guide

Anne Curtis cries upon receiving Gold Record Award for debut album AnneBisyosa

by Allan Sancon posted on October 17, 2011  STATS: 29880 Views | 47 Comments
Anne Curtis received her Gold Record Award for the album, AnneBisyosa, which sold 10,000 units in less than a month. "Hawak ko na yung award ko, 'di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon," says the actress who shed tears upon her receiving her award last Sunday on ASAP Rocks. Photo By: Allan Sancon

Sinasabing taon ni Anne Curtis ang 2011 dahil sa mga tagumpay na tinatamo niya hindi lang sa kanyang acting career kundi pati na rin sa kanyang singing career.

Naging blockbuster ang pelikulang No Other Woman kunsaan bida si Anne kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Lagpas P210 milyong piso na rin ang kinita ng nasabing pelikula kunsaan gumanap bilang mistress or "other woman" si Anne.

(CLICK HERE to read related article)

Matagal nang pangarap ni Anne na magkaroon ng sariling solo album. Nagpe-perform siya ng mga awitin sa Showtime, lalo na ang kanyang signature piece na "Alone."  Binigyan rin siya ng pagkakataon ng ABS-CBN na kumanta ng "Sukob Na," ang theme song ng rainy season Station ID ng Kapamilya Network.


Fourteen years nang talent si Anne sa Viva Entertainment, Inc., at inamin niya sa kanyang previous interview na talagang hiniling niya sa management na ipag-produce siya ng album.

"It's a dream come true!" sabi pa ni Anne tungkol sa kanyang album. Noong September 23, nagkaroon si Anne ng mall show upang i-launch ang kanyang 8-track album na pinamagatang AnneBisyosa.


Noong Linggo, October 16, sa ASAP Rocks, matapos ang production song number ni Anne ay sinurpresa siya ng Viva Records para bigyan siya ng Gold Record Award. Umabot na sa 10,000 units ng AnneBisyosa album ang nabenta in less than a month.

Maluha-luhang tinanggap ni Anne ang kanyang Gold Record Award. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha sa kagalakan. Ani Anne, "Maraming salamat sa Viva Records dahil after 14 years ko sa showbiz binigyan nila ako pagkakataon na magkaroon ng sariling album. Heto, may mailalagay na akong ganitong Gold Record Award sa bahay ko."


Nang tanungin ng PEP si Anne tungkol sa natamo niyang Gold Record Award, agad siyang nagpasalamat sa lahat ng sumoporta sa kanyang album. "Nabigla ako, pero sobra akong happy, thank you po sa lahat ng bumili ng album ko."

Sinabi pa ni Anne na ang Viva ang magpapasya kung magkakaroon siya ng pangalawang album.



AnneBisyosa TRACK LISTING.

1. Tinamaan Ako
2. Alone
3. Total Eclipse of the Heart (feat. Sarah Geronimo)
4. Mouth
5. Bizarre Love Triangle
6. Girls Just Wanna Have Fun
7. Too Many Walls


Bonus Track:
8. GSM Blue Jingle

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

47 Comments

  • 47  dubidu1992

    10/22/2011 | 03:22 AM
    ano bang nangyayari sa musica ng pilipinas i am happy for anne pero mga tao magising na dapat suportahan ang mga singers sa atin na magagaling talaga perso hindi nagiging successful dahil hindi sila maganda kagaya ni anne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  dubidu1992

    10/22/2011 | 03:16 AM
    i am happy for anne but sana mga pinoy suportahan iyong mga talented diyan sa pinas mga singer talaga, ano ba ang nangyayari sa musica natin pati sa music ginagamitan na lang ng looks i like ann but sad ako sa mga taong talented na hindi mabigyan ng chance
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  divina12345

    10/21/2011 | 02:34 AM
    we love you anne!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  comentaryo

    10/19/2011 | 06:21 PM
    stay humble Anne..we love you all the way
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  lovekopinas

    10/19/2011 | 12:24 PM
    what i mean ayokong magsalita ng against kay anne o kahit kanino man na ikino compare kay marian, pero dahil sa mga taong katulad mo no. 24 di talaga maiiwasan. wag na kaseng isingit si marian sa article na ito. di ba marami naman sumuporta kay anne at sumusuporta daw edi pakita nyo ngayon without remarking marian's name.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  lovekopinas

