Pasang Krus will open in cinemas starting April 1

Ricky Calderon
Thursday, March 26, 2009 @ 12:02AM  |  4768 views

Rosanna Roces plays the role of a burdened mother named Herminia in the upcoming Holy Week film Pasang Krus. It will have its celebrity premiere at SM Megamall on March 30 and will be shown in SM cinemas starting April 1, 2009.
Photo By: http://pasangkrus.multiply.com














Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Neal "Buboy" Tan noong March 24, sa press preview ng latest movie niyang Pasang Krus (international title: Affliction) na pinagbibidahan ni Rosanna Roces. Ayon sa director ng indie film na Ataul for Rent, ang tipo niyang pelikula ay gawa nina Lolita Rodriguez at Rosa Mia kaya naisipan niyang gawin itong Pasang Krus.

Ginawa rin niya ang pelikula bilang tribute sa kanyang ina.

 "I remember, ang mommy ko paborito niya si Rosa Mia. Saka nang mapanood ko ang movie ni Lino Brocka, yung Lucia, na-inspire ako," ani Direk Buboy. "Yung mga movies tungkol sa sakripisyo ng isang mother, parang nakita ko sa mother ko.  Through this film parang ibinabalik ko ang panahon ng mga old drama movies natin. Nilagyan ko lang ng medyo modern touch iba na ang mga nanay ngayon."

Si Osang (palayaw ni Rosanna) ang first choice niya para sa role ni Herminia, ang maitisin at mapagmahal na ina na dumanas nang iba't-ibang uri ng pagsubok matapos mapatay ang kanyang asawa sa probinsiya. Kinailangan nilang lumikas ng Maynila para makaligtas sila sa problema nila sa probinsiya.

"Siya talaga ang first choice ko talaga. Actually, muntik na ngang hindi mapunta sa kanya. After na gawin niya ang Aurora, sabi niya medyo mabigat ang role. Pero that time hindi pa niya nababasa ang script. Nang mabasa niya ito, sabi niya sa akin she wanted to do the movie. Ito raw ang tipo ng comeback film na hinahanap niya. Dito raw niya na realize na hindi niya kailangan magpakita ng skin," kwento pa ng director.

Kung hindi raw nakuha ni Direk Buboy si Osang to play the lead part for this project, gusto raw niya sinuman kina Lorna Tolentino or si Maricel Soriano ang siyang maging kapalit nito for the role.

Sobrang inspired si Osang sa role dito sa Pasang Krus kaya raw lahat ay ginawa nito para sa pelikula. Nagpapayat ito at siya pa ang nagre-remind kung minsan na may shooting sila. Pumayag rin si Osang na mapako ang kanyang palad sa krus para maging makatotohanan ang eksenang ito.

"Masaya ako na nakatrabaho ko si Osang. Alam ko ang pinagdaanan niya. Kaya nang makita ko ang pelikula, sabi ko para kay Osang talaga ang role. Nagkatugma lahat ng relasyon ng artista, director at cameraman. Akmang-akma ito sa pelikula," wika pa ni Direk Buboy.

Natuwa nga ang director dahil nagka-interes sa pagdidirek si Osang kaya magtutulungan sila sa pagdidirek ng isang bagong project titled Baklas. Ito ay tumatalakay sa kaso ng human organs for sale at silang dalawa ang magdidirek nito.

Ang Pasang Krus ay tinatampukan din nina Joross Gamboa, Empress Schuck, Ketchup Eusebio, Christian Burke, at Beejay Morales. Kasama rin sa cast members ang producer ng pelikula na si Maricar Santos, na siyang gumaganap na best friend ni Rosanna sa movie.

Magkakaroon ito ng celebrity premiere sa SM Megamall Cinema 10 sa March 30 at ang grand opening naman nito sa lahat ng SM Cinemas sa April 1, 2009.


1  

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name