guide

Asiong Salonga sweeps 37th MMFF Awards Night; Maricel Soriano and Dingdong Dantes win top acting honors
by Report by Monching Jaramillo & Demai Sunio-Granali / Text by Erwin Santiago posted on January 2, 2012  STATS: 7767 Views | 286 Comments
  Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, starring Governor ER Ejercito (main photo), is the biggest winner at the 37th Metro Manila Film Festival Awards Night, bagging a total of 11 trophies; (insets) Maricel Soriano and Dingdong Dantes win Best Actress and Best Actor for Yesterday Today Tomorrow and Segunda Mano, respectively. Photo By: File photos

Humakot ng awards ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Gabi ng Parangal ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, December 28.

Labing-isang tropeyo ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala, at Best Director.

BEST DIRECTOR. Naging interesante ang pagwawagi sa Best Director ng Asiong Salonga dahil ipinatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang direktor ng naturang pelikula.

Lumikha ng kontrobersiya ang biopic dahil sa alitan sa pagitan ni Direk Tikoy at ng bida ng pelikulang si Governor Jeorge "ER" Ejercito at ang mga producer nito.

Nag-ugat ang problema sa pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena nang walang pahinutulot ni Direk Tikoy. Rason ni Governor ER, mabagal ang pacing ng unang bersiyon ng pelikula at ang prodyuser ang may last say.

Dahil dito ay hiniling ni Direk Tikoy na ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula, kasama na sa promotional materials nito.

Ayon kay Direk Tikoy, hindi na masasabing pelikula niya ang Asiong Salonga dahil sa mga pagbabagong ginawa rito nang hindi niya nalalaman at hindi niya pinahintulutan.

Noong una ay hindi pumayag si Governor ER sa hiniling ni Direk Tikoy. Sunod ay humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) si Direk Tikoy mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Pumabor ang nasabing ahensiya sa kahilingan ng direktor kaya tinanggal na rin nina ER ang pangalan nito sa pelikula.

Hindi dumalo sa awards night si Direk Tikoy.

Sa awards night ay "Gary dela Cruz" ang tinawag na pangalan bilang direktor ng Asiong Salonga.

Pero lahat ng mga nagwagi mula sa pelikulang ito ay panay ang pagbanggit at pasasalamat sa entablado kay Direk Tikoy.


ACTING WINNERS. Si Maricel Soriano ang nagwaging Best Actress para sa Yesterday Today Tomorrow.

Hindi dumalo sa awards night ang Diamond Star, pati na ang iba pang cast members ng pelikula.

Ito'y sa pakikisimpatiya nina Maricel sa prodyuser nilang si Lily Monteverde ng Regal Entertainment. Nagdesisyon kasi ang festival committee na i-disqualify ang Yesterday Today Tomorrow sa apat na major categories: Best Picture, Best Director, Best Screenplay, at Gatpuno Villegas Cultural Award.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

286 Comments

  • 286  ICUM2U

    01/03/2012 | 02:49 PM
    bakit d nalang binigay lahat ng award sa mga taga ABS dahil gutom na gutom sila sa award.....ayaw pa nilang manalo c DD...Ganid talaga ang Kapamilya no......mayayabang pa....magbago na kayo 2012 na mga Kapamilya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  maelin

    01/02/2012 | 06:51 AM
    Buti nalang at nanalo si Maricel Soriano ng Best Actress. Sa lahat ng categories siya lang ang hindi pinagdudahan sa pagkakapanalo. Disqualified pa ang YTT pero wagi parin ang acting ni Marya. This is not say na hindi magaling si Dingdong. I heard na magaling naman talaga sya sa Segunda. Kung siguro nanalo si Kris, eh naku lokohan na ito. Also deserving din si John Regala as a supporting actor. Para sa best director at best picture talagang mas panalo ito compared sa Asiong kaya siguro pinagkaisahan ang YTT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  landstown

