PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta's Mega 2011 concert airs this Sunday

In a special number, the Star Power Final 5 share the stage with the Megastar.
Published Jan 22, 2011
As a treat to her loyal fans, Sharon Cuneta celebrated her birthday with a free star-studded concert last January 11 at the Araneta Coliseum.

PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Libo-libong mga 'Sharonians,' mula sa iba't ibang sulok ng mundo, ang nagtipon-tipon sa big dome (Araneta Coliseum) kamakailan upang saksihan ang pinakamalaki't pinakaaabangang Mega 2011, ang birthday concert ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

"Ngayong darating na Enero 23, Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN, mapapanood na ang Mega 2011. Kasama ang pinakamanining at pinakamamahal na mga kaibigan ni Mega sa industriya, tiyak na mae-enjoy ng buong pamilya ang Mega 2011.Ang komedyanang si K Brosas, Pop Prince Erik Santos at Kapamilya hunk na si Zanjoe Marudo ang mga host sa gabi ng pagdiriwang at pasasalamat.

"Umpisa pa lamang ng natatanging birthday concert, agad pamamanghain ni Mega ang lahat. Kasama ang pinagpipitagang G-Force dancers, ipamamalas niya ang kanyang galing sa pagsayaw pagkanta. Kasama sa audience ang very supportive na Mega husband na si Sen. Kiko Pangilinan, kasama ang kanilang mga anak na sina Frankie at Miel.

"Ang pinakapinag-uusapang Mega daughter na si KC Concepcion ay pabibilibin ang lahat sa kanyang makapigil-hiningang acrobatic dance number kasama ang acoustic heartthrob na si Sam Milby. Mas mapangahas ngayon ang number ni KC na bali-baliktad na sasayaw sa coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malalaking sorpresa din ang gugulat kay Mega. Ang mga pinakamatalik niyang kaibigan, sa loob at labas ng showbiz ay babati sa kanya, tulad nina showbiz radio commentator na si Manny Castañeda at komedyanteng si Chokoleit. Ang mga aktor naman na si Roderick Paulate at Bayani Agbayani, mga director na sina Jose Javier Reyes at John Lazatin, at Quezon City Mayor Herbert Bautista ay magbibigay ng kani-kaniyang birthday messages para sa natatanging kaibigan.

"Ang isa pang number na talagang magpapagulat kay Mega ay ang sexy performance ng mga OPM queen na sina Pilita Corales, kasama sina Mitch Valdes at Randy Santiago. Todo naman ang paghagalpak sa tawa ni Mega sa mapangahas din na performance ng 'BFF' na si 'Comedy Concert Queen' Ai-Ai delas Alas. Tulad ni KC, lalambi-lambitin din si Ai-Ai kasama ang mga nagseseksihang mga dalaga't hot men.

"Nagbabalik naman ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha. Ka-duet si Mega, aawitin ni Lani ang mga di-matatawarang hits ni Mega tulad ng 'Sana'y Wala Nang Wakas,' 'Bituing Walang Ningning' at 'Pangarap na Bituin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bubuhayin namang muli ang mga movie theme songs ni Mega. Pakikiligin nina Piolo Pascual at KC ang lahat sa kanilang pag-awit ng 'Dapat Ka Bang Mahalin?' habang 'Pagdating ng Panahon' naman ang kakantahin nina Sam Milby at Toni Gonzaga habang si Jericho Rosales at Karylle ay gagawa ng kanilang rendition ng 'Kahit Wala Ka Na.'

"Ang pinakapinag-uusapang Star Power Final 5 na sina Akiko Solon, Monica Sacay, Angeline Quinto, K-La Rivera at Krissel Valdez ay aawit din kasama ang kanilang ultimate mentor, ang Megastar.

"Huwag palampasin ang Mega 2011,ang pinakamalaki't pinakamaningning na birthday concert ngayong taon, ngayong darating na Enero 23, Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As a treat to her loyal fans, Sharon Cuneta celebrated her birthday with a free star-studded concert last January 11 at the Araneta Coliseum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results