Sunud-sunod
ang special episodes ng TV5 sa kanilang mga shows ngayong August kaugnay ng
pagdiriwang ng unang taon nito.
Naging
espesyal ang pagbisita ng mga ipinagmamalaking hosts ng mga popular shows ng
TV5 sa iba pa nilang mga programa. Gaya na lamang ng nangyaring pag-crossover
ni Lucy Torres-Gomez sa Shall We Dance? at Ryan Agoncillo sa Talentadong Pinoy.
Ngayong
Sabado, August 22, ang host naman ng Wow Mali na si Joey De
Leon ang magpapainit ng hot seat at haharap sa kumpare niyang si Bossing Vic Sotto sa Who Wants to be a Millionaire?
Tiyak na mapupuno ng
katatawanan ang episode na ito dahil sa pagsasama ng dalawang tinitingala sa
comedy. Magtatagisan ng talino ang dalawa dahil kilala rin sila sa
pagiging magaling sa maraming bagay.