    01/01/2012 | 12:41 AM
    ang galing ni dingdong sa segunda mano.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  washdckami

    12/31/2011 | 10:00 AM
    basta kahit anong sabihin nyo best actor c dingdong at di nyo pwedeng bawiin.love love love at hapi new yir sa lahat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  myrth

    12/31/2011 | 09:38 AM
    CONGRATULATION ASIONG! NICE MOVIE NAMAN KASI.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  myrth

    12/31/2011 | 09:36 AM
    TAMAAAAAA.TANGGAL SA PWESTO DI MAG BEST ACTOR SI DONG DONG. NYEK! SA SIMULA PA LANG NAGSALITA NA ANG REYNA.TAKOT LANG NILA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  chechelarue

    12/31/2011 | 08:26 AM
    no other woman is a sh!tty movie. since maraming bobong mga pilipino natural lang na kumita iyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  TigerPack

    12/31/2011 | 07:15 AM
    ang masasabi ko lang sa mmff ang ganda nila mag luto.. akala ko nga si kris aquino ang best actress hahahaha infernisss..shhhh wag nalang tayo kumontra new year na! kaya naisip ko na mag bago nalang..congrats sa mga hnd nanalo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  adoboworld

    12/31/2011 | 05:41 AM
    Congratulations to Maricel. Kita mo unang come back movie Best Actress agad. Walang kupas kahit sa kagandahan ang Diamond Star. Siguradong tabo sa takilya ang Yesterday Today pero dapat ang Best Actor si Gabby Concepcion.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  ChristieMarie

    12/31/2011 | 04:08 AM
    I absolutely agree with you JeepneyDriver!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  davaowenia_ia

    12/31/2011 | 03:42 AM
    I am a kapamilya i am not a fan of dingdong but i think dd deserves the award kc nakita ko ung improvement nya sa acting when i watch the last episode of stairway to heaven at magaling cya dun, so i think its time na for him to win an award..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  davaowenia_ia

    12/31/2011 | 03:34 AM
    e akala ko ba na isa sa criteria ng MMFF ay bawal ang baguhin ang movie na isinumiti na kaya nga dinisqualify nila ang movie ni maricel d ba bcuz of the changes ng movie, e bakit nakapasok ang asiong salonga na binago yong facing ng movie?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  amanda2010

    12/31/2011 | 03:31 AM
    sinong gustong maging best actor at best actress, start na kayong mag sip-sip kay kris para kayo naman next year.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  joanakulet

    12/30/2011 | 04:40 PM
    Haha ang sinasabi ko pang unang award palang to ni dd sa pagka best actor sa pelikula. At saka ung una nya award pmpc un dba di naniniwala ang kapuso sa pmpc. Haha. Sa dinami rami na nyang pelikula ngaun lang napansin ang pagiging magaling nya kasi napaka ganda ng project na ibigay sknya ng star cinema. Pwede namang sa gma films sya maki produce bat sa star cinema pa na kalaban ng istasyon nya. Hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 272  arfemayjara

    12/30/2011 | 03:11 PM
    congratz sa asiong...mganda tlga xa trailer p lng...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 271  7heaven

    12/30/2011 | 12:05 PM
    err.....The BIGGEST I should say!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 270  7heaven

    12/30/2011 | 12:02 PM
    Star Awards is the bigger joke!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 269  7heaven

    12/30/2011 | 11:57 AM
    Congrats sa lahat ng mga nanalo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 268  JeepneyDriver

    12/30/2011 | 10:38 AM
    MMFF is a big joke...awards don't mean anything..they are based on who you know, and how much can you pay and who are you... Sad to say but....RP movie Industry is still a ghost of it's former self..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 267  yummyfruit

    12/30/2011 | 10:29 AM
    Congrats DD! you deserved the Best Actor award. Don't mind the negas, you're too blessed to mind them, as what Marian said, they are just spices of life. Carry on DD.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About