Kilala ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagiging prangka sa pagsagot sa mga tanong. At iyon nga ang ginawa niya sa live guesting niya sa The Buzz last Sunday, April 5. Matapang ngang hinarap ni Maricel ang sampung matitinding tanong ng The Buzz co-host na si Kris Aquino para sa Tough Ten.
Bago sinimulan ni Kris ang pagtatanong, pinag-promote muna niya si Maricel ng pinagbibidahan nitong pelikula under Star Cinema at directed by Chito Roño, ang T2. Ang horror-drama na ito ay ipapalabas na sa mga sinehan sa April 11, Black Saturday. Kasama ni Maricel sa T2 sina Derek Ramsay, Eric Fructuoso, Mica dela Cruz, Camille Prats, Tetchie Agbayani, K Brosas at Mon Confiado.
After nito ay umarangkada na sa pagtatanong si Kris kay Maricel para sa The Buzz Tough Ten. Nakakatuwa nga ang pagsagot ni Maricel with her famous taray tone. Pati ang mga side comments niya ay nakakaliw talaga.
Tough Ten Question No. 10: Ate Mary, we've both been directed by our beloved Chito Roño. Kung may isang nakakatuwa o nakakagulat na bagay na pwede mong i-reveal about Direk Chito na you feel ay mag-a-agree ako, ano ito?
"Naku sigurado mag-a-agree ka. Yung slit. Kasi naglalakad siya with conviction, naka-bumblebee na shades. Sabi ko sa kanya, ‘Darling, you look so good pero black pala ang iyong such diyan... such ang sinabi ko ha.' Bakit alam mo? Kasi ayan, o, nawakwak ang iyong pantalon, slit ikaw ba yan? Hindi niya alam. Oo, hindi niya alam naglalakad siya. Buti may wallet ka pa no!"
Bakit, nabutas na yung pants?
"Yeah, hindi niya alam. Ang ganda-ganda may slit. Parang yung mata niya, may slit."
Pero magkasundo kayo kasi lagi kayong gising sa gabi?
"Oo naman. O, hindi ba parang vampire?"
Tough Ten Question No. 9: Kung merong isang tao na talagang hinahangaan mo, who would that be?
"Daddy Dolphy!" bulalas ni Maricel. "Kasi unique siya, magical, different, walang katulad at meron siyang magandang puso. Ibang klase itong taong ito."
How many years mo na siya naka-work?
"Alam mo hindi masyadong maganda yung binabanggit ang mga taon, hindi ba?" pabirong sabi ni Maricel.
How young are you na lang when you started John & Marsha?
"Nine years old. E, buminggo ako sa game show mo... 44 [years old na si Maricel]."
So, talagang si Tito Dolphy. Would you consider him as your mentor talaga?
"Yes, daddy ko iyan, e. Alam mo, marami siyang pinapangaral sa akin e. Totoo iyon."
Tough Ten Question No. 8: In T2, na-experience mo na gapangan ka ng daga. Kung ide-dare mo ang sarili mo ala-Fear Factor, ano ang isang matinding...medyo nakakadiri na ayaw mong gawin?
"Snake."
Hindi ba meron kang alagang snake dati?
"Yes, maliit lang siya."
Tough Ten Question No. 7: Anong isang bagay in your personal life na hanggang ngayon hindi mo ba nagagawa o naa-accomplish?
"Sabi nga, ‘Oy Mary, ang laki na ng pinagbago mo.' Alam mo, kung na-achieve ko itong peace na meron ako ngayon, yung blessings na hindi ko pinansin noong araw kasi bata pa tayo noon. Siguro mas marami pa akong magawa o mapasayang tao. Para sa akin yun na lang. This is so impromptu ha!"
Tough Ten Question No. 6: Prangkahang tanong...
"Prangka naman tayo lagi!" singit ni Maricel kay Kris.
How vain are you?
"Hindi masyado ngayon kasi ayaw ni Direk Chito. Nakita mo puro alikabok yung napunta sa fez [face] ko diyan. Hindi daw kasi maganda [yung maging vain]. Kasi alam mo nawawalan ng panlaban yung katawan mo sa mikrobyo. Di ba ang mikrobyo hindi naman binebeybi, pinapatay," ani Maricel na ang huling linya ay mula sa kanyang soap commercial at ikinatawa ni Kris at ng mga tao sa studio.
But vanity in terms of looks?
