Sa isang banda, naka-focus ang kuwento ng Tarima sa matapat na pagkakaibigan (gay friendship) sa pagitan nina Roselo at Gringo (Chokoleit) at ang naging kaibigan nitong gay inmates, partikular ang aging character ni Oskar Peralta na gumanap sa character na Olga. Common friend naman nina Fanny at Chokoleit ang character ni Tita Swarding, isang store owner na inuutangan ni Fanny.
Kuwento rin ito ng ugnayang pampamilya, na saklaw ng mga sinaunang paniniwala at makalumang tradisyon, na labis ang pagsikil sa isang kung tawagin noo'y isang "binabae."
Si Roselo ay nasa pangangalaga ng kanyang matatandang yaya (Rustica Carpio) at Tiya Imang (Gloria Romero), na sobra sa pagka-istrikta. Ipapakita sa pelikula ang mga pangyayari sa buhay ni Roselo: mula sa tahimik niyang buhay bilang mananahi ng mga damit ng santo na deboto ng Nazareno sa Quiapo, hanggang sa mga pangyayaring magpapabago ng kanyang landasin sa buhay, paniniwala, at paghahanap ng ibayong kahulugan para sa mga taong pinag-uukulan ng pagmamahal nang higit sa sarili.
"Hindi lang ito kuwento ng kabadingan, [kundi] kuwento rin ng magkaka-pamilya; kuwento ng firendship," pagtukoy ni Direk Neal. "Kayo na lang ang mag-judge. Mahirap magsalita, pero sa lahat ng nakapanood na [sa ilang previews], happy naman sila sa movie.
"Basta, magiging masaya ang mga bading! First gay movie ko ito, at sinasabi ni Tita Fanny, it is 'one of the most beautiful gay love stories ever told!'" excited ding wika ni Direk Neal.
FULFILLING A DREAM. Tinanong ng PEP si Tita Fanny hinggil sa kanyang naging pananaw matapos ang paggawa ng isang indie film tulad ng Tarima (Love Nest).
"Unang-una, ito 'yung pelikulang may 'indie budget,' na walang maniniwalang ito'y 'pang-indie budget' na movie," sabi ni Fanny. "It doesn't look like an indie film; but a mainstream movie. Meron siyang character. Sinasabi nga, 'indie budget' ito, kasi ito lang ang puhunan, kaya ito lang ang gagawin nating pelikula, 'yun lang ang makikita n'yo...'
"Pero, siguro, sa connection ko din, para lambingin ko na, 'I want Tita Gloria [Romero] here,'" sabi raw ni TF kay Direk Neal Tan. "Ah, sumagot na ako, 'eto naman ang effort mo: 'Pag 'di mo nakuha si Tita Gloria, walang samaan ng loob, hindi ko gagawin 'yang pelikulang 'yan...'"
Pumayag subukang kunin ni Direk Neal si Gloria Romero, at masuwerteng napapayag itong gumanap, bilang Tiya Imang.
"Maya-maya, 'Can I also ask for Rustica Carpio, as my yaya-yaya?'" hiling daw uli ni Tita Fanny.
Bagama't hindi pa sigurado, nag-try din ang Tarima writer-director na kunin si Rustica Carpio, at muling nasunod ang kahilingan ni Fanny. Same thing happened sa pag-cast sa ilan pang major and minor roles, tulad nina Chokoleit at Rocky Salumbides; or even Oskar Peralta, na may magagandang kuwento rin ng kani-kaniyang pagkasali sa cast ng Tarima.
Kabilang sa mga taga-produksiyon na tumulong sa negosasyon, para sa mga gustong kuning artista, ang supervising producer na si Gregorio Recuerdo III, at executive producer, Rey Maclang.
"Pati nga si Tiya Pusit, e, nang kunin namin... du'n kasi siya nakatira sa Bliss [somewhere in Quezon City], 'May role ka sa movie, huwag ka nang mag-taxi, kami na lang ang pupunta sa inyo, diyan ka na lang namin kukunan para hindi ka na mahirapan!'" kuwento naman ni Ronald Carballo, TF's writer-friend na publicist ng pelikula. At tuwang-tuwa ang komedyana sa nangyaring pag-bisita ng production team sa place niya, na 'biglaang raket' din! Ginampanan ni Tiya Pusit ang papel ng yaya ni Rap-Rap, ang anak ng nabilanggong si Bryan, sa Ana Capri character na may iba nang kinakasama [played by Alvin Fortuna].
"Si Chokoleit, isa pa rin sa masarap maging artista. 'Tsaka si Gloria Romero..." pagpuri pa ni Direk Neal.
"Dahil kay Tita Glo, napalaki namin ang movie. Nagsimula kami sa simpleng pangarap, biglang lumaki," natutuwang sabi rin ni Direk Neal Tan, na umaasa at sabay-naniniwalang maganda ang magiging outcome ng bago nilang pelikula.






quot;Dahil kay Tita Glo, napalaki namin ang moviequot;
ibang klase talaga ang Queen....