PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi and Dion Ignacio will miss working with each other

Their show Saan Darating ang Umaga lasted for almost four months on GMA-7.
by Alex Datu
Published Mar 6, 2009
Dion Ignacio snaps an MMS photo of himself with Yasmien Kurdi during the live chat conducted by iGMA yesterday, March 5, at the GMA Network building. Their afternoon soap titled Saan Darating ang Umaga ended last week after airing for almost four months.


Pagkaraan ng halos apat na buwan sa telebisyon, natapos na ang afternoon soap opera nina Yasmien Kurdi at Dion Ignacio, ang Saan Darating ang Umaga. Ang 11th offering ng Sine Novela ng GMA-7 ay pinagbibidahan rin nina Joel Torre, Lani Mercado, Pinky Amador, Gary Estrada, at marami pang iba. Nagsimula itong umere sa Kapuso Network noong November 10, 2008 at nagtapos ito noong February 27, 2009.

Tuwang-tuwa ang dalawang bida na sina Yasmien at Dion na mataas ang TV ratings na nakuha ng Saan Darating Ang Umaga. Batay sa AGB Mega Manila data, ang SDAU ang kauna-unahang afternoon drama na tumala ng 28.1 percent (February 16, 2009 episode). May mga panahon rin na mas mataas ang rating ng SDAU sa top teleserye sa Telebabad ng GMA-7, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Magkasabay na itinampok sina Yasmien at Dion kahapon sa iGMA para maka-chat live ang kanilang mga tagahanga upang pasalamatan sila sa kanilang pagsuporta sa SDAU.

Ayon kay Yasmien, "Ang saya-saya ko po talaga kasi nagbunga ang lahat ng paghihirap namin at pagpupuyat dahil nakakuha ito ng mataas na rating. Nagpapasalamat po talaga ako sa lahat ng sumuporta sa Saan Darating Ang Umaga."

May balitang napre-pressure ngayon ang mga palabas sa Dramarama sa Hapon dahil kailangan malampasan o mapantayan man lang ang rating na nakuha ng nasabing palabas.

"Wala naman pong ganun, hindi naman po kami nakikipagkompentensya. Nagkataon lang pong umabot sa ganun ang rating. Kaya maraming salamat sa lahat," sambit ng aktres.

Sa nasabing live chat with the stars ay halatang umiiwas si Yasmien sa mga isyu sa kanya dahil ayon sa kanya, gusto niyang maging light mood ang paligid. Kaya naman, puro halakhakan ang dalawa at hindi mapigilan ang kanilang pagpapatawa sa kanilang mga ka-chat. But very evident ng mga sandaling 'yon ang closeness ng dalawa. May mga pagkakataon na nakalagay ang ulo ni Dion sa balikat ng aktres at paminsan-minsan ay nakasandal sa aktres sabay ang pag-amoy nito sa buhok ni Yasmien.

Ang matindi, maliban sa iisa ang shade ng kulay ng kanilang kasuotan ay talagang pinagbigyan nila ang request ng mga ka-chat nila na magkiss sila. Hindi nila binigo ang kanilang mga fans at nag-smack sila sa harap ng webcam para makita ng mga fans.

Ngayong tapos na ang kanilang teleserye, ano ang mami-miss nila sa isa't isa?

"Ako, pagkatapos ng iyakan scene, lalayo ako sa set kasi masakit ang puso ko, e. Mag-stay ako sa likod ng kotse namin pagkatapos bigla akong pupuntahan ni DJ [Dion] tapos, kuwentuhan lang kami. Yun ang mami-miss ko, 'yong bonding na 'yon," kuwento ni Yasmien.

Ayon naman kay Dion, "Oo 'yun bonding namin, masayang moments, saka gusto ko 'yong samahan namin ng buong cast, joined forces talaga kami. Ang gagaling na mga artista ang kasama namin pero hindi sila nakakailangan kasi matulungin sila sa amin. Nakaka-miss din."


PRIMETIME TELESERYE.
Natanong ang dalawa kung ready na sila sa isang primetime show dahil ang rating ng kanilang Saan Darating Ang Umaga ay nakakuha ng mataas na rating na nakukuha lamang sa pang-primetime na palabas.

"Nakaka-stress talaga ang primetime. Every time na may primetime ka alam mo 'yong kaba mo everyday, kailangan mong alamin ang iyong rating as a lead star, kailangan palaging mong itatanong sa 'yong producer ang rating. Nakaka-stresas talaga pero bahala na si Lord," pahayag ng aktres na sinigundahan naman ni Dion."Alam kong laging nand'yan si Lord."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dion Ignacio snaps an MMS photo of himself with Yasmien Kurdi during the live chat conducted by iGMA yesterday, March 5, at the GMA Network building. Their afternoon soap titled Saan Darating ang Umaga ended last week after airing for almost four months.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results