Unang napansin si Maricar Reyes bilang Candy sa I Love Betty La Fea. Mula sa isang doktor who does parttime modeling, pinasok ni Maricar ang showbiz dahil sa isang face cream commercial.
Agad siyang pinahanap ng ABS-CBN
para maging cast ng I Love Betty La Fea. Simula noon, marami na ang
nakapansin ng lalim ng pagganap ni Maricar.
Bagama't nalagay sa isang iskandalong
hindi niya inaasahan, hindi ito naging hadlang para ituluy-tuloy ni
Maricar ang nasimulan niyang showbiz career. Mainit pa rin ang pagyakap
sa kanya ng ABS-CBN at Star Magic.
Sa kasagsagan ng dagok sa personal
na buhay ni Maricar, nagsunud-sunod naman ang offers sa kanya.
Kasalukuyang ipinalalabas ang mga eksena ni Maricar sa top-rating teleserye na
May Bukas Pa bilang taong-grasa.
At sa Linggo, July 5, ay bida
si Maricar sa Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal. She plays a piano
teacher na mai-involve sa isang guy (Sid Lucero) who is already committed to
Jodi Sta. Maria. Ang iisang passion nila sa music ang magiging-daan
para sa bawal na pag-ibig.
Isa si Erick Salud sa mga unang
direktor na nakatrabaho ni Maricar sa telebisyon. Nagkasama sila sa
I Love Betty La Fea. At sa Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal ay
muli na naman silang nagkatrabaho.
Ayon kay Direk Erick, "She's
one new star who is as if she's not new in the industry. Natural umarte
at may lalim. Given more challenging roles, she can be elevated to the
status of a seasoned performer. On the set, she is quiet. But once you
talk to her, she will not run out of stories to tell. Magaan siya katrabaho.
And she is one person who is unfazed by the problems around her."
Bukod kina Maricar, Jodi at
Sid, kasama din sa cast sina Bettina Carlos, Boom Labrusca at Quintin
Alianza. Mula sa script ni Joel Mercado.
Magsisimula nang mapanood ang Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal sa July 5, Sunday, pagkatapos ng ASAP '09 sa ABS-CBN.