May 19, 2013, 11:47:07 PM
   Home   Help Search  
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 ... 285   Go Down
  Print  
Author Topic: Judy Ann Santos-The Young Superstar  (Read 822600 times)
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« on: November 17, 2006, 08:44:35 AM »

Let's discuss the life, love, and success of Ms. Judy Ann Santos, the best star of her generation.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #1 on: November 17, 2006, 08:45:51 AM »

People's Tonight
By: Nitz Miralles

May album na ang mag-dyowang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

May two duets sila sa Kasalan Collection album, na maglalaman ng favorite and popular wedding songs.

Guests sa album sina Sharon Cuneta, Ariel Rivera, Lea Salonga at iba pang Sony BMG artists. May song din ang international singer na si Jim Brickman.

Napili nina Judy Ann at Ryan na i-record ang I’ll Have to Say I Love You in a Song, original ni Jim Croce. Pinipili pa ang Tagalog song na kanilang idu-duet. Ang dalawang kanta ang gagamitin sa TV guestings at mall shows to promote Kasal, Kasali, Kasalo, Star Cinema entry sa Metro Manila Film Festival.

Curious kami kung bakit hindi ang Star Records ang nag-produce ng album, na ang tiyak na selling point ay ang duet nina Judy Ann at Ryan.

Binibiro ang dalawa na dahil sa pag-ibig, sila’y napakanta.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #2 on: November 17, 2006, 08:47:07 AM »

Judy Ann & Ryan cook up a storm
By Bayani San Diego Jr.
Inquirer

Published on Page E1 of the November 16, 2006 issue of the Philippine Daily Inquirer

AT the launch of the 32nd Metro Manila Film Festival, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo looked every inch the future bride and groom as they parried questions about the rumored impending nuptials.

Naturally, since they were in the thick of promoting Jose Javier Reyes’ “Kasal, Kasali, Kasalo,” Star Cinema’s MMFF entry.

Ryan recalled, laughing, “When we shot the wedding scene, I asked Direk, ‘Are you sure the celebrant is not a real priest?’” He said he also made certain that the marriage contract they signed in the scene was fake.

Not that he was having cold feet.

“We don’t want to turn [our wedding] into a media event,” Juday clarified.

What was important, they said, was that they knew the real score between them.

Ryan described his partner: “She is very nurturing. It’s rare to find someone who gives you unconditional support.”

In fact, Juday backs up Ryan’s “second” career as photographer. “I test all my new photography gear on her,” Ryan said.

In turn, he supports her endeavors, too—like Cookie Jam, a cake and pastry auction held recently in Juday’s Café Carabana, during which he acted as auctioneer.

Graduating

Juday, who is graduating from Café Ysabel’s Center for Asian Culinary Studies next month, often brings the dishes and pastries she whips up in school to the set of “Philippine Idol,” of which Ryan is host.

“He is not difficult to feed,” said Juday. “When I ask him what he wants to eat, he usually answers, ‘Surprise me.’ Most of the time, I’m successful naman.”

The two are partial to Asian cuisine: “Japanese, Malaysian, Chinese—they’re tastier,” she said.

Unglamorous

On their most recent three-week US vacation, Ryan got a glimpse of Juday’s unglamorous side.

“We did the laundry until five in the morning in a New Jersey hotel. That was something new for us,” he recalled.

The US trip also allowed them to hang out with US-based relatives. “We spent some time with her father,” he said.

A frequently asked question is whether Ryan would ask Juday to quit show biz after marrying.

“I don’t think she would even if I wanted her to,” he said. “She’s free to choose. That is precisely why I am working so hard now, so she could have that choice.”

Apart from “Kasal,” the two also have a new soap opera under ABS-CBN. Juday volunteered: “The soap’s working title is ‘Ysabela.’ All I know as of now is that it’s about a girl and the different men in her life.”

Men, as in plural?

“Ang ganda-ganda ko! (I’m so beautiful!)” Juday giggled, as Ryan just quietly grinned.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #3 on: November 17, 2006, 08:48:00 AM »

Abante-Tonite - Alfie Lorenzo

Mamayang 8:00 PM na ang part 2 ng Cookie Jam auction ni Judy Ann Santos sa Caffe Carabana.

