Mon Confiado plays gay psychotic killer in Pilantik

Mell Navarro
Saturday, February 06, 2010 @ 01:22PM  |  8910 views

 The suspense thriller Pilantik was supposed to be topbilled by Bb Gandanghari but the role of the gay psychotic killer went to Mon Confiado.













Pagkalipas ng ilang taon na pagiging mahusay na character actor, bidang-bida na si Mon Confiado sa Pilantik, isang gay suspense thriller na initial presentation ng LCP Productions ng producer na si Mr. Lito Pascual.

Matagal-tagal na rin sa industrya si Mon Confiado, at hindi matatawaran ang husay at pagka-natural nito sa larangan ng pagganap.  Isa siya sa ating underrated actors, na sa wakas ay nabibigyan na ng mga makabuluhang papel sa independent (o "indie") cinema.

Bagama't brusko at lalaking-lalaki si Mon na napapanood natin sa movies bilang kontrabida, adik, hitman, goon, killer, holdaper, rapist, etc., sa Pilantik ay bading ang role nito—at malaking hamon ito para sa kanyang pagiging isang tunay na magaling na artista.

Hindi nga lang kasi gay role ang ginagampanan niya dito kundi isang misteryosong gay na pumapatay ng lalaki!

Ang veteran TV director na si Argel Joseph ang direktor ng Pilantik. Ilang dekada na rin sa industriya si  Argel, mula sa hit suspense thrillers sa TV noong 1980s, kabilang na ang Pinoy Thriller at Regal Shockers.

Nakapagdirek rin si Direk Argel ng Lovingly Yours Helen (TV series na tumagal ng ilang taon sa TV, at ang movie version noong 1984) at ang Roman Rapido noong 1983.

Dinirek rin ni Direk Argel sa GMA-7 ang ilang episodes ng ESP at Joaquin Bordado (both 2008), Songbird, SRO Cinemaserye Presents, at Obra (2009 lahat).

Going back to Pilantik, kasama ni Mon sa cast sina Maria Isabel Lopez, Pen Medina, Chris Martinez, Jordan Castillo, Alvin Bondoc, Keith Cabanez, Bong Russo, Valeri Velez, Sofia Lee, Mengie Cobarrubias, and Shalala (of Walang Tulugan show ni German Moreno).

Introducing dito si Adonis Pascual, at may special participation si Jao Mapa na may nakakalokang kissing scene with Mon. Sa bandang ending lang nag-appear ang character ni Jao, pero markado ang role.

Natanong  ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mon kung paaano napunta sa kanya ang Pilantik role. Kuwento nito, "Ang gusto kasi ni Direk Argel na gumanap na bading for the role, e, barako daw,  para may acting challenge.

"Kasi, kung bading din [ang kukunin] walang acting dun. Ang gusto niya, macho image, pero makaka-deliver ng acting piece. Mabigat kasi ang role!

"Very emotional at physical. Siyempre, aside sa femininity ng karakter which includes nakadamit pambabae, wig, heels, make-up, kissing scenes, dapat mukhang babae siya kaya nagpapayat ako para convincing na bading talaga ako."

Bukod sa pag-diet upang pumayat, pinaghandaan talaga ni Mon ang naturang "role of a lifetime."

"Kailangan, handa ka rin sa mga fight scenes,  dahil suspense thriller ito.  At kasi, psychotic yung character, pumapatay at muntik mapatay.

"Ibinaon ako ni Direk sa lupa, at bumangon. Halos makain ko ang putik during the shoot. Napaka-challenging talaga ng karakter ko dito na usually kontrabida ako! Ha-ha-ha!" natatawang lahad ni Mon.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name