Isa si Glaiza de Castro sa mga local young actresses ang masasabing laging maaasahan pagdating sa mahusay na pagganap. Kung kaya't hindi lamang sa telebsiyon siya visible, tulad ng pagkakasama niya sa epicserye ng GMA-7 na Amaya kundi pati na sa pelikula, lalo na sa indie cinema.
Taong 2007, nakuha ni Glaiza ang isa sa biggest breaks niya sa pelikula nang pagkatiwalaan siya ng producer ng Still Life upang magbida sa nasabing indie film na official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival that year, directed by Katski Flores.
Sa Still Life, hindi lamang sa Cinemalaya 2007 awards night na-nominate si Glaiza bilang Best Actress, kundi pati sa prestihiyosong Gawad Urian noong sumunod na taon, 2008, kunsaan co-nominees ni Glaiza sina Cherry Pie Picache (Foster Child), Lorna Tolentino (Katas ng Saudi), Judy Ann Santos (Sakal Sakali Saklolo), at Ina Feleo (Endo).
Two years later, 2009, nagbalik-Cinemalaya si Glaiza bilang female lead naman sa Astig kunsaan nakasama niya sina Dennis Trillo, Sid Lucero, Edgar Allan Guzman, and Arnold Reyes.
Call it coincidence, pero another two years have passed, ngayong 2011 ay muling nagbabalik-Cinemalaya ang contract artist na ito ng DMV Entertainment ni Manny Valera.
Bidang muli si Glaiza sa I-Libings, isa sa official entries ng Cinemalaya 2011, sa new breed section o mga pelikula mula sa mga baguhang filmmakers.
Ang I-Libings ay isang coming of age story tungkol sa isang funeral videography intern--played by Glaiza--at ang kanyang journey sa mga lessons at mga katotohanan o realizations ng buhay at kamatayan.
Nakapayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Direk Rommel Sales, writer-director ng I-Libings.
Ano nga ba ang "history" ng pagkakabuo ng I-Libings bago inilahok ni Direk Rommel ang kanyang script para sa Cinemalaya 2011?
"Noong January 2010, isang friend ko ang nagtanong sa akin kung gusto ko raw pumasok sa business ng e-libings (funeral videography).
"Sabi niya, easy money daw ito, maliit na capital lang ang kailangan, at majority ng clients ay OFWs. I got curious about the whole thing as a business.
"July 2010, right after ko mag-workshop under Bing Lao, I was playing with the idea of writing a screenplay tungkol sa isang college student who was having trouble getting into an internship.
"Then, naisip ko, why not the e-libings? Yung character kasi ni Isabel [main character in the story] is roughly based on the life of a friend of mine. So, doon nagsimula ang lahat," kuwento ni Direk Rommel na ang unang directorial job ay ang Slow Fade (2010) starring Diether Ocampo and Precious Lara Quigaman.
Bakit napalitan ang original title na E-Libings to I-Libings?
"We are changing the title because St. Peter's Chaapel owns the E-libing title and hindi nila kami binigyan ng permission para gamitin ito.





