Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Kuh Ledesma sa presscon ng U.S. Unity Concert Tour na ginanap noong October 9 sa Dulcinea Restaurant sa Tomas Morato. Kasama ng Pop Diva sa nasabing concert ang kanyang anak na si Isabella, sina Christian Bautista, Nanette Inventor, Carlo Orosa, Jograd dela Torre at young singer Charlie Green.
The
Unity Concert tour will have the following performances: October 17 at BCI Church, New
Jersey. Susundan ito ng show sa October 20 sa Jubilee Center, San Jose
tapos sa October 24 sa Long Beach Convention Center, Long Beach,
California. Magtatapos ang tour sa October 25 sa Gladtidings, Vancouver,
Canada.
Ayon sa Pop
Diva, naisip niya ang concert na ito para makapagbigay ng inspirasyon sa ating
mga kababayan na naapektuhan ng recession sa U.S., gayundin din ang mga
kababayan natin na biktima ng bagyong Ondoy.
"We are
going to ask our fellow Filipinos sa abroad kung puwede silang magbigay ng
kanilang mga old clothes that we can distribute to the victims of Ondoy,"
pahayag ni Kuh. "Maraming mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Aware naman
ang mga kababayan natin abroad sa calamity na tumama sa ating bansa. We don't
know kung sino-sino sa atin ang naapektuhan ng bagyo pero I know of some
friends who were victims of the typhoon.
"Hindi lang
ang mahihirap kundi pati ang mayayaman ay naapektuhan ng Ondoy. Pero ang mga mahihirap lalong naghirap dahil
sa nangyaring calamity. Nagmagandang
loob ang Forex Cargo na dadalhin nila dito sa Pilipinas free of charge ang mga
balikbayan boxes ng donations na makakalap namin from our concert venues
abroad," dugtong pa ng Pop Diva.
Gusto rin ni
Kuh na maging involved at hingan ng tulong ang mga kababayan natin sa abroad na
napanood sa TV ang devastation na sinapit ng bansa, pati na rin ang kinasapitan
ng mga typhoon victims.
"Maraming gustong
tumulong and we are confident na maraming tutugon sa ating panawagan na when
they go to the Unity Concert, they will bring donations for the victims. Nagulat
sila sa napanood nila on TV and they were asking if that was the situation in
the entire country. Buong Pilipinas ba ang devastated, tanong nila? Or kung may lugar na maayos pa. Marami pa rin
sa ating mga kababayan ang nagsa-suffer. Hindi pa nakabalik ang marami sa
kanilang mga bahay dahil nasira ang mga ito o baha pa rin hanggang ngayon. Kaya
we need all the help we can get para makatulong sa mga nasalanta," wika pa ng singer.
Sinabi pa ni
Kuh na nais nilang ma-tap ang mga social networking sites tuald ng Facebook at Twitter para
maka-encourage ng mas maraming tao to watch the show and bring their donations.
"I felt we
need to come up with a show like this to appeal for help as well as to uplift
the spirits of the victims. The show is very timely kasi parang nawawalan ng
hope ang mga tao dahil sa disaster na nangyari dito sa ating bansa. This an
opportunity to unite and give help to those who are really in need," sabi pa ni
Kuh.
Hinimok din
ni Kuh ang media na tumulong sa pagpapalaganap ng information na tayong lahat
ay dapat tumulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Sa nangyari kasi sa mga victims ng Ondoy, parang binabalikan tayo ng
kalikasan sa ginawang pagmamalabis ng tao rito.
Sinabi rin
ni Kuh na dapat din kumilos ang mga local government officials para i-educate
ang mga tao about proper waste management and recycling.
"Dapat
turuan ang tao na mag-segregate ng basura in the proper way. On the part of the government, dapat na
kolektahin nila ang basura regularly. Pero dapat segregated ang basura.
"Pero
kailangan din na maging disiplinado rin tayong lahat. Dapat sumunod tayo sa mga
rules na pinapatupad. Parang yung batas about seat belt. Dati ayaw natin
magsuot ng seat belt pag nakasakay tayo sa sasakyan but when it became a law,
sinusunod naman natin. Kailangan lang talaga na maging disiplinado tayo," sabi
pa ni Kuh.
Here is the schedule of the U.S. Unity Concert Tour
TUESDAY, October 20, 8 PM - San Jose, California
SATURDAY, October 24, 7 PM - Long Beach, California
SUNDAY, October 25, 7 PM - Vancouver, British Columbia, Canada