Sa ibang bansa man o dito sa Pilipinas ay ini-enjoy ni Brillante Mendoza ang pagiging hurado ng international film competition. Tulad sa 11th Cinemanila International Film Festival 2009, na naganap noong Oktubre 15-25, 2009, kung saan naging jury chairperson siya for International Competition kasama—bilang miyembro—ang filmmaker mula sa Indonesia na si Eric Sasono.
May iba't ibang set of jurors naman para sa iba pang categories ng festival tulad ng Digital Lokal, SEA (Southeast Asian) Film Competition at Young Cinema. Si direktor Tikoy Aguiluz ang nagsilbing festival director, sa pakikipagtulungan ni Hon. Mayor Freddie Tinga ng Taguig City.
Noong Biyernes ng gabi, Oktubre 23, 2009, ay ginanap ang awarding ceremonies ng 11th CIFF '09 sa NBC Tent, The Fort, Taguig City.
Ayon kay Mendoza, hindi naging mahirap ang pagpili ng winners sa Main Competition man o sa iba pang categories ng naturang festival.
"Hindi mahirap kasi unanimous ang choice. Ang challenging, kailangan mong panoorin lahat [ng competing entries] in three days," ani Mendoza ng makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
On its 11th year, nanalo ng Grand Prize o Lino Brocka Award for best picture ang pelikulang Hunger ng first-time English director na si Steve McQueen. Isa itong pelikula tungkol sa mga preso na inilabas sa U.K. at Ireland.
Ang iba pang winners ng 11th Cinemanila International Filmfest 2009 ay matutunghayan sa artikulong inilathala dito sa PEP (CLICK HERE to read related article).
Bilang hurado sa main competition, ano ang pinakanagustuhang film entry ni direk Brillante?
Nangiti si direk, hindi makapagbanggit ng title.
Aniya, "Ang gaganda kasi, lahat naman ng pelikulang ipinalabas dito, mga winner na lahat 'yan, nanggaling sa ibang mga festivals. Yun ang kagandahan ng [Cinemanila] festival, kasi ipinapalabas dito, mga winners ng Berlin, Cannes, Venice. So, napaka-rare ng chance na mapanood..."
Ang kaibahan pa, mas maraming Filipino indie films na nanalo sa iba't ibang festivals abroad na kasali sa iba't ibang section ng Cinemanila Filmfest '09, tulad ng Pepe Diokno film na Engkuwentro (Special Mention awardee ng Cinemalaya '09) at Lav Diaz film Melancholia, na parehong nanalo sa Venice International Filmfest Orizzonti section, noong 2008 and 2009, respectively; ang Independencia ni Raya Martin na nanalo this year sa Bangkok Filmfest; ang Bakal Boys ni Ralston Jover at co-writer Henry Burgos na may special mention din sa Vancouver Filmfest.
Kasali rin bilang non-competing entries o Critics' Pick ang dalawang pelikulang naging main competition entries ng Cannes Filmfest 2008 (Serbis) at 2009 (Kinatay) na dinirek ni Brillante Mendoza, mula sa screenplay ni Armando "Bing" Lao. Si Bing Lao ay writer-director ng Biyaheng Lupa (Soliloquy) which won the Lino Grand Jury Prize sa CIFF '09 Digital Lokal section. It's Lao's debut feature film.
SITGES INTERNATIONAL FANTASTIC FILMFEST IN SPAIN. Matapos manalong Best Director this year sa Cannes Filmfest '09 para sa Kinatay, nabalita ang muling pagkapanalo ni Brillante Mendoza sa annual Sitges International Fantastic Film Festival sa Spain. Mendoza won the same award for the same film na nanalo sa Cannes.
Nanalo rin si Theresa Barrozo, isang music composer, para sa Best Original Score.
Natawa si direk Dante nang banggitin ito sa kanya ng PEP. Ang sinabi niya kasi noon, matapos ang Cannes Filmfest '09 ay hindi na niya isasali for competition ang Kinatay sa ibang filmfests abroad.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2 careermuna
1 careermuna