Ito ang kanyang kauna-unahang appearance sa Maalaala Mo Kaya sa buong career ni Toni Gonzaga. Matagal-tagal na
ring inaasam ng young actress-singer-TV host na makapag-guest sa drama
anthology show ng ABS-CBN pero hindi niya magawa dahil sa kanyang hectic schedule.
Pero ngayon, talagang nagbigay ng oras si Toni para sa very special episode na
ito at talagang binigyang atensyon niya ang bawat detalye.
Kwento ito ni Julie (Toni), isang babaeng umibig at nabigo. Subalit handa ba
siya muling umibig sa lalaking nagpapaalala sa kanya ng kanyang nakaraan at
kabiguang nakakabit dito? Makakasama ni Toni si Jason Abalos bilang Alex at si Ryan Eigenmann na gagampanan si Xander.
Abangan ang nakakaantig na episode na ito sa MMK ngayong Araw ng mga Puso,
ika-14 ng Pebrero, pagkatapos ng Singing
Bee sa ABS-CBN.
Maalaala
Mo Kaya(February 14, 2009)
Director: Dado Lumibao
Writer: Ruel Montanez
Cast:
Toni Gonzaga as Julie
Jason Abalos as Alex
Ryan Eigenmann as Xander