Hanggang saan ba hahantong ang pag-iibigan nina Jarred (Lee
Seo-jin) at Jackie (Kim Jeung-eun)? Iyan ang malalaman ng mga manonood sa
pagtatapos ng Lovers ngayong Huwebes (June 26).
Makukulong nga si Jarred matapos nito iligtas si Jackie at maghiganti kay Charlie, ang pumatay kay Chairman na siyang tunay niya palang ama.
Habang siya'y nasa kulungan, ipagpapatuloy naman ni Jackie na mamuhay ng normal bagamat nangungulila kay Jarred na ayaw makipagkita sa kanya. Samantala, si Kenneth ay patuloy na nangangasiwa sa kumpanya hanggang makalaya ni Jarred.
Sa paglaya ni Jarred, kakaharapin ni Jackie ang mabigat na desisyon ng dating gangster na magkalimutan na sila sa kadahilanang hindi sila karapat-dapat sa isa't isa.
Paano kaya tatanggapin ni Jackie ang pasya ni Jarred? Mauuwi na nga ba sa mapait na pagwawakas ang pagmamahalan ng ating lovers?
Huwag palampasin ang pagwawakas ng Lovers ngayong Huwebes (June 26), pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Season 2 sa ABS-CBN.