Auraeus Solito's Busong selected for Cannes' Directors Fortnight

William R. Reyes
Saturday, April 23, 2011 @ 01:30AM  |  5595 views

  "Never nagpa-double si Alex. Kahit masakit na ang likod niya sa mga malalayong shot ng pagbuhat sa kanya. Kahit nangangatog na siya sa lamig bago lumusong sa waterfalls habang umuulan. Kahit ang tindi na ng init sa gitna ng pulang lupa. Wala talaga siyang kaarte-arte. She is a professional and a trouper. Her talent is pure and she is a good person at that!" says director Auraeus Solito (inset) about the lead star in Busong, Alessandra de Rossi.
Photo By: File photos













Muling nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang award-winning indie filmmaker na si Auraeus Solito, sa pamamagitan ng e-mail, kaugnay ng pagkatanggap ng kanyang bagong pelikulang Busong (Fate) upang maitanghal sa prestihiyosong Cannes International Film Festival sa France. Ang 64th edition ng naturang film festival ay gaganapin simula May 11-22, 2011.

Lumabas na noong Martes, Abril 19, ang opisyal na talaan ng mga pelikulang kabilang sa Cannes' Directors Fortnight. Dalawampu't isang feature films ang kabilang sa 2011 selection ng Directors' Fortnight, isa sa mga non-competition sections ng Cannes—ang itinuturing na pangunahing film festival sa buong mundo. 

Kasabay na maitatanghal ng Busong  ni Auraeus Solito ang iba pang mga pelikulang likha ng mga filmmaker mula sa Amerika, Europa, at Asya, gaya ng O Abismo Prateado/La Falaise Argentee (Brazil, by Karim Ainouz); Return (USA, by Liza Johnson); Apres Le Sud (France, by Jean-Jacques Jauffret); Breathing (Austria, by Karl Markovics); Blue Bird (Belgium, by Gust Van Den); Chatrak (France/India, by Vimukthi Jayasundara).

Sa naunang press conference, bago ang opisyal na announcement, nagpahayag si Frederic Boyer, festival director ng Cannes-Directors Fortnight selection, tungkol sa pagkakapili sa Philippine film entry.  

"I am thinking," sabi ni Boyer (sa Cannes Filmfest website news), "about a film we found from Southern Philippines... that transcends the border between documentary and fiction. The film deals with animism and is very close to nature. It has been shot without any apparent wish to be selected in Cannes or to be picked by a co-producer."

Sa buwan ng Mayo gaganapin ang Cannes Film Festival at inaasahang dadalo roon, bilang delegasyon, kasama ng iba pa, ang direktor at ang pangunahin niyang aktres sa pelikula—si Alessandra de Rossi.

THE PEP INTERVIEW. Narito ang kabuuan ng PEP interview kay Auraeus Solito:

Bukod sa Cannes, ipinadala mo rin ba ang Busong upang maitanghal sa iba pang international film festivals?

"Nope. Just Cannes."

Gaano kahalaga sa iyo na natanggap ang Busong sa Cannes?

"Isang pangarap ang Cannes mula no'ng bata pa ako. Nang matanggap ang Insiang (1976) ni Lino Brocka sa Directors Fortnight at naging kauna-unahang pelikulang Filipino sa Cannes, naisip ko noon, 'Kaya ko kaya ito?'"

Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang katangian ng Busong kung kaya napili ito ng selection committee sa Cannes Filmfest?

"In-email ako ng festival director ng Directors Fortnight na si Frederic Boyer. Sabi niya, pagkatapos daw nila panuodin, 10 minutes after, ay nagdesisyon na silang isama [ang Busong]. Nagandahan daw sila sa mga imahen, magaan at masarap panuodin ang pelikula. 'Soothing' ang salitang ginamit nila."

Alessandra de Rossi. Sa isang hiwalay na interview, pinuri ka ni Alessandra de Rossi, bilang si Punay, isang Palawan native. Sabi niya, tinanggap niya ang papel niya sa Busong dahil naniniwala siya sa iyo bilang filmmaker. At sabi rin ni Alessandra, pinanood niya ang una mong pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros noong 2005 sa sinehan.

Was the feeling mutual? Did you also watch Alessandra's starrers and admire her talent? Anong aspeto ng talento sa pag-arte ni Alessandra ang nais mong ipakita sa Busong na hindi naipakita sa iba niyang  pelikula?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name