    10/19/2011 | 12:21 PM
    No. 24 maghunusdili ka di mo naman alam ang pinagsasabi mo, si marian di nag click ang album nia hello platinum at gold ang mga album ni marian. at yung sinasabi mong nalaglag ang tube at least sya di gaano nakitaan e si anne baka you're forgetting something asap days laglag at litaw ang di dapat makita. i like anne pero mas gusto ko si marian ayokong magsalita ng against kay marian pero dahil may mga katulad mo di ko maiwasan. at lahat ng nagclick na kanta nalaos din what more yung kay anne na inambisyun lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  Izkabitchez

    10/19/2011 | 12:06 PM
    love you anne . ikaw lang ang nag isang diosa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  Autumnleaf

    10/19/2011 | 11:47 AM
    I like her. She's so adorable.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  Cutiepie2010

    10/18/2011 | 10:56 PM
    Congrats Anne.. Although i know youre not a real singer , u dont even have a good voice still congrats for taking the risks.!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  lovekopinas

    10/18/2011 | 04:02 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  meangenesnoopy

    10/18/2011 | 03:59 PM
    charisma vs psychologist...yun nah....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  purong_kapamilya

    10/18/2011 | 03:48 PM
    Congrats anne..Sa mga ampalaya dyan si anne lang ba ang gumawa ng album na hindi maganda boses?helloooo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  greatness

    10/18/2011 | 03:31 PM
    Hello no. 1 nd 2, spell inggit! di ba tau pwedeng maging happy sa achievements ng iba??? or just simply ignore it,or just keep your mouth shut!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng

    10/18/2011 | 03:21 PM
    "I feel your soft caress upon skin, like a touch from a rose.. And thrills me, thrills me, now i feel irresistibly soft like a touch from a rose" .....Hayy sayang hindi to kasali sa album niya Palmolive Jingle at yung Sukob Na sa Kapamilya Rainy Station ID.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  EmmyAngels

    10/18/2011 | 03:05 PM
    No.28 Ateh wag masyadong talking talking kung walang "nowledj".. Ayan tuloy semplang ka kay No.32. Marami lang talagang fans si Anne Curtis compare sa idolet mo. Nasa nagdadala lang yan, even sa mga commercials niya siya ang kumanta. Besides tanggap ni Anne na hindi siya magaling na singer kaya nga self-titled album is "AnneBisyosa" kasi its her ambisyon na magkaroon ng album, at ang mga luha na yun ay "tears of joy" for the reason na touched siya dahil marami talaga siyang followers at handang susuporta sa kanya, plus the factor na Blockbuster of the Year ang movie nila NOW. Kaya SORRY nalang talaga kung di kumita ang MY NEHBOARS JULALAY Kamuning.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  ycheng

    10/18/2011 | 01:23 PM
    ANOTHER MOVE FROM ABS?.... ANNEBISYOSA WAS RELEASE UNDER VIVA RECORDS. AT SA VIVA SYA NAKIUSAP NA I-PRODUCE SYA NG ALBUM... SO, ANONG KINALAMAN NG ABS DITO? ANG ALBUM NI ANNE PARA SA MGA FANS NYA KAYA HUWAG KAU MASYADO AFFECTED HA!... INGGIT LANG YAN...!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  walau_we

    10/18/2011 | 12:21 PM
    hahaha kakatuwa nman c anne. it onlys shows na totoong tao sya. walang ka-arte arte sa katawan. i like her too. naaaliw aq sa kanya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  orko

    10/18/2011 | 12:17 PM
    i love u anne... super inggit ako sa u... kasi lahat ng sulok ng METRO MANILA... MUKHA mo lang ang makikita....huhuhu... Panalo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  aannggeell

    10/18/2011 | 12:12 PM
    a reflection of Filipino standards...Happy for her pero nakakahiya lang sa ibang lahi na pumapatok sa atin ang mga ganitong quality ...no offense to her fans...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  rscmisjic

    10/18/2011 | 12:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About