Dear Diary,
Sad ako today,

pag check ko kasi ng company emails ko
nakita ko may message ako galing sa boss ko, actually isa ako sa naka CC sa mail nia
its a Farewell letter pra samin, yeah aalis na sia sa K kasi inofferan sia ng main office namin sa
Switzerland na magjoin sa corporate audit services namin dun sa zurich.
i was so emotional nung mabasa ko yon, di naman ako humagulgol hahahaa
basta naluha lang ako slayt lang

sobrang bait kasi ng boss ko diary,
he made u feel na di sia nakakataas sayo, parang kapatid ang turing nia samin
specially saming mga girls, i remember nung mga unang taon ko dito at valentines day nun
nung mga bandang hapon na ask nia ako kng may nareceive daw akong something sa offismate ko
kasi ako lang ang single sa ofis namin that time, nung sabi ko wala, kalain mo lumabas boss ko
at pagbalik may flowers na dala at chocolate cake para sakin, sabay sabi sa mga guys kong ofis mate na, ano ba kayo nag iisa lang ung dalaga natin dito wala man lang kayong binigay na flowers, hahhaaa at everytime na may nagbibirthday sa mga offismate ko laging maasahan mo ang cooperation nia sa pagbibigay ng surprise bday sa mga kasamahan ko sa work, kapag nale late ang sundo ko lagi siang nag ooffer na ihatid ako or di sia aalis ng ofis hanggat di dumadating ang transport ko ayaw dw nia maiwan ako sa ofis na nag iisa.

kapag nag out of the country sia para laging may chocolate na pasalubong samin at lagi nia akong binibigyan ng maliliit na stuff toy at iniiwan ni sa table ko at shempre alam ko na galing sa kanya un...
at kahit nahuhuli nia ako lagi naka open ang ibat ibang window ng site sa pc ko, deadma lang sia kasi alam naman nia kng pano ako magtrabaho, at confident akong wala siang mairereklamo hahahahaa dahil sasabihin nia palang gets ko na ang ipapagawa nia sakin..
kaya nga dear diary sobrang sad ako kasi aalis na sia, sa totoo lang madalang ka ng makakita ng boss na mabait at ang turing sayo ay parang kapamilya at kapuso (para walang away)

lagi ko ngang sinasabi sa mga kaibigan ko na kahit may mag offer sakin na ibang company na mas malaki ang sahod di ko tatanggapin kasi kontento na ako dito sa pinapasukan ko, mabait lahat ang mga offsmate ko pati boss ko, magaan lang ang trabaho ko at higit sa lahat satisfied ako sa sahod ko.

Nung nagkausap kami ng boss ko kanina sabi ko sa kanya, nalulungkot ako kasi iiwan nia kami pero happy ako kasi alam ko na he deserves that position abah A+ yata ang rate namin last year nung ini audit kami dahil maayos ang lahat ang mga financial statements namin..
hay sana ung pumalit sa kanya mabait ding tulad nia...

sanC