PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez will assume the identity of Zorro starting March 23

This period epic created by GMA-7 is set in the 1900s.
by Kate Borbon
Published Mar 22, 2009
In the "Filipinized" version of Zorro, Antonio (Richard Gutierrez) is paired with Juana (Michelle Madrigal, left) and Lolita (Rhian Ramos, right). He also has another leading lady named Cara (played by Bianca King, not in photo).

Noong 1920s ang gumanap na Zorro ay si Douglas Fairbanks, noong 1940s ay si Tyronne Power, noong 1990s ay si Antonio Banderas at ngayong 2009 si Richard Gutierrez na ang Zorro sa mundo ng telebisyon of GMA-7 Telebabad.

Sa mata ng masa, si Zorro ay isang bayani. Tagapagtanggol ng kabutihan. Kalaban ng kasamaan at taglay ang tanyag na sagisag ng katarungan at kabayanihan.

Muling nagbabalik sa telebisyon si Richard Gutierrez via GMA-7's Zorro na magsisimula nang umere ngayong Lunes, March 23, 2009.

Matagal-tagal ding na-miss ng kanyang loyal fans sa primetime TV ang nangungunang matinee idol ng Kapuso Network dahil ang Codename: Asero pa ang huli niyang primetime series.

Pre-prod pa lang daw ng Zorro ay madugo na, hanggang sa actual taping ng primetime series na ito dahil naging mabusisi ang mga directors na sina Mark Reyes at Domnic Zapata.

Mula sa script, location, costumes ay binusising mabuti para maging pulido ang kanilang produkto ika nga.

"Ang masasabi ko, very proud ako sa Zorro. Excited ako sa bagong primetime series ko dahil lahat kami, nagpagod dito. Bago pa man kami nagsimula ng taping, pinaghandaan na naming mabuti ang Zorro," kuwento ni Richard sa grand press con ng kanyang bagong palabas.

"Halos araw-araw yung pagmi-meeting namin para sa Zorro, kahit nong nagsu-shooting at nagpo-promote ako ng When I Met U namin ni KC [Concepcion], nakatutok pa rin ako sa pre-prod ng Zorro. Madalas na after ng shooting at promotions namin, sume-segue ako ng meeting with the creative staff ng Zorro para pag-usapan yung mga plano sa show.

"Nang mabasa ko yung script, gandang-ganda ako.

"Nang ipakita sa akin yung picture ng location namin sa Bagac, Bataan, lalo akong na-excite. Pati costumes namin, talagang ni-research na mabuti.

"May Spanish teacher pa kami sa set at nagkaroon din kami ng seminar about the Spanish era para hindi na kami mabigla pagdating sa set. Napaghandaan talaga naming lahat ang Zorro."

Isang malaking karangalan din kay Richard na siya ang napiling maging bida ng GMA-7 sa napakalaking proyektong ito. Aware si Richard na napakalaki ng ginastos ng management para sa franchise pa lang ng Zorro.

"Ang maganda, hindi lang franchise yung ginastusan nila ng husto. Pati yung buong series, ginastusan talaga," dagdag pa ng aktor.

At lalong aware ang Mother ni Richard na si Annabelle Rama na ang Zorro ang pinaka-magastos na series ngayon sa GMA-7 kaya naman hindi nito mapigilan ang pumalakpak matapos ang speech nang nakaalitan niya before na si Wilma Galvante na siyang VP For Entertainment ng Kapuso Network.

Playing Richard's leading ladies are three of the country's equally talented and lovely actressess na sina Rhian Ramos as Lolita, the lady love of Zorro; Bianca King as Cara; and Michelle Madrigal as Juana.

Kasama rin sa cast sina Eddie Gutierrez as Governor Luis Aragon, Mark Gil as Capt. Horacioi Pelaez, Lani Mercado as Marcela, TJ Trinidad as Ramon Pelaez, Jomari Yllana as Diego dela Vega,Jacklyn Jose as Donya Chiquita Pelaez, Joel Torre as Don Roberto Pelaez, Sandy Andolong as Maria, Pinky Marquez as Donya Catalina Pulido, Leo Martinez as Don Carlos Pulido, Bobby Andrews as Sgt. Pedro Gonzales, Ricky Davao as Padre Felipe, Sheena Halili as Lena, Bubbles Paraiso as Magda, Maureen Larrazabal as Bella, Robert Villar, Jr. as Pepe, Antonio Aquitania as Bernardo, Elvis Gutierrez as Silverio, Epi Quizon as Shihong, Bodie Cruz as Agustin Manalo, Paloma as Paquita, Shiela Marie as Liza and Gloria Sevilla as Nana Zita.

Panoorin ang Zorro gabi-gabi simula ngayong Lunes, ika-23 ng Marso, sa GMA Telebabad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the "Filipinized" version of Zorro, Antonio (Richard Gutierrez) is paired with Juana (Michelle Madrigal, left) and Lolita (Rhian Ramos, right). He also has another leading lady named Cara (played by Bianca King, not in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results