Hindi katatawanan ang buhay ni Dolphy,
malayo sa mga programa at pelikula kung saan nakilala siya. Ngayong Miyerkules
(July 29), tunghayan ang drama sa likod ng masayang persona ni Rodolfo
"Dolphy" Quizon sa Probe Profiles sa ABS-CBN.
Sa isang bihirang pagkakataon, ibabahagi
ni Dolphy kay Che-Che Lazaro ang mga pangyayari sa kaniyang pribadong buhay
na hindi nalalaman ng publiko. Isasalaysay ng 81 taong komedyante ang kuwento
ng kaniyang mga tagumpay at kasawian bilang asawa, ama, at kaibigan, na
sasamahan pa ng mga hirit na tanging siya lang ang makakapagbitaw.
Kilalanin ang ‘Dolphy' sa likod ng kamera
sa Probe Profiles ngayong Miyerkules (July 29) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, at muli sa Biyernes (July 31) ng 3 a.m. at sa Linggo (August 2) ng 1:30 p.m. sa ABS-CBN News Channel (SkyCable channel 27).