Yeng Constantino (in photo) and Christian
Bautista entertained Filipinos during the 1st Filipino Expo held at
the World Trade Center Dubai this June.
TFC brings Yeng Constantino to Dubai
Tuesday, July 1, 2008
11:11 AM
Hindi makapaniwala si Yeng Constantino sa kanyang naging
experience noong June 20 sa 1st Filipino Expo sa World Trade Center Dubai.
Dinala doon ng TFC Global Limited ng ABS-CBN si Yeng kasama si Christian
Bautista para mag-show. Nag-perform si Christian noong June 19.
Ilang kabataan (karamihan ay halos mga sampung taong gulang pa lamang) ang nagpumilit na makalapit sa pop icon at hindi mapigilang umiyak nang sila ay isa-isang yakapin ni Yeng. At mas marami pang naghahagulgulang mga kabataan ang pumila sa labas ng kanyang dressing room pagkatapos ng show. Walang magawa ang security sa venue kahit na minamadali na si Yeng at kailangan na niyang tumakbo papuntang airport para lumipad pabalik ng Manila.
Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Yeng sa Dubai at hindi inaasahan ng lahat na maraming kababayan natin ang gusto siyang makita ng personal. Patunay dito ang halos sampung libong mga Pinoy na naghintay sa kanya as early as 2 pm para sa kanyang 8 pm show. Hindi rin naman nag-aksaya ng panahon ang Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer na mamasyal around Dubai at kasama si Christian Bautista, hindi sila magkamayaw sa pagsa-shopping at pagkuha ng souvenir pictures.
Bilang first-timer sa Dubai, maraming inikot si Yeng tulad ng 7-star hotel na Burj Al Arab, ang sikat na Jumeirah Open Beach na may white sand, ang kilalang water park na Wild Waddi, at ang Mall of the Emirates. Shopping galore ang ginawa ng batang idolo na namili ng mga damit at techy gadgets na kilalang mas nakakamurang bilin sa Dubai. Kulang ang oras para kay Yeng na kung nabigyan ng mas mahabang panahon ay tiyak na mas marami pang lugar na nais makita.
Libu-libong mga kababaihan naman ang pinakilig ng mga
ballads na inawit ni Christian. Sabi nga ni Christian, "Kahit third time ko na
dito sa Dubai, ang reception ng mga kababayan natin dito ay hindi nagbabago;
kasing init pa rin ng weather dito ngayon."
Kinilig ang mga kababaihang fans ni Christian na kahit na
galing sa mahabang araw sa trabaho ay sinadya pa ring makapanood sa kanyang
show. Muli niyang pinatunayan na hindi lang siya isang gwapong singer kundi isa
ring magaling na balladeer. Nang paakyatin sa stage ang isang fan at tanungin
ang pangalan nito, "Rachelle Ann Go" ang binanggit ng fan na siya namang naging
hudyat ng malakas na hiyawan mula sa mga manununuod.
Ang huli niyang awitin na siya ring pinanalo niya sa isang singing contest ilang taon na ang nakakaraan ay inialay niya sa kanyang mga fans na kasalukyang nasa Gitnang Silangan.
Isang all-acoustic show naman ang ibinigay ng Soul Siren na si Nina sa huling gabi ng 1st Fil Expo noong June 21. Katulad ng unang dalawang araw, naging matagumpay rin ang show ni Nina at walang patid ang pagsabay ng mga mga kababayan natin sa pagkanta ng mga piling awitin ni Nina.
Ang 1st Filipino Expo in Dubai, Tiangge, Bazaar, Atbp. ay organized ng The Filipino Channel ng ABS-CBN Middle East sa pangunguna ng managing director na si Egay Garcia, marketing head na si Jay Diaz at Product and events manager Maribel Hernaez.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven
- TNS National TV Ratings (Nov. 16-19): TV Patrol World and May Bukas Pa in a tight contest for primetime supremacy
- ABS-CBN stars in full force at the 21st Advertising Congress
- Aga Muhlach will guest on Wish Ko Lang, Nov 21
- Angel Locsin will grace the 37th International Emmy Awards in New York
- Three generations of women will depict life story of Curing on MMK
Elsewhere
-
Television
AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven
"Family Feud" and "Ikaw Sana" take a leap in the ratings game.
-
PEP Finder
Cindy Kurleto happy with her life in Peru but misses Manila
The former Eat..Bulaga! mainstay is saddened by news about Francis Magalona's demise.
-
Fashion and Beauty
Rajo Laurel hosts cocktail party for men only
The party launched the first partnership between Wharton and Rajo Laurel.
-
Events
DepEd youth ambassador Sam Concepcion launches 2009 PaperClay Art Competition
Sam hopes to boost the popularity of this art form in the Philippines.
Most Popular
- Vina Morales says having a baby fulfills her even without a lovelife
- Pauleen Luna turns 21!
- Dingdong Dantes says trip with Marian Rivera in Singapore and Malaysia strengthened their relationship
- Jolina Magdangal admits romantic relationship with Mark Escueta
- Marian Rivera finally meets fellow Darna Angel Locsin
- Mikaela Bilbao to Pops and Gretchen: "Gusto ko sana magharap-harapan tayo sa TV."
- Star Magic talents perform benefit concert for typhoon survivors
- Are Wendy Valdez and Bruce Quebral embroiled in a relationship problem?
- Jolo Revilla on breakup with Lovi Poe: "Gusto kong linisin ang name ni Lovi na walang third party."
- Jake Cuenca excited to work with Cristine Reyes again, with past intrigue behind them


