Ogie Alcasid is Boy Pick Up in the two-part anniversary special of Bubble Gang

Jocelyn Jimenez
Tuesday, October 11, 2011 @ 03:54PM  |  83 views

Ogie Alcasid plays the character of Boy Pick Up in the same titled segment of Bubble Gang.
Photo By: Noel Orsal













Ayon sa actor, comedienne, at singer-songwriter na si Ogie Alcasid, madami daw dapat abangan ang mga manonood sa two-part anniversary special ng GMA-7 gag show na Bubble Gang.

Magse-celebrate kasi ng kanilang 16th anniversary ang show sa darating na Biyernes, Oktubre 14, at sa susunod na Biyernes, Oktubre 21.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Ogie sa set visit ng Bubble Gang noong Oktubre 10, sa Studio 6 ng GMA Network.

Pero, isa daw sa mga dapat abangan ay ang video ni Boy Pick Up.

Sinabi ni Ogie na si Michael V. daw ang nag-direct at edit ng naturang video, samantalang si Eri Neeman naman ang nag-compose ng kanta.

Ang Boy Pick Up segment ay ang parte ng show kunsaan nagpapasiklaban ang ilang lalaking cast sa pagbabato ng mga pick up lines sa napiling babaeng cast ng gabing iyon.

UNEXPECTED SUCCESS. Ang ideya daw ni Boy Pick Up ay nabuo sa pagtutulong-tulong nilang mga cast, at ilang staff ng show.

"Well, kami [nag-isip]. Pero 'yong pangalan, 'yong characterization ako," saad niya.

"Kasi, no'n binring up nila sa akin 'yong idea na pagalingan ng pick-up lines, sabi ko okey 'yan pero kailangan 'yong dulo walang kuwenta.

"So, sabi nila, 'like how?' So, gumawa ako ng example, 'tas tumawa sila, so, we tried.

"Wala siyang kakuwenta-kuwenta, kaya nga siya nakakatawa, di ba, kasi lagi akong panalo?

"So, I think kaya siya sinusundan ng mga bata, nakakagawa sila ng sarili nilang pick-up lines.

"So, nakakatuwa naman kasi 'yong mga kids o teenagers nasisira din ang ulo."

Aminado si Ogie na hindi nila inasahan ang magandang feedback sa naturang segment ng show.

Gayunman, masayang-masaya daw siya sa naging kinalabasan nito.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name