Ngayong 9:00 AM ang simula ng pagbe-bake ni Juday at ng mga kasama niya, at malamang na abutin sila ng 7:00 PM sa paghahanda.

Ubos ang pastries na in-auction last week, kung saan P43,000 ang nalikom na pondo para sa kawang-gawa.

P300 pa rin ang tiket dito, at may kasama na riyang autographed cookie.

Ang ibe-bake nina Juday ay walong klase ng cake ng limang klase ng muffins.

‘Yung box of 12 muffins ay P500 ang ‘pinakamura’!

Sey ni Juday, "Nakatutuwa dahil ang daming nag-bid sa auction. Nakatataba ng puso.

"Hindi pa naman ako certified chef, praktis pa lang, para makatulong sa fund-raising.

"Ang dami nang gustong umorder sa akin ng cake! Pinipilit nga ako ng iba na magbukas ng delivery service!" nakangiti pang bulalas ni Juday, na bida sa filmfest entry na Kasal, Kasali, Kasalo katambal si Papa Ryan Agoncillo.

Yung mga nakasuporta naman sa love story nina Juday at Ryan are looking forward sa movie nilang KASAL, KASALI, KASALO na entry sa MMFFP sa Disyembre 25. Isang tunay na pamasko raw sa kanila itong first movie team-up ng dalawa, eh entry pa nga sa film festival na regalo nga sa kanila komo nga mapapanood nila ito sa mismong araw ng Pasko. Nakakasiguro ang mga manonood na HINDI arte lang, or put on ang anumang mapapanood nila rito. In love sa isa’t isa ang dalawa. So ‘yun ang mapapanood sa big screen!

Alin nga ba ang mas pipiliin mo, ‘yung bidang lalake na HINDI naman nanliligaw kay Juday, o kung binata man ang leading man ay KASAL naman sa iba ang leading lady? Eh, di doon ka na sa tunay na lovers on and off screen, TOTOO pa ang mapapanood mo, hindi AKTING lang! At kung nami-miss ng mga fans ni Juday ang pakikipag-KISSING niya sa leading man niya, dito sa KASAL, KASALI, KASALO ay hindi na kailangang pilitin pa ni Ryan si Juday na halikan siya, baka si Juday na mismo ang humawak sa leeg ni Ryan at sibasibin ito ng matamis na halik, ‘noh! O ‘yan ba, eh hindi pang-BEST ACTRESS na naman?

Ayon sa mga reporters na dumalo sa presscon ng MMDA sa Aliw Theatre nung Lunes ng tanghali ay sina Juday at Ryan ang pinaka-FRESH entry dahil among all the festival entries, sina Juday at Ryan lang ang first time na mapapanood together sa isang pelikula, kasi ang ibang entries ay mga parts 3 to parts 6 na yata, kaya siguradong uunahing panoorin ng publiko itong kina Juday at Ryan na entry, saka na lang ‘yung iba na dati na nilang napanood ‘yung naunang bersyon, kabisado na ang mga kuwento na paulit-ulit lang!

Ngayong gabi sa Kaffe Carabana ni Juday ay muling uulitin ang COOKIE JAM, auction sale ng mga cookies at iba pang lutuin ni Juday na natutunan sa kanyang cooking class. This is a fund raising event ng foundation ni Juday that yearly raised funds para sa beddings and linens for the lepers at the leper colony at pagtatayo ng isang day care home for homeless former actors and actresses. Bale two nights lang ito at last night itong gabing ito.

Last Wednesday ay naging bisita pa ni Juday ang professor niyang si chef Gene Gonzalez na tuwang-tuwa sa nakita niyang auction sale ng estudyante niya na umabot ng almost five thousand ang isang box ng cookies. Kung tutuusin nga ang laman ng kahon, eh papatak na P1,700 ang isang maliit na cookie, huh! Mahal nga kung sa mahal. But Juday’s friends and fans wish to help in the humanitarian project kaya kesehodang pataasan ng tawad with the big help of Ryan Agoncillo’s hosting. Nakatulong ‘yung pagpapakuwela ni Ryan kung bakit tumataas ang tawad mula sa starting bid of 500 pesos pataas nang pataas.

