Masayang-masaya ngayon si Lance Raymundo dahil kasama siya
sa upcoming soap ng ABS-CBN, ang remake ng dating pelikula ni Ace Vergel na Pieta.
Ang obra-maestrang ito ni Carlo J. Caparas ay unang lumabas sa komiks at naging
pelikula noong dekada ‘80. This time,
ang gaganap sa role na Rigor na dating pinagbidahan ni Ace ay si Ryan Agoncillo
at kay Cherie Gil naman napunta ang dating role ni Charito Solis bilang Amanda.
Habang isinusulat ang article na ito ay wala pang confirmation kung sino ang
final na gaganap sa dating role ni Vivian Velez.
Katulad ng ibang shows ng ABS-CBN, nagkaroon ng audition
para sa iba't ibang roles sa Pieta. Nag-audition si Lance for the kontrabida
part and mapalad namang napili. Mismong si Direk Toto Natividad ang naroon nang
mag-audition siya.
"Akala ko nga hindi ko na makukuha yung role kasi mga sikat
at bigatin din ang iba pang nag-audition for the role," pahayag ni Lance sa PEP
(Philippine Entertainment Portal). "Ang totoo medyo haggard pa ako ng dumating
sa audition. That day kasi wala talaga akong schedule so I was in my regular
running and workout sessions. E, tanghali ko na nakita yung cellphone ko,
nakailang text at tawag na pala ang manager ko na si Charlotte Dianco.
Tinawagan ko agad ang manager ko, at nalaman ko nga sa kanya na may audition
nga for Pieta. E, dahil gahol na ako sa oras, hindi na ako nakauwi para
magbihis at mag-freshen up.
"I went to the audition in my running clothes. Tapos nakita
ko yung ibang nag-o-audition puro nakaayos. Pero itinuloy ko pa rin ang
pag-audition. Noong nakaharap ko na si Direk Toto, hindi naman niya pinansin
ang damit ko at pinag-reading niya lang ako. Hindi ko pa natatapos basahin yung
five-paragraph na audition piece, pinatigil na ako ni Direk at sabi niya okay
na raw iyon.
"Akala ko nga wala na. Hindi ko na rin ine-expect na
makukuha ako. Pero the next day tinawagan ako ng manager ko at sabi nga ay
nakuha ko raw yung role. Tuwang-tuwa talaga ako. At noong makausap ko na ulit
si Direk Toto, ang sabi niya sa akin, bagay na bagay raw sa akin yung role.
Natuwa nga raw siya sa akin nang malaman niya na straight from my running and
workout sessions ay dumiretso na ako para makahabol sa audition. I'm so happy
dahil this is my first teleserye. Hindi ko bibiguin si Direk Toto sa ibinigay
niyang pagtitiwala sa akin," mahabang kuwento ni Lance sa PEP.
Of course, challenge kay Lance ang role na ibinigay sa kanya as Turko, ang kalaban ni Rigor, dahil leader siya ng gang dito. Malayo sa tunay niyang buhay pero wala siyang kiyeme sa mga fight scenes at enjoy siya sa taping. Sanay siyang gumising ng maaga dahil regular siyang tumatakbo at nagwo-work out. Kampante din siya dahil bukod sa magaling daw ang direktor at mababait ang production staff, matagal na silang magkakilala ni Ryan dahil magkasama sila sa Levi's as image models noong mga teenagers sila.
Dahil sa bagong project na ito, lalo tuloy na-excite si
Lance sa kanyang acting career. "Very excited talaga. Everything is so fast pero I'm
enjoying it."
Bukod sa TV project niyang Pieta, mapapanood din si Lance soon sa mga pelikulang Xenoa 2: The Clash of the Bloods directed by Sean Lim, at ang pinagbibidahan niyang Fidel directed by Shandii Bacolod.