Matagal ang naging pananahimik ni Patrick Garcia at wala siyang anumang isyung sinagot, especially ang may kaugnayan kay Jennylyn Mercado at sa kanilang anak na si Alex Jazz.
Pero noong Linggo, April 12, sa Showbiz Central, pumayag si Patrick na maupo sa digital Don't Lie To Me segment ni John "Sweet" Lapus. Bukod pa rito, ang napapabalitang nililigawan niya ngayon at kapareha sa Dear Friend na si Glaiza de Castro ang isa rin sa nag-interrogate sa actor.
Ayon nga kay John, si Patrick ay either one word, two words at masuwerte na kung sasagot ito ng three words kapag tinatanong sa isang isyu. Pero this time nga naman, yes or no lang ang puwedeng isagot ni Patrick sa bawat tanong ni Sweet.
For the easy level, sinabi mo raw noon na hindi ka babalik sa showbiz hangga't hindi mo pa nakikita ang anak mong si Alex Jazz. Now, you have a new project, ang Dear Friend. Ang ibig bang sabihin nito ay nagkita na kayo finally ni Baby Jazz?
"No," ang sagot ni Patrick at Truth naman ang naging result ng lie detector test.
Ang katwiran ni Patrick: "Siyempre, kailangan kong mag-trabaho rin para sa kanya. Para sa future niya. One of these days rin naman magkikita kami, at least, meron akong masasabing naiipon para sa kanya."
For the moderate level, usapang Dear Friends, meron daw kayong mahabang kissing scene ni Glaiza de Castro. At totoo ba na sa sobrang haba raw ng naturang kissing scene, nagalit daw diumano ang mommy ni Glaiza?
"No," pa rin ang sagot ni Glaiza pero this time, lie ang lumabas na resulta ng lie-detector test.
"Wala naman kaming mahabang kissing scene ni Glaiza, meron pero hindi naman mahaba. Hindi pa nga umabot ng 15 seconds."
Baka may kissing scene kayo sa tunay na buhay?
"Wala...wala..."
This time, diretsong tinanong na ni Sweet si Glaiza kung totoo nga bang nagalit ang mommy niya sa naturang kissing scene?
"Hindi naman po. Medyo nagulat lang siya dahil matagal nga. Pero hindi po kay Pat, kay Polo [Ravales] ang kissing scene."
Isa pang tanong, nagkaroon nga ba kayo ng relasyon ni Glaiza?
It's a "No," for Patrick again at again, isang "lie" ang naging result.
Si Glaiza ang sumagot na, "Hindi po talaga..."
Si Patrick naman, "Dissapointed ako...Hahaha!" hirit nito kay Sweet sa lumabas na result.
On a difficult level, noong Valentine's Day, binigyan mo raw ng white roses si Glaiza. Pero after that, parang wala nang narinig sa ‘yo si Glaiza. Kaya ang tanong, totoo ba na iniwan mo sa ere si Glaiza noong time na nililigawan mo siya?
"Yes," ang sagot ni Patrick at truth naman ang naging resulta. Inamin din ni Patrick na binigyan nga raw niya ng bulaklak si Glaiza.
"Seryoso naman ang intention ko para sa kanya. Kaya lang, napag-isip-isip ko, may mga bagay na kailangan ko munang ayusin bago ako ma-in-love sa ibang tao, ‘di ba? Siguro kailangan ko munang ayusin ang sarili ko at mga bagay sa buhay ko."
Any particular ba na gusto mong ayusin sa buhay mo?
"Siyempre, unang-una, gusto kong makita ang anak ko. Maalagaan siya at mahalin siya, yun lang..."
For the Now or Never level, si Glaiza bilang guest interrogator, ito ang nagtanong na marami raw ang nagsasabi na mas lalong gumaganda si Jennylyn Mercado after na manganak. Since ex-girlfriend mo siya, gusto kong malaman, may natitira ka pa bang pagtingin sa kanya?
"No, ang sagot ni Patrick pero ang naging result ng lie-detector test ay lie.
Ani Patrick, "Si Jen, maganda naman talaga si Jen. Pero minsan, mas gumaganda ang isang tao kapag in-love ka talaga."
Sa palagay mo ba, maganda itong si Glaiza?
"Oo naman..."
So, kung maayos mo na ba ang dapat mong ayusin, liligawan mo na ba si Glaiza?
"Kung okey lang sa kanya," pahiwatig ni Patrick tungkol sa kanyang love team partner sa "Igorota" summer special ng Dear Friend.
Click HERE to view behind-the-scenes photos of Dear Friend in Baguio City.
PEP Live