Nung gabing ‘yun ay naka-raised ang foundation ni Juday ng almost 50 thousand pesos, bawi na ang puhunan niyang 25 thousand para sa mga cookies na pinagtiyagaan niyang lutuin. Aba, ‘yung pagod lang ni Juday kung tutuusin sa kusina, eh halagang 100 thousand na debah Dante "GA" (ga?) Garcia Ramsey vda. de Pascual? O hayan at lasing ka naman yata sa tuwa, ah!

Okey guys with big, big hearts and wallets, see you at the Kaffe Carabana tonite, huh! Magbigay naman kayo ng pamasko sa mga kapos sa buhay! Merry Christmas na lang po!
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #4 on: November 17, 2006, 08:49:27 AM »

'PDA' nina Juday at Ryan, kinaiingitan!

Abante - Alfie Lorenzo

PDA, is this PINOY DREAM ACADEMY? Nope, we never called that non-show of singing talent a DREAM but a NIGHTMARE as proven now by the fact that its Executive Producer was mercilessly murdered by a mysterious killer.

Malayo ring i-endorse ni Ryan Agoncillo ang PDA dahil itinapat ito sa hinu-host ni Ryan na PHILIPPINE IDOL na mas sinusubaybayan ng higit na nakararaming mga Pinoy tulad ng pagtangkilik ng mga Kano sa kanilang AMERICAN IDOL show. Eh, ano nga yung "PDA" na kinaiinggitan ng marami pero ikinatutuwa naman ng milyones na ring Juday-Ryan fans?

PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION, ‘yun nga ‘yon! Kasi napanood nila ang magandang interview ng Ate Shawie ni Juday sa SHARON kung saan lovey-dovey nga ang magkasintahan. Now, what’s wrong in showing what one really feels? Is it another fault kung sakaling itago ng dalawa ang kanilang pagkakagusto sa isa’t isa?

Ano nga ba ang gusto nila for Judy Ann Santos?

Nung wala pang boypren itong si Juday pilit nilang inili-link kung kani-kanino, sa tomboy at sa bakla man. Kesyo matanda na raw si Juday bakit wala pa siyang boypren? Siguro raw tomboy ito. Masama bang HINDI tumulad sa mga MALALANDING BABAE ng Pilipinas o ng showbiz na HINDI muna career ang asikasuhin at inuuna pa ang PAGLALANDI? And’yan ang maliwanag na katibayan ng mga babaeng MAS magaganda at mas SEXY pa kesa kay Juday na HINDI nagsisikat dahil inuna ang kati nila kesa pagsisikap na sumikat! Asan ang mga hinayupak na ‘yan ngayon?

Hayun at nakailang palit na ng lalake, ikinasal man nakipaghiwalay naman at nagpakasal na naman uli as if that piece of paper, eh ginawa lang nilang LINCENSED to HAVE SEX FOR FREE!

Ngayong natagpuan na ng normal na kaisipan ni Judy Ann ang lalakeng inaakala niyang makapagpapalig aya sa kanya at nagbibigay ng suporta at inspirasyon sa trabaho niya, masama bang aminin sa harap ng publiko na nagmamahalan nga sila at hindi lang PUT ON ang relasyon nila. Mas marami nga ang natutuwa sa nakikita nilang ligaya na nagre-reflect sa kabuuan ng hitsura ni Juday, mas mukha nga siyang inspirado kesa DESPERADA, debah naman?

Marami ang fault-finders diyan na nagpapanggap na mga fans niya at nagmamalasakit lang kuno na IBA ang lalaking gusto para kay Juday. Hindi kaya ang mga taong nagpapanggap na mahal nila kuno si Juday, eh mga MISERABLE ANG MGA BUHAY at gusto lang nilang matulad din ang buhay ni Juday sa kanila, na mga sawi, lumuluha at nagdurusa matapos magtampisaw sa sex?
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #5 on: November 17, 2006, 08:50:02 AM »

Juday insecure sa relasyon nila ni Ryan

By: Nel Alejandrino

Ang ganda-ganda ng interview ni Sharon Cuneta kay Judy Ann Santos noong Linggo. Yup, sa programa ni Sharon na Sharon. Lalo pa when Ryan Agoncillo joined them and he professed his deep love for juday.

