Isang matandang binata, na wala nang pamilya, at isang "unconventional" parish priest ang magiging magkaibigan sa Bwakaw, isa sa mga entries sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition (Directors' Showcase). Ang direktor ay si Jun Lana, na siya ring sumulat ng screenplay.

Ang parish priest ay gagampanan ni Gardo Versoza; at ang pangunahing character, na matandang "masungit" at tanging ang alagang aso ang kasama sa buhay, ay gagampanan ng veteran actor na si Eddie Garcia.

In major (and minor) support roles, kabilang naman sina:  Soliman Cruz, Alan Paule, Joey Paras, Luz Valdez, Soxy Topacio, at Armida Siguion-Reyna (in a special role, as Eddie Garcia's "long lost love").

In a recent interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Gardo shared what he considers the "unconventionality" of his character Father Eddie in dealing with situations that he and Eddie Garcia as Mang Rene often get into.

Bakit Bwakaw ang napiling title ni Direk Jun Lana?

"Dahil yung aso, na lone companion ng lead character [Mang Rene], matakaw, malakas kumain," pagtukoy ni Gardo. 

"Sabi ni Direk Jun, yung passion niya o pagkahilig din sa pag-aalaga ng aso ang dahilan kung bakit naisip niya ang kuwento ng pelikula.

"Dog-lover din siya, tulad ko," sabi ni Gardo. Marami siyang high-breed dogs na inaalagaan sa kanilang tahanan, sa isang Pasig City subdivision.

Of Eddie's Mang Rene character, Gardo mentioned a peculiarity: 

"Isang example, yung meron siyang list ng mga papamanahan niya ng mga pag-aari niya, pag namatay raw siya.  

"Mga kaibigan niya ang gusto niyang pamanahan, dahil wala na siyang pamilya."

At gusto raw ni Mang Rene na si Fr. Eddie ang mamahala ng pag-a-announce at pamamahagi ng mga pamana sa mga kinauukulan.

"Parang gano'n," sabi ni Gardo.  "E, yung pari, nagtatanong ngayon sa matanda,  'Bakit hindi ka kumuha ng abugado, bakit sa akin mo sinasabi?'"

Sasagutin naman daw siya ng matandang masungit, " 'Paggagastusin mo pa ako, e, nandiyan ka na nga!'

Gardo added, referring to Eddie Garcia, "Marami kaming eksena ni 'Manoy' na natatawa ako.