Advertisement

article

"Silip" is the first mainstream bold movie to come out in years


Scenes from Seiko Films' first movie this year, Silip, starring Diana Zubiri, Francine Prieto, and Polo Ravales. Silip is the first mainstream bold flick to come out after SM chain of cinemas imposed a ban on R-18 movies.

"Silip" is the first mainstream bold movie to come out in years

Dinno Erece

Rating

  • Bookmark and Share

Nang mag-decide ang SM chain of cinemas not to show any R-18 movies, nanamlay ang bold movies hanggang sa tuluyang nawala na ito sa mainstream. Kung may gumagawa man ng mga sexy movies ngayon, kadalasan ay independently produced ito o kaya ay digital films pero hindi pa rin ipinapalabas sa SM kahit sa digital theaters nito.

 

Wala mang ganitong ruling ang Ayala chain of cinemas, its management rarely releases local rated R-18 movies. Tanging ang Robinsons chain of cinemas na lang ang nagpapalabas ng ganitong uri ng pelikula. Sinasabing almost 60 percent of theaters nationwide are part of the SM chain kaya't kung hindi mabu-book ang isang pelikula dito, mahirap nang kumita ang pelikula.

 

Early last year, nagkaroon ng bagong grade ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), ang R-13. Restricted to anyone 13 years of age and below ang papapasukin sa mga pelikulang may ganitong rating sa MTRCB, at ito ang naging loophole ng ilang pelikula para magkaroon ng chance na maipalabas sa SM chain of cinemas.

 

Ito ang gustong rating na makuha ng unang pelikula ng Seiko Films this year, ang Silip. Starring Diana Zubiri, Polo Ravales, and Francine Prieto, directed by Joel Lamangan from the script of Racquel Villavicencio.

 

Kung hindi man kasing-daring ng mga dating pelikula ng Seiko Films ni Robbie Tan ang Silip, tulad ng Talong at Patikim ng Pinya na may mga frontal nudity ang mga artista, masasabing bold pa rin ang Silip, base sa mga lumabas na publicity stills kung saan nakitaan din ng dibdib ang dalawang bidang babae at nagpakita naman ng puwet si Polo.

 

Sinigurado naman ni Direk Joel na papasa sa MTRCB rating na R-13 ang mga shots niya at madadala na rin sa ganda ng kuwento, at may tsansa na maipalabas na rin ito sa mga SM chain of cinemas.

 

Ipapalabas ang Silip on June 6.

 



Pages: 1  


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
7 Comments
page    1   
pagelocation: guide
Login to All Access to use PEP Talk

Elsewhere