Dati pala, insecure si Juday kay Ryan, simply siguro dahil may hitsura ito’t Inglesero pa (pero, maganda rin naman si Juday, ha.).

But Ryan said he assured Juday that he’s taking her for what she is. Juday was profused with thanks to Ryan for loving her and her family.

They both revealed na nagsimula ang kanilang pag-iibigan habang ginagawa ang kanilang teleseryeng Krystala.

* * *

In that interview, Ryan also revealed that he had nothing to do at all with Juday’s decision na huwag nang makipag-halikan sa kahit na sinong leading man sa pelikula. Inamin ni Juday na siya ang nag-decide na huwag ng makipag-kissing scene sa kahit sinong kapareha sa movie, maliban, of course, kay Ryan.

Umaatikabong halikan ang namagitan sa kanila sa ilang eksena sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema na Kasal, Kasali, Kasalo.

At ’di lang ’yan. Kay dami rin nilang bed scenes komo nga supposedly ay bagong kasal sila sa pelikula.

In the course of Sharon’s interview with them, naitanong niya sa dalawa kung kailan ba ang kasal. Ayon kay Ryan, napag-usapan na nila ’yon ni Juday. Ganunpaman, obvious na wala pa muna silang balak.

Parang kapatid na ang turing ni Sharon kay Juday mula nang gumanap sa pelikulang Magkapatid ng Viva Films.

Matindi ang bilin ni Sharon na huwag pababayaan, lalo’t lolokohin, ni Ryan si Juday, dahil mahal na mahal nga raw niya ito.

People's Tonight
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #6 on: November 17, 2006, 08:51:14 AM »

Ryan, kayang pakasalan si Juday

Abante-Tonite - Allan Diones

Magkatabi ang mag-sweetheart na Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nang matsika namin sila kahapon sa Aliw Theater sa ipinatawag na press launch ng Manila Broadcasting Company (MBC) para sa official announcement ng siyam na entries sa Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) 2006.

Isa rito ang Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema na first movie together nina Juday at Ryan. Tsika ni Juday, masaya sila sa set ng pelikula at para lang silang naglalaro dahil masarap at mabilis katrabaho ang direktor nilang si Direk Joey Reyes.

"Nagluluto-luto rin kami sa set pero lahat kami diyeta, maliban kina Derek Ramsey at Tuesday Vargas na malalakas kumain! Prito-prito lang, hindi naman ‘yung gourmet cooking na kailangan may sarili kang oven!" natatawang sey ni Juday.

Aniya, kuwento ng isang young couple ang KKK na naging magsyota sila, nagpakasal, hanggang sa nabuntis siya.

Siguradong makatotohanan ang mga lambingan nila rito dahil in real life ay sobrang inlab na inlab sila sa isa’t isa!

"At first, medyo nakakailang kasi, naglalambingan kami pag kaming dalawa lang at walang nakaharap na kamera. So, sa aspetong ‘yon, medyo may ilang factor sa umpisa pero nu’ng nagamay na namin, okey na!" sey ng dalaga.

Sa digital film ni Ryan na Umuulan Umaaraw ay may cameo role si Juday sa ending na bigla silang nag-torrid kissing sa may gitna ng kalsada. Mas tumodo pa ba sila rito?

"Basta, manood sila! Ha! Ha! Ha! Pero siyempre, pang-Christmas ito, so mga bata ang gusto nating makapanood. Mahirap namang magpakita ng hindi maganda, di ba?" pakli niya.

Ayon kay Juday, may mga natuwa at meron ding mga nabuwisit sa cameo appearance niya sa nasabing indie film ni Ryan.

"Ang sabi kasi nu’ng iba, parang it’s not me raw! So sabi ko, natural it’s not me! Karakter ko ‘yon, eh!

"Iba ‘yung artistang Juday sa pelikula at ‘yung kakilala nila sa totoong buhay! Pero kanya-kanyang reaksyon at observation lang naman ‘yan, eh! Tanggap ko ‘yon na you cannot please everybody!" sambit niya.

Kumusta naman ang akting ng Papa Ryan niya?

"Natural siya! Natural siyang umiyak, natural ‘yung pagiging funny guy niya. Hindi ko siya pinupuri dahil dyowa ko siya, pero may ibubuga siya sa akting aside from being a host!"

