaa kala ko may nanakot sakin jokessss  magkaganun man nag enjoy akong kausap lalo na ung mga kwento ni poklats sa kahalayan nia nyahahahhahaaa
at dahil dun nahulog ako sa bangko lukaret kasi tong si poklats eh ang lakas ng sapi ng manok hahahaa buti na lang at di ako nauntog sa table ko hahahhaa

wish ko next saturday ma ka chat ko rin si shai at si Kuro kasi sabi ni Poklats ang katumbas ko daw pinagsamang Shai, Misis at Kuru eh... no wonder click kaming sufer frends .....


Ay tenchu bow!!
Logged

   si DEEDEE nung   bata  pa...     si DEEDEE pag galit na...
Pages: 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 ... 166   Go Up
  Print  
 
Jump to: