Tarima's private screening draws big praise for lead star Fanny Serrano  

Ruby Dela Rosa
Wednesday, August 04, 2010 @ 02:51PM  |  6193 views

Tarima, an indie film starring Fanny Serrano (in photo) and Rocky Salumbides, will premiere at the Cultural Center of the Philippines on August 28.
Photo By: File photo













Kagabi, August 3, nagkaroon ng private screening ang Tarima, sa Quezon City house-and-salon ni Fanny Serrano, ang lead star ng indie film na may premiere night sa Agosto 28 sa Cultural Center of the Philippines.

Sa pelikula, first billing si Fanny, na unang tumanyag bilang makeup artist ng mga malalaking artistang gaya nina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino, at ngayon ay stylist and couturier na rin ng mga stars.

Tampok din sa pelikula ang mga beteranong artistang sina Gloria Romero at Rustica Carpio, ang successful TV and club comedian na si Chokoleit, ang baguhang si Rocky Salumbides (na sa ngayon ay mas kilala bilang model at boyfriend ni Eula Valdes), at iba pa. May guest appearances din dito sina Gina Alajar at Ana Capri.

Ang may higit-kumulang na dalawampung guest na inimbitahan ni Fanny, upang hingan ng komentaryo at feedback, ay umuwing hangang-hanga sa mga performances. Matapos ng screening, pinalakpakan ng mga ito ang mga nagsipagganap na naroon nang gabing iyon: sina Fanny at Ms. Gloria. Inabutan naman ng bouquet of flowers ni Fanny si Ms. Gloria bilang tribute at congratulations.

Si Fanny ay gumanap bilang isang big-hearted gay na makakahanap ng true love, ngunit dadaan muna sa mahabang panahon ng kalupitan sa kamay ng kanyang minahal na lola. Kasama sa kalupitang ito ay ang paghahampas sa kanya ng baston noong bata pa siya, na ikinabulag ng kanan niyang mata.

Si Gloria Romero ang lola sa pelikula. Makitid ang utak, bitter sa buhay, walang nirerespeto sa mga kasambahay na sa tingin niya'y pinalalamon lamang niya, mapagkuwenta sa perang pinauutang niya sa malaking tubo, ngunit madasalin at pinagsisilbihan nang husto ng kanyang inaaping apo.

Ngayong umaga, Agosto 4, nag-text si Fanny sa PEP editor in chief na si Jo-Ann Maglipon, na kasama sa mga nanood kagabi. Ang iba pang nanood ay sina Direk Joel Lamangan, Mowelfund head Boots Anson Roa na isinama ang brother nitong dumadalaw mula sa States, entertainment columnists Ronald Constantino at Mario Bautista, events organizer Ronald Carballo, at ibang miyembro ng showbiz community.

Ito ang text ni Fanny kay Ms. Jo-Ann:

"Salamat sooo much, JO-ANN, for sharing your precious time with our 'baby' TARIMA last night...and for all your gift of TRUST and SUPPORT. Sa totoo lang, all the people behind TARIMA and I were super honored with your presence and blessing us with your heartfelt comments that will surely add more texture to the movie to have a successful premier opening on aug28 at the CCP. MULA SA PUSO MO NA NAKARAMDAM SA TOTOONG PUSO NG TARIMA! GODbless!"

Ayon kay Jo-Ann, ito ang isinagot niya sa text ni Fanny:

"I was so glad to be there, in your company and beside your friends and colleagues, viewing a film where you gave your all, heart and soul and more, right alongside the great Gloria and Rustica, the admirably talented Chokoleit, and the promising Rocky, in a valiant effort to make audiences understand love in all its forms. Tinimbang ka, Fanny, at hindi ka nagkulang. My best to you now and always."

FEEDBACK ON TARIMA. Ayon din kay Ms. Jo-Ann, ang Tarima ay hindi perfect film. "Malayo pa," sabi ng editor ng YES! magazine. Well-intentioned at courageous daw ito, ngunit marami ka pang hahanap-hanapin sa pelikulang indirehe ni Neal Tan at ipinrodyus ni KC Guerrero.

Si Neal ay hindi baguhan director. Nagawa na nito ang mga indie films na Pasang Krus (2009), Hilot (2009), Tiltil (2008), Casket for Hire (2007), Barang (2006), Night Job (2005), Takaw-tingin (2004), Tag-init (2004), Karelasyon (2004), Check-Inn (2004), Puri (2004), Kalabit (2003), Marital Rape (2001), at Waray (2000). Kaya nga, ayon kay Jo-Ann, kelangang may "legitimate expectations" na sa director.

Pinakamalaking obserbasyon ni Ms. Jo-Ann ay ang kakulangan ng pagka-pino ng kamay ng direktor: "The hand of the director seems, to me, to be still heavy. Maraming eksenang mas magaan dapat ang dating, dahil simple expositions pa lang ang mga ito. Kung mabigat na kasi agad ang bagsak, ano na ang build-up mo? May mga dramatic moments naman na mas nakaantig sana ng damdamin kung ganoon din—kung mas magaan ang pagkakadala.

"Ang nangyari kasi, throughout much of the film, assault sa viewer ang dominant rhythm at tone. Kulang sa subtlety, o sabihin nang lyricism. Halimbawa, sa mga karakter. Halos one dimensional na ang dating ng mga character sketches: lahat meanness and anger sa karakter ng lola (Gloria); lahat kabaitan and long-suffering acceptance sa karakter ng apo (Fanny). Mabuti na lang magaling silang umarte, kundi sira ang profiling.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name