Pati sa pagpo-portray ng bading (sa guesting nila kamakailan sa Your Song), ang galing ni Ryan, di ba?

"Oo! Natural na natural! Nagdududa na nga ako, eh! Ha! Ha! Ha! Parang malapit na akong masanay!" sey niya, sabay tawa.

"Hoy wala kang ebidensiya, ha? Hampasin kita ng handbag ko, eh!" pabaklang hirit sa amin ni Ryan na tatawa-tawa sa tabi ni Juday.

Dahil may ‘kasal’ sa titulo ng pelikula nila, ang tanong: kelan ba talaga ang kasal?

"Akala ko isa ka sa mga nagsasawa nang magtanong kung kelan ang kasal namin! Ha! Ha! Ha! Wala pa! Wala pa talaga…

"Kasi, nag-e-enjoy pa kami. Ayaw naming i-harass ang mga sarili namin pagdating sa mga usapang ganyan.

"Kasi, baka bukod sa ma-pressure si Ryan sa pag-aayos ng kasal eh, himatayin na siya kung may sampu pang magtatanong kung kelan ang kasal namin!"

***

Binalingan namin si Ryan at ito ang in-on-the-spot namin ng tanong. Kaya na ba niyang pakasalan ngayon si Juday?

"Ngayon mismo? Ayaw mong tapusin muna ‘tong presscon? Ha! Ha! Ha!

"Oo naman! Kasi, hindi naman ako pumapasok sa relasyon na hindi ko kayang panindigan, eh! Kasi, sigurista rin ako! Kapag boyfriend-girlfriend pa lang, unang pasok pa lang, seryoso na ako!

"So, kaya ko (siyang pakasalan) anytime!" buong ningning na deklara ni Ryan.

May pressure ba sa kanya dahil blockbuster ang last movie ni Juday katambal si Piolo Pascual (Don’t Give Up On Us) at halos lahat ng mga pelikula nito with other leading men ay pawang tumabo sa takilya?

"Ay! Hindi mo naman matatalo ‘yung movies nila ni Piolo before, eh! Actually, there’s no pressure. Kasi, hindi kami loveteam ni Juday. We’re not a working loveteam…

"Ako, I took this role as a job. Kumbaga, sobrang bonus na kasama ko si Juday at bonus na kaibigan ko ‘yung direktor pero wala kaming pressure na naramdaman on the set and even now sa promo namin.

"Walang pressure na dapat ganito, dapat ganyan! Ako, hindi ko iniiisip na kailangan niyang i-top ‘yung ganito o ganyan because she’s had blockbuster movies!

"Sobrang payapa namin. Ang nangyari eh, nawala pa ‘yung pressure dahil kaming dalawa ang magkasama. But of course, to me, this movie is very special at mas maganda if it does well at the box-office!"

Handa na ba siyang tanggapin ang kanyang first Best Actor award?

"Ay! Ano bah?! ‘Yun ang pressure, huh! Ha! Ha! Ha! Ha!" tawa na lang ni Ryan.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #7 on: November 17, 2006, 08:57:06 AM »

Juday-Ryan, enjoy sa Honeymoon!

Abante - Dondon Sermino

HONEYMOON stage na ang deskripsiyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa relasyon nila ngayon. Para kay Ryan, natapos na kasi ‘yung matitinding pagsubok sa relasyon nila ni Juday.

"Natapos na `yung stage na may mga problema kami. Na-iron out na namin. Puwera-usog.

"Sa ngayon, parang pulot-gata na talaga. Sabi ko nga, habang tumatagal, lalong sumasarap. Ha! Ha! Ha! Ha!

"Parang alak, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!" masayang sabi ni Ryan, na siyempre ay sinang-ayunan naman ng girlfriend niyang si Juday.

"Tapos na kami doon sa stage na tampuhan, galit-bati. Siguro, nasa third month pa lang kami ng relationship, pumasok na agad `yung lahat na dapat pag-usapan. Which is I guess naging maganda rin, kasi nalaman na namin kaagad `yung kung ano ang mga dapat naming ayusin.

