Ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay nasa ika-anim na edisyon, na magaganap mula ika-9 hanggang 18 ng Hulyo 2010.
Ang nasabing indie filmfest ay nagiging popular sa mga film enthusiasts, mga estudyante at maging corporate individuals na ina-appreciate ang quality Pinoy indie films.
Sa limang taong nagdaan ng Cinemalaya (mula 2005), kadalasa'y mga baguhang independent filmmakers and scriptwriters ang nagpapadala ng kanilang scripts upang makalahok sa pinakamimithing Top 10 entries ng filmfest.
Ngayong 2010, minabuti ng Cinemalaya Foundation na mag-imbita ng mga datihan nang filmmakers (nakagawa ng at least three films realeased commercially) at tinawag nila itong "Directors' Showcase" (dating Open Category).
Kabilang sa mga masusuwerteng direktor na nakasama sa Top 5 sa kategoryang ito si Direk Joselito Altarejos, o mas kilala sa showbiz bilang si "Direk Jay." Bukod sa pagiging filmmaker ay nagdidirek rin siya ng ilang shows sa GMA-7. Pasok ang entry niyang pinamagatang Pink Halo-Halo.
Super proud si Direk Jay na napili ang kanyang Pink Halo-Halo sa prestihiyosong Top 5 ng Directors' Showcase. Pawang mga batikang direktor ang kanyang mga "ka-level" dito—Joel Lamangan para sa Sigwa; Gil Portes, Two Funerals; Mark Meily, Isang Pirasong Buhay, at Mario O'Hara para sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.
Ayon kay Direk Jay Altarejos sa Cinemalaya presscon sa CCP, ang pagkakasali niya sa liga ng mga award-winning filmmakers na ito ay isa nang malaking karangalan para sa kanya.
Ang bumubuo ng cast ng Pink Halo-Halo ay sina Angeli Bayani, Meljun Guinto, Ms. Perla Bautista, at Allen Dizon. Kasama rin ang ilang theater actors.
Si Angeli Bayani ay ilang taon na ring lumalabas sa pelikula as an underrated character actress. Nakagawa siya ng apat na pelikula noong 2009: Ang Laro sa Buhay ni Juan na dinirek rin ni Direk Jay; Aurora ni Direk Adolfo Alix Jr., Panahon Na ni Direk Sean Lim, at Ben and Sam ni Direk Shandii Bacolod (shown last month).
Si Meljun Guinto naman ay lumabas bilang isa sa mga bida sa Baseco Bakal Boys ni Ralston Jover at siyang bida bilang bata sa political TV commercial ni Senator Manny Villar sa kantang "Naligo Ka Na Ba Sa Dagat ng Basura?"
Kilalang-kilala na rin ang veteran actress Perla Bautista, at ang former sexy actor turned actor-film producer na si Allen Dizon, na nagkamit na rin ng ilang acting awards.
SYNOPSIS. Gumaganap na mag-ina sina Angeli at Meljun sa pelikula, at ang sundalong ama nito ay si Allen. Narito ang kabuuang synopsis ng Pink Halo-Halo:
Natoy, like any other child, finds joy and excitement in the simplest of things, especially eating halo-halo filled with pink gelatin and red sago. Things change suddenly when, as he is watching television, a news report about the ongoing war in Mindanao shows footage of a badly wounded soldier waiting for rescue . That soldier almost bleeding to death is his father, Corporal Lino Bolante.
That report starts his journey as he and his mother Sonia wait for help that comes too late. As far away as the war, this story does not just show how the war in Mindanao robs a child of his innocence, but also shows the shadows of the wars that Filipino homes confront everyday.
Kung dati'y may kontribusyon lamang si Direk Jay sa stories ng kanyang past films, o may kasamang gumawa ng screenplays ng kanyang movies, ang Pink Halo-Halo ang kauna-unahang solo venture niya as a scriptwriter.






may cameo role ba si xander?