Ang young star na si LJ Reyes at isa sa mga kontrabida sa teleseryeng All My Life ang sumalang sa Lie Detector Test ni John "Sweet" Lapus. Ang July 5 episode ng Showbiz Central ay tungkol sa mga controversial na mga babae at si LJ nga raw ay kabilang dito.
Bagamat
matagal ng tapos ang relasyon ni LJ at ng actor na si Alfred Vargas ang tungkol
pa rin dito ang madalas na naitatanong sa kanya.
Una ngang
tanong ni Sweet, since sa OMG segment daw nila, ipinakita ang video clip
kunsaan kasama ni Alfred ang kanyang non-showbiz girlfriend na isang
Italian-Filipina. Sa ngayon ba, masasabi na ni LJ na she's happy that her
ex-boyfriend ay may new boyfriend na?
Mabilis na
yes ang sagot ni LJ at ang resulta naman ay truth.
Ayon kay
Alfred, civil naman daw kapag nagkikita sila, pero, hanggang doon na lang daw
ba yun at malabo
na kahit maging friends?
"Posible
naman, kaya lang kasi sa amin, hindi kami nagkaroon ng chance na
makapag-heart-to-heart. Wala kaming ganoon."
So,
nakapag-move on na lang kayo pareho?
"Oo...ganoon
lang talaga. At saka, matagal na naman yung sa amin, ang tagal-tagal na nu'n."
Madalas daw
kayong makitang magkasama ni Paulo Avelino. Sa prangkahang usapan, nanliligaw
ba sa ‘yo ngayon si Paulo?
"No," ang
sagot ni LJ at ang resulta ay lie.
"Hindi
naman, e," natatawang sabi ni LJ.
Pero close
kayo ni Paulo ngayon? "Opo..."
Pero hindi
nanliligaw?
"Hindi
naman yata," natatawa pa rin niyang sabi na parang hindi sigurado.
Kung
sakali, may pag-asa ba?
"Tingnan na lang natin, mabait naman si Paulo, e."
For the
third question, marami ang nakakaalam na very close raw kayo ng iyong mommy.
Involved raw ito sa mga aspect ng iyong buhay, particularly sa lovelife. Pero, totoo raw ba
na ang mommy mo rin daw ang nasusunod pagdating sa pagpili ng magiging
boyfriend mo?
Ang sagot
ni LJ ay "No," at ang resulta ay truth.
"Ang mommy
ko naman kasi, ever since, hindi siya nagkulang sa paalala. Palaging ganoon,
paalala lang. Hindi siya nakikialam. Pero kapag may nakikita na siyang mali,
hindi maganda, saka lang siya nagsasalita."
With
Alfred, hindi naman ang mommy niya ang pumili?
"Hindi...hindi."
So kung
liligawan ka ni Paolo, ikaw ang magde-decide?
"Oo ako...pero siyempre, gusto kong ma-meet muna siya ng mommy ko kung sinuman ang magiging boyfriend ko."