"I have nothing against... I want to look like a human being. Gusto ko lang presentable ka lang. Inglesin natin presentable," nakatutuwang sabi pa ni Maricel.
But being slim?
"Being thin... hindi ba Phoemela [Baranda], I told you. It's cardio-vascular, going up and down the stairs."
Kasi hindi ba nanghiram ako ng skirt sa iyo para ipakopya, size 2?
"Yeah."
At 44 years old, how can you be a size 2?
"Oo... o hindi ba?" wika ni Maricel sabay tayo para ipakita ang kanyang figure.
Amazing... pero alam ko Ate Mary nagte-treadmill ka?
"Nagte-treadmill ako. Pero alam mo noong nag-start ako mag-shoot para nagsimul-simul [simultaneous] yung mga ginawa ko kaya nag-stop ako for a while. Usually daw kapag nag-stop ka, doon mo makikita na, wow pumayat ako diyan, maganda yan. Ganun, dn mo pa lang makikita. Pero pag ginagawa mo yung exercise hindi mo mararamdaman."
Pero di ba bago ka nag-start mag-shoot, naospital ka because of unhealthy eating habits? Nabawasan na ba ang kape mo?
"Hindi masyadong maganda kausap ito. Respect me, I'm your ate," pabirong sabi ni Maricel kay Kris. "Alam mo honest, three cups na lang."
Talaga... anim ako Ate Mary. Bilib ako sa iyo.
"Three na nga lang. Akala ko naman pagagalitan mo ako."
No, I'm so amazed. Kasi 12 ka dati. Bow ako sa iyo diyan. That's an achievement.
"Kasi alam mo yung totoo, e, built-in na ang pagka-hyper ko e. Talagang ang taas ng energy level. Pagkatapos ganito na ang itsura ko o [minuwestra ni Maricel ang paghilata niya sa upuan]. Tapos, oy tapos na ha, napagod ako. Ganun. Kaya naman yung tatlo lang. Pero minsan humihirit ka, nagiging four. Kasi alam mo hindi cups, e, mugs tayo uminom. Kaya kailangan tatlo na lang at saka hindi puno ha."
Tough Ten Question No. 5: I know now that you are very prayerful. Kung merong isang dasal na included talaga in your every prayer, ano yun and sana not for your self but para sa iba?
"Kasi yun ang opening and closing ko, I always ask for forgiveness always. Meron man, gusto mong tanggapin o magpakaipokrita ka for that day, aminin mo yan. Palagi humihingi ako ng ano...Lord ha forgive me."
Tough Ten Question No. 4: Ano yung pinakamatinding bagay na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?
"Ay nakakaloka, tumulay ka nga sa alambre, kumain ka ng bubog at lumipad ka sa himpapawid. Lahat in the name of love ginagawa mo. Nakakaloka pero pag nababagok ang ulo mo, sabi mo luka-luka ako. Kaya Mary husto na!" pabaklang sagot ni Maricel na ikinaingay at ikinapalakpak ng mga tao sa loob ng studio.
Parang mas bagay yatang itanong what have I not done yet?
"Well, parang ang dami-dami naman yata pag nagkukuwenta ako. Dumating nga ako sa point na sabi ko, mahalin mo naman ang sarili mo. Kaya nga sabi ko kay Boy [Abunda], ‘Mahal ko ang sarili ko ngayon, Boy!'"
Tough Ten Question No. 3: Alam naman ng lahat that you are a fighter, survivor. Ano ang isang laban na kaya mong urungan?
"Alam mo kumbaga sa tela, hindi ba, may umuurong. Ako hindi! Nakataas ang kilay ko! Wala akong inuurungan. At nakataas ang kilay ko huh!"
Tough Ten Question No. 2: Sa mga lalaking naging part ng buhay mo at minahal mo, sino yung pinakanag-iwan ng mark sa puso mo?
"Alam mo, lahat sila walang mark. Si Papa God lang ang meron. Yun lang ang tumatak, tatak na tatak. Kasi hindi ako iniwan. It's either or... iniwan ako or iniwan ko," malaman at makahulugang pahayag ni Maricel.
Tough Ten Question No. 1: Do you see your self loving again, being married again, settling down?
"No, I don't like. I don't want. Sabi nga ni Gary V...'Di Na Natuto' at ni Randy Santiago...'Hindi Magbabago'... aba magbago ka naman Mary!"
So, no more?
"Yeah, I love myself na!"