PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lara Cuevas releases her 12-track self-titled album

Lara went to Los Angeles, California to record her songs with producer Christian de Walden.
by Nora Calderon
Published Jan 20, 2011
Lara Cuevas went to Los Angeles, California, to record her 12-track album with producer Christian de Walden.

Si Lara Cuevas ang first recording artist introduced by Viva Records sa isang launch/presscon last January 10 sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City.

Bago pumunta sa venue, nerbiyos na nerbiyos si Lara dahil first time niyang magkakaroon ng presscon. Pero nang napalagay na ang loob niya sa mga kaharap na entertainment press, tuluy-tuloy na ang pagsagot niya sa mga questions.

Ikinuwento niya kung paano siya nakuhang recording artist ng Viva. First time niyang makapag-record ng self-titled album kahit seven years na siyang professional singer.

"Seven years na akong kumakanta sa Shanghai at Ningbo, China," kuwento ni Lara.

"I'm from San Jose, Batangas, at family kami ng singers. Sumama ako sa isang band para kumanta doon. Later ko na lang nalaman na fake pala ang mga papers ko at fake din ang recruiter ko, kaya illegal ang pagpunta ko roon. May times na nagtatago ako sa ilalim ng table kapag may mga pulis na pumupunta sa club na kinakantahan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mabuti na lang may nagmagandang-loob sa akin na tinulungan ako, isinama ako sa kinakantahan niyang club at naging legal na ang stay ko roon. Since then, nakapag-join pa 'ko sa tatlo pang bands at natuto akong kumanta ng mga iba't ibang songs, may Spanish, Italian, French and Polish songs, natuto pa akong mag-rap in Chinese, kasi nga we cater to an international crowd.

"For six years, hindi po ako bumalik ng Pilipinas, nag-ipon ako ng pera at nakapagpatayo ako ng sarili naming bahay ngayon sa Pasay City. Iyong ika-seventh year kong kumakanta, pabalik-balik na lang ako roon kapag may gig na isinasama nila ako."

Married na ba siya?

"Hindi po. Nagkaroon ako ng dalawang boyfriend, a Filipino, pero magkaiba kami ng lugar na kinakantahan. Parang long-distance relationship kaya hindi kami nagtagal. Nagkaroon ako ng Spanish boyfriend, mabait siya, pero nang mag-propose siya ng kasal, bago siya bumalik sa Spain, hindi pa ako ready noon, hindi kami nagkatuluyan. Pero friends pa rin kami until now, ang napangasawa niya, isa ring Pinay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nag-deny si Lara na ang kasama niyang guy sa presscon ay ang current boyfriend niya of three years na, an Italian executive, si Francesco Parenti.

Magkasama silang nag-Christmas and New Year kina Francesco sa Italy at kasama niyang bumalik sa Pilipinas after the holidays and for the launch of her first album.

Paano siya nakuhang recording artist ng Viva Records?

"Last year, bago ako umuwi ng Pilipinas from Shanghai, sabi ng isang friend ko roon, mag-record ako ng demo tape at may pagbibigyan daw siya. Nag-record naman ako at nang bumalik ako ng Shanghai, ibinigay ko sa kanya. Hindi ko alam na sa Viva Records pala niya iyon ibinigay.

"Nagulat ako nang ipatawag ako ni Boss Vic del Rosario, kung gusto ko raw mag-record ng album sa kanila. Iyak ako nang iyak sa tuwa, hindi ko in-expect na darating sa akin iyon, matagal ko na po talagang gustong magkaroon ng record album.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Iyon po pala ang producer na si Christian de Walden ang nakarinig ng demo tape ko at siya ang nag-suggest kay Boss Vic na pwede akong maging recording artist.

"June 2010 po ako pinapunta ni Mr. De Walden sa Los Angeles, California at doon ko ini-record ang 12-track ng album ko. Marami po akong natutunan nang magsimula na akong mag-record, ibang-iba po pala sa pagkanta ko nang live. Four weeks akong nag-stay roon hanggang sa matapos ang album," mahabang kuwento pa ni Lara.

Kapag narinig ninyo ang album ni Lara, mapapansin ninyo na hindi lamang siya basta kumakanta, bukod sa maganda ang kaniyang boses, ramdam mo ang emotions niya habang kumakanta.

May dream ba siyang singer na gustong maka-duet?


"Yes, si Lani Misalucha and Jaya."

May four original tracks ang album, ang "Wala Nang Mahihiling Pa," "Bakit Pinaglaruan," "Running Into Love" at ang carrier single na "This Moment" na lyrics ni Pamela Phillips-Oland and music by Jimmy Borja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba pang tracks ay "You Make Me Feel Brand New," "Can't Fight the Moonlight," "Genie in A Bottle," "Unbreak My Heart," and the "Trouble With Hello Is Goodbye" na ini-record lamang niya in 30 minutes.

Read Next
Read More Stories About
music, album, Viva Records
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lara Cuevas went to Los Angeles, California, to record her 12-track album with producer Christian de Walden.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results