Dumalo ang PEP (Philippine
Entertainment Portal) sa launching ng bagong album ng crooner na si
Richard Poon na ginanap sa Eastwood Mall Open Park noong Biyernes, May 15. Ang kanyang special double disc album
na For You ay mula sa MCA Universal.
Sa Q&A portion na ginanap
bago sumalang si Richard sa kanyang free concert, inamin ng mahusay
na crooner na hindi siya takot mag-experiment pagdating sa kanyang musika.
"I am a very adventurous
person. I like
doing things that many people think hindi ko kaya. I like to my standards
with bossa, with R&B music. Maybe in the future, I'd like to try
something new," wika niya.
"I got to talk to Jay-R and
I told him that for my third album, I'd like to try to mix my ballads
with rap and R&B. Hindi ako takot na mag-experiment. Ayoko nang
nakakakahon ako. I like working out of the box. And I think okay din
naman ang kalalabasan," sabi pa ng crooner na mainstay ng ASAP '09.
Bago pa man ginawa ni Richard
ang kanyang For You album, nagkaroon na siya ng series of concerts sa
Eastwood City tuwing Martes ng gabi kung saan na-exposed na siya sa
iba't-ibang klase ng audience. Sa ganitong mga pagkakataon ay
nagkaroon siya ng chance to size up his audience. He could sense already
kung ano ang kanilang mga gustong marinig ng mga songs, kung saan sila
nage-enjoy.
Sa kanyang mini concert ay
kumanta rin Richard ng medley ng mga Tagalog songs tulad ng "Laklak" ng
grupong Teeth, "Di Ko Kayang Tanggapin" ni April Boy Regino, "Miss Na Miss
Kita" ng Father and Son, just to prove na kaya rin niyang kumanta ng
Tagalog songs.
Paraan na rin niya ito upang
ipakita sa mga tao na versatile din siya as a singer.
Inawit din ni Richard ang ilang
cuts from his new album like "Complicated" ni Avril Lavigne, "Through the
Fire" ni Chaka Khan and at "Close to You" ng The Carpenters kung saan naka-duet
niya ang kanyang elder sister.
Ang For You ay follow-up project ni Richard sa kanyang certified Platinum debut album na I'll Take Care of You Platinum
Edition.
Kasama sa bago niyang album ang crowd-favorites tulad ng "Kumot at Una," "You
and I" at "Kahit Ika'y Panaginip Lang." May modern hits rin tulad ng "Complicated" at "For You"pati na rin classics tulad ng "Close to You," "Blue Moon" at "Portrait of My Love."
Matutuwa rin ang mamimili ng For You album ni Richard Poon dahil mayroon itong minus one version ng lahat ng mga kanta.
Available na ang 12-track album na ito sa major Odyssey at O Music stores, pati na rin sa major record bars nationwide.