Gaganap si Dimples Romana ng isang "Ces Drilon-inspired" character sa indie film na Tsardyer, isa sa official entries ng 6th Cinema One Originals, written and directed by Sigfried Barros-Sanchez.
Matatandaang naging isang malaking balita ang pagkaka-kidnap at pagho-hostage ng mga Abu Sayyaf kay Ces Drilon, isang ABS-CBN news anchor, noong 2008.
Ang nasabing independent film festival ay ipapalabas mula November 10-16, 2010 sa Shangrila Mall Cinemas. Ang pitong entries this year ay produced ng Creative Programs, Inc. (CPI), isang entertainment subsidiary ng ABS-CBN.
Ang Tsardyer, ayon kay Direk Sigfried, ay hango sa kuwento ng batang lalaking inuutusan ng mga Abu Sayyaf na "i-charge" ang kanilang mga cell phones kapag ito'y naglo-low battery na, habang hostage pa nila sina Ces Drilon and company sa kabundukan.
Kasama rin sa pelikula ang child actor na si Martin delos Santos (lumabas na sa Hollywood film na Mammoth opposite Michelle Williams and Gael Garcia Bernal at kakalabas pa lamang sa PETA play na Ang Postman) bilang si Shibab; Neil Ryan Sese bilang ama nito; Pipo Alfad (isang totoong Tausug actor), Shamaine Buencamino, Dido dela Paz, Mon Confiado, Bombi Plata, indie veteran Raul Morit, musician Frank Corona, at mga Tausug guys.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa writer-director ng Tsardyer na si Direk Sigfried, naikuwento nito ang kanyang first few shooting days experience. As of press time ay ilang araw pa ang tatakbuhin bago matapos ang principal photography ng pelikula.
Ayon kay Direk Sig (palayaw nito), sa unang araw pa lang ng kanilang shooting ay pumunta na sila sa Sulu, partikular na sa Abu Sayyaf-infested areas tulad ng Patikul, Indanan, Talipao, and Maiombong sa Sulu.
"Hindi namin akalain na habang nagsu-shooting kami doon ng ilang footages sa isang town doon, naka-face to face namin sila, greeting them with smiles, ang members ng Abu Sayyaf group," kuwento ni Direk.
Ang ikalawang shooting day nila'y ginawa sa Quezon City.
"Kinonvert namin ang Mandaue Foam, isang foam store sa Banawe bilang hotel room sa Sulu kunsaan nag-stay yung character ni Dimples at ang crew nito. Nag-reunite kami nina Shamaine Buencamino at Bombi Plata, my two former actors in my first two films, Lasponggols (Cinemalaya 2005) and Ang Anak ni Brocka (Cinema One Originals 2005)."
Ang third shooting day ay ginanap sa Phillip Sanctuary sa Antipolo, Rizal.
"Mahuhusay ang actors that day. Ang highlight ng shoot ay yung 'tuhog' shot, kunsaan 'yung character ni Mon Confiado ay dapat nang pupugutan ng ulo ni Commander Karim [played by Pipo Alfad]. Tatlong cameras ang ginamit noon sa isang mahabang take! Take one lang 'yun dahil magagaling ang mga artista.
"Pipo Alfad was a revealation and a prized find. So was our boy, Martin Delos Santos who plays Shihab. Ang veteran actors like Dimples, Bombi, Mon, and the great Raul Morit were also revelations. Naging instant fan nila ako."
Kumusta naman ang pagganap ni Dimples sa kanyang role na "inspired" ni Ces Drilon na sa totoong buhay ay nakidnap ng mga Abu Sayyaf?
"Magaling si Dimples. She captured the pain of the mother na hinahanap ko sa ginagawa naming pelikula. She was very motherly sa character nu'ng bata na si Shihab. Gusto kong makapag-uwi siya ng isang best actress award para sa portrayal niyang ito!
"For Raul, he, too, was a revelation because he had to learn how to speak Tausug in the film and he passed it with flying colors. Niloloko nga namin siya na isa na siyang adopted son ng Sulu."





