PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Impostor maintains lead in afternoon block, based on TNS data

This ABS-CBN show has been posting higher ratings compared to its GMA-7 counterpart.
Published Jun 3, 2010
Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, starring (from left) Sam Milby, Maja Salvador, Melai Cantiveros and Jason Francisco, has been posting higher ratings compared to its GMA-7 counterpart.

Batay sa Taylor Nelson Sofres National TV Ratings, consistent top-rater ang Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor. Buong linggo mula May 24-31, pinatunayan ng Impostor ang kakaibang hatak nito sa mga manonood. Sa katunayan, nangunguna raw ito sa Hapontastic block ng ABS-CBN, ayon sa Corporate Communications department ng naturang TV station.

Noong Lunes, May 24, umabot ng 15.4% ang ratings ng PHR presents Impostor laban sa 10.1% ng Basahang Ginto ng GMA-7; 16.7% vs 10.2% naman noong Martes, 16.5% vs 11.9% ng Miyerkules, 18% vs 11.8% ng Huwebes at 17.4% vs 10.8% noong Biyernes.

Dahil sa mainit na suporta, labis-labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga bida ng programa na sina Sam Milby, Maja Salvador, Jason Francisco at Melai Cantiveros. Nanguna na dito sina Maja at Sam na bumati, "Over-over ang pasasalamat namin sa lahat ng sumuporta sa Impostor. Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa inyo."

Hindi naman nagpahuli ang mag-sweetiepie na sina Melai at Jason sa pag-imbitang patuloy subaybayan ang kanilang teleserye. "Patuloy lang po kayo sa panonood ng Impostor dahil marami pang kaaabang-abang na mangyayari. Tutok lang po mga Kapamilya, sa paboritong teleserye ng bayan tuwing hapon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ng kwento ng PHR presents Impostor, tuluyan na ngang nabago ang buhay ni Devin (Melai). Mula sa isang simpleng dalaga na wala pang karanasan sa pag-ibig, inangkin na niya ang komplikadong buhay ni Mariz (Maja) bilang ina at asawa ni Anthony (Sam).

Ngayong linggo, abangan kung anong mga pagbabago ang magaganap sa buhay ng bagong Mariz at sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sa pamamagitan ni Devin, maibalik nga kaya ni Mariz ang pagmamahal ni Anthony? Sa pagbabalik ni Mariz sa kanyang "public life" bilang isang modelo, mabuko na kaya ang pagiging impostor ni Devin?

Ngayong linggo rin ang napipintong proposal ni Anthony kay Mariz. Tanggapin kaya ito ni Devin kahit alam niyang siya'y nagpapanggap lang?

Kasama sina Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo, ang PHR presents Impostor ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Chavez Pobocan.

Mapapanood ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, starring (from left) Sam Milby, Maja Salvador, Melai Cantiveros and Jason Francisco, has been posting higher ratings compared to its GMA-7 counterpart.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results