"Nalaman namin ni Ryan na hindi naman pala talaga namin kayang tiisin ang isa’t isa. Na of course, na at the end of the day, nagsasalita ako para sa sarili ko, hindi ko pala kaya na matapos ang araw na hindi kami okay. Na ‘pag magkagalit kami, iba ang takbo ng utak at kundisyon ng buhay ko.

"Na-realize namin pareho na you just have to lay your cards down, at pag-usapan `yung mga dapat matapos," hirit naman ni Juday.

Paano ba nangyayari ang honeymoon sa buhay nila?

"Masaya ang honeymoon stage. Para kayong high school. Kasi, you never stop exploring. Hindi kami nagi-stop sa isang bagay na ginagawa. As much as possible, gusto namin `yung spice ng relationship nandun palagi.

"Every week, we try to discover something new. Like new restaurant, or nagluluto kaming dalawa para sa isa’t isa. Ganu`n ang honeymoon stage sa amin.

"At hindi namin puwedeng tanggalin sa sistema namin ang manood ng sine," kuwento pa ni Juday.

Anyway, kasali sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo, na prodyus ng Star Cinema at dinirek ni Joey Reyes.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #8 on: November 17, 2006, 08:58:22 AM »

Juday hindi raw nagselos kay Juliana Palermo

ABS-CBN website

Pinabulaanan ni Judy Ann Santos na pinagselosan niya ang isang seksing aktres dahil sa mainit na eksena sa kanyang kasintahan sa kanilang pelikulang “Kasal, Kasali, Kasalo.”

“Imposible naman na pagselosan ko siya, at saka di naman ako masyadong selosa. Hhindi naman pinaramdam ni Ryan na dapat akong magselos kung meron man, di na mababalitaan ng tao, magwo-walk out na lang ako,” pahayag ng dalaga.

Kasalukuyang sentro ng atensyon ang magkasintahan na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil sa paglulunsad ng Metro Manila Filmfest.

Sa pelikula, ginampanan ng magkasintahan ang papel ng isang engaged couple.

Napag-alaman na ginampanan ni Santos ang papel ng isang laking-probinsiya na naging TV producer at umibig sa mayamang anak ng mag-asawang US immigrants.

Sa kabila ng mga intriga sa buhay ng dalawa nanaig pa din ang kanilang matatag na pagiibigan para sa isa't isa.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #9 on: November 17, 2006, 08:59:56 AM »

Juday gets her star on 'Walk of Fame'

Abante-Tonite - Alfie Lorenzo

Patuloy na binibiyayaan si Juday sa pagdaan ng mga araw. Bukod sa iba’t ibang commercial endorsements na nagkasunud-sunod at patuloy na dumarating pa (naka-hold ang apat pang commercials waiting for her availability), in-demand for magazine covers (anim ang magasin na naghihintay for pictorial for covers), TV guestings sa iba’t ibang shows (tatlo na ang na-turn down!), mga recognition in acting (Best Actress awards), heto pa ang latest: magkakaroon na rin ng STAR niya sa WALK OF FAME sa Hollywood?

Nope, sa EASTWOOD (Clint Eastwood?), at least may WOOD pa rin kahit na hindi sa HollyWOOD, noh!

This will perhaps thrill her millions of fans around the world no end! Sa mga makakapunta sa Eastwood at 5:00 PM on November 30, 2006, saksihan ang unveiling of Juday’s star.

Makakahilera na si Juday ng mga sikat na veteran stars na meron nang naunang stars doon at iba pang magkakaroon na rin kasabay ni Juday tulad ni PARALUMAN who will be represented by daughter BABY O’BRIEN, among others. See you all there!
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #10 on: November 17, 2006, 09:00:43 AM »

Abante-Tonite - Allan Diones

Juday, nahiwa ang muscles dahil sa cookies

Ang saya ng Cookie Jam (The Judy Ann Santos Cookie Fundraiser) kamakalawa nang gabi sa Caffe Carabana ni Juday.

Ang nobyo ni Juday na si Ryan Agoncillo ang nag-host ng auction ng iba’t ibang pastries na si Juday mismo ang nag-bake.

Aliw ang lahat kay Ryan bilang auction master dahil ang taas ng energy niya at ang husay-husay niyang mag-salestalk!

