Ano nga ba ang nangyayari kapag namamatay na ang tao? Ano
ang pakiramdam na ilibing sa kabaong at ibaon sa lupa? Para mahaanp ang mga
kasagutan, susubukan ni Kim Atienza na magpabaon ng buhay sa November 2 episode
ng Matanglawin.
Totoo ba ang multo? Sa isang haunted house kasama ang mga spirit questors, aalamin ni Kuya Kim kung totoo ang mga kwento-kwentong bumabalot sa isang lumang bahay na diumano'y may nagpapakitang multo. Kung ito'y totoo, matahimik na kaya ang mga kaluluwang naninirahan sa lumang bahay na ito?
May katotohanan ba ang mga urban legend? Ano ba ang hiwaga ng salamin? Totoo nga bang pagsapit ng alas dose ng gabi, kapag tumapat ka sa salamin makikita mo ang iyong mapapangasawa?
Ipaliliwanag ng mga eksperto kung may katotohanan na may white lady na sumasakay sa isang jeep at ang isang kantang di umano'y lahat ng nakakarinig ay nagpapakamatay.
Mundo ng kababalaghan at katatakutan, hiwaga at kamatayan ay papasukin ni Kuya Kim Atienza ngayong Linggo (November 2) sa Matanglawin bago ang ASAP ‘08 sa ABS-CBN.