Ang cute pagmasdan ng magsyota na hawak ni Juday ang bineyk niyang cake habang nasa tabi niya si Ryan na nakikipag-negotiate sa crowd sa presyo ng ipinapa-auction.

‘Bubba’ ang tawagan ng dalawa na ang ibig sabihin daw sa Australia ay ‘baby.’ Natatawang sey ni Juday, wala raw alam si Ryan na ‘nabenta’ na niya ito na maging host ng lahat ng fundraising activities ng Touch-A-Heart (sarili niyang foundation) at Lyrics & Sheets (isa siya sa mga aktibong miyembro).

Sa galing ng convincing power ni Ryan, ‘yung isang box ng 12-piece choco creampuff ay nabenta nang P2,000 at ‘yung isang carrot-banana cake ay umabot ang bidding hanggang P3,200!

Record-holder ang kaibigang Anna Pingol (ng YES! magazine) na tinulungan naming mag-bid para sa New York cheesecake na napunta sa kanya sa halagang P4,300!

‘Yung ibang mayayamang fans ni Juday ay parang ayaw nang maki-auction at lumalapit kay Mommy Carol Santos para sabihing handa silang magbayad kahit magkano, makapag-uwi lang ng cakes na gawa ni Juday!

May kasamang autographed cookie ni Juday ang P300 na entrance ticket. Nagkaroon daw ng ‘cuts’ ang muscles sa kanang braso ni Juday dahil sa paggawa ng mahigit 400 piraso ng chocolate chip cookies.

Nakatulong ni Juday sa pagbi-bake ng cookies and cakes ang tatlong best friends niya (at kaklase sa Culinary Arts class) na sina Beth Tamayo-Wong, Jane dela Cruz at Dante Nico Garcia (na founder ng Lyrics & Sheets Foundation).

Sumaglit that night sa Carabana ang teacher nila sa Center for Asian Culinary Studies na si Chef Gene Gonzalez (na kamag-anak ni Ryan sa mother side) at sobrang proud si Chef Gene sa kanyang mga estudyante na ginamit ang kanilang galing sa pagluluto for a worthy cause.

Obvious na nawiwili si Juday sa kanyang Culinary lessons dahil matapos gumradweyst sa basic skills, nag-enrol ulit siya sa CACS at ngayon ay nasa advance level na siya. Sinusulit niya raw ang kanyang mga libreng oras ngayon na wala pa siyang ginagawang teleserye at walang masyadong trabaho.

Sa susunod niyang fundraisers ay gusto niyang ipatikim ang mga natutunan niyang international cuisine. Marami palang natutulungan ang Touch-A-Heart Foundation ni Juday, hindi niya lang ito pinag-iingay.

Ang Lyrics & Sheets ang may project ng Ang Puro (The Island), ang mala-resort spa na wellness & medical center for aging artists na itatayo nila next year sa Puerto Princesa, Palawan.

Nag-perform nu’ng gabing ‘yon sina Nityalila, Niko Maca, Julianne at Ube Jam with Mark Esqueta ng Rivermaya. May part 2 ang Cookie Jam sa Miyerkules (Nobyembre 15) sa Carabana pa rin at ang magpe-perform ay sina Cookie Chua, Maegan Aguilar at Radha.

Bahagi ng proceeds ng Cookie Jam ay mapupunta sa chemotherapy treatment ng isang maysakit na malapit sa puso ni Juday.

Laking panghihinayang ni Juday na P25 lang ang naiuwi niya nu’ng sumali siya kamakailan sa Deal or No Deal ni Kris Aquino dahil ang malaking parte sana nito ay ido-donate niya sa nasabing kaibigang may sakit na cancer.
Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #11 on: November 17, 2006, 09:01:40 AM »

My favorite interviews
STAR BYTES By Butch Francisco
The Philippine Star 11/07/2006

(First of three parts)

Interviewing for print and TV are two different things (ask Ricky Lo because he does both – for this paper and Showbiz Stripped, which recently ranked No. 1 in the late-night slot).

For newspapers and magazines, you can have a boring interviewee and still come up with an interesting article and save your skin by making the subject’s dull personality surface with your colorful description of the situation. But for television, if the person you are interviewing is a monotone, then you’re so dead – especially if it’s a live interview.

In my years on TV, I think I’ve had it all. In line with Startalk’s 11th anniversary (this Saturday, 2:30 p.m. on GMA 7), I’m recalling some of my favorite interviews.

[edited]

Judy Ann Santos – I knew her as a child star in the hit Mara Clara and she was often a guest in Showbiz Lingo. (It was only a few years ago that she confessed to me how terrified she was each time she would guest in that program that asks the most controversial questions.) For Startalk, she granted us an interview (even if she was from the other network) and we set it at her restaurant, Café Carabana along Timog. I was so surprised that time to see how she had grown into a proper young lady – with a mature mind. I noticed that immediately – her maturity. It showed in the way she answered questions and addressed issues pertaining to her (I think it had something to do with her and Piolo Pascual that time). How time flew – I said to myself. Judy Ann had grown so fast – practically overnight. And now she is even an award-winning actress – one of the most respected talents in the field.

Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #12 on: November 17, 2006, 09:03:02 AM »

Sabay na dumating ang reel- and real-life couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa launching ng official entries ng Metro Manila Film Festival Philippines 2006 na ginanap sa executive lounge ng Aliw Theater noong November 13. Ang magkasintahan ang bida sa entry ng Star Cinema na Kasal, Kasali, Kasalo.

Seksing-sexy si Juday (palayaw ni Judy Ann) sa kanyang suot that time pero parang nahihiya pa siya sa kanyang bagong figure.

"Sinasanay ko pa ang sarili ko," tawa ni Juday. "Kasi naman hindi naman ako ganito noon. Pinaghirapan ko talaga ang katawan kong ito and everything naman paid off na maayos."

Inamin ni Juday na malaki rin ang mga isinakripisyo niya para ma-achieve niya ang kanyang sexy figure ngayon.

"Hindi naman overnight ito [ang pagpapapayat] e," sabi niya. "Sana nga kung may gano'n, ‘yun na lang, ‘di ba? Para instant na lang at hindi na ako naghirap pa."

Patuloy niya: "Almost two years din akong nagbantay ng mga kinakain ko, nag-workout at umiwas sa mga puwedeng makasira ng concentration ko sa pagpapapayat. Kaya gusto ko ngayon ang mga resulta. Kumbaga, heto na ang produkto. Puwede na akong pagnasaan ng kung sinu-sino!"

Nagbiro pa nga si Juday na isa sa naka-contribute sa pagpapayat niya ang naging problema niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan kinasuhan siya dahil diumano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis. Ayon sa young actress, hanggang ngayon daw ay may kaso pa siya at may mga hearing na pinupuntahan.

"Nakaka-stress out din ang kaso kasi iniisip mo parati," aniya. "Kaya hindi ka makakain o makatulog nang maayos. Pero lumipas din naman ang worries ko diyan. Kumbaga, nandiyan na, sana maayos na lang nang maaga."

"Nasa korte na kasi ang kaso ko with [the] BIR kaya naghihintay na lang kami ng desisyon. Kung may hearing, uma-attend naman ako. Dusa rin kaya siguro pumayat din ako dahil diyan. Kaya thank you rin sa BIR!" biro pa niya.



Sa mga pinagdaanan ni Juday, nandiyan parati sa tabi niya si Ryan. Ayon kay Juday, marami na siyang natutunan dahil sa kanyang boyfriend.

"Isa sa mga natutunan ko ‘yung pag-o-organize ng finances ko," sabi niya. "Before nga nangyari ‘yung sa BIR, hindi ko kilala kung sino ang accountant ko. Wala talaga akong alam. Doon lang ako nagising sa katotohanan na kailangang alam ko rin lahat. Kung puwede nga lang pag-aralan ko ang maging accountant, gagawin ko. Pero ngayon, maayos na lahat."

Logged
macoolet
PEP Addict
***
Offline Offline

Posts: 127


« Reply #13 on: November 17, 2006, 04:08:58 PM »

post na kau mga judynians!
Logged
claudineslottet
Hero PEPster
*****
Offline Offline

Posts: 1,767


Erik


« Reply #14 on: November 17, 2006, 04:43:30 PM »

 Smiley Wink Cheesy Roll Eyes
Logged
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 ... 285   Go Up
  Print  
 
Jump to: