Award-winning actress Eugene Domingo makes her comeback to the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this year. The 7th edition of this annual filmfest will take place from July 15-24 at the Cultural Center of the Philippines and select cinemas at Greenbelt 3.
Memorable para kay Eugene ang Cinemalaya dahil dito siya unang nagkamit ng acting award. Nagwagi siya best supporting actress for the movie 100 na dinirek ni Chris Martinez.
For her comeback film, Eugene stars in the satire Ang Babae sa Septic Tank, na film debut ni Marlon Rivera, president and chief executive officer ng Publicis Manila. Siya rin ang co-producer and creative consultant ng Martinez-Rivera Films which produced 100 for Cinemalaya.
"I am excited and proud of this film. First time at hindi na siguro mauulit na I am going to play myself—upgraded," wika ni Eugene about her role in Ang Babae sa Septic Tank nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent presscon ng Cinemalaya.
"Silip ito sa paggawa ng pelikula, particular ang indie filmmaking. It's a film within a film, a movie within a movie. Tungkol ito sa tatlong filmmakers na nangangarap na makagawa ng movie that would take them sa red carpet ng Oscars. Ang tanong: paano nila magagawa iyon at makukuha ba nila si Eugene Domingo to be their star?"
Lalo raw na-excite si Eugene nang mabasa niya ang script na sinulat ni Chris Martinez. Isa pa, she's being handled by a new director mula sa advertising world kaya kakaibang experience itong muli para sa kanya.
"It's really a very difficult material written by Chris Martinez. To this day, pinapapahanga pa rin niya ako, I am also very excited to have worked with Marlon Rivera, a new director and who is from the advertising world. Wika nga niya, natanggal siya sa kanyang comfort zone. Nakita ko ang pagbabago niya.
"Magaling siya and he's very intelligent. Sa tingin ko ang hindi masyadong nakakaunawa at hindi masyadong mautak na director would have a hard time doing this project. But he's really very intelligent and clever," sabi pa ni Uge about her new director.
STARRING IN A SATIRE. Winika pa ng two-time Golden Screen Awards winner na malaking challenge to play herself.
"Iniba ko kasi ang sarili ko. Something like that. Satire kasi ang pelikula. We are not trying to make a statement. We are presenting some things that are based on things that are really happening," pahayag pa niya.
Ibig sabihin ba nito ay lumusong ka talaga sa septic tank? "Bakit naman natin sasabihin kung hindi naman natin mare-reach? Tignan na lang natin. Yun ang kabilin-bilinan ko sa filmmakers, gawin na nila ang lahat huwag lang nila akong palusungin sa septic tank. Ipagawa na nila lahat sexy na may actual penetration o kaya action, pero huwag ninyo naman akong palusungin sa tae," natatawang pahayag ni Uge.
Nagkaroon ka nga ba ng aksidente sa set ng pelikula?
"Tama ka, nahulog nga ako sa septic tank pero all's well that ends well. After the last shooting day, nagpalakpakan lahat ng staff. Everybody was happy na nakaraos kami kahit na nagka-delay-delay dahil nga naaksidente ako. Hinintay muna nila akong maka-recover bago kami nag-resume ng shooting. Hinintay nila akong gumaling tapos pumunta pa ako sa Roma for Here Comes the Bride.
"Nang makita ko naman ang mukha ni Marlon Rivera, mukhang masaya naman siya, masayang-masaya sila kasi nakatapos kami ng movie. Pero talagang kailangan ko raw talaga lumusong sa septic tank. So I did it. Siyempre kinabukasan, siyempre yung ginagawa mo tuwing umaga, uupo ka sa trono. Tinignan ko ang lumabas sa akin. Ganitong ganito ang nakita ko sa septic tank. Parang gusto kong lumusong uli," natatawang wika ni Uge.
"Importante talaga sa production design somehow nakopya naman nila kasi magandang maramdaman, maamoy at makita."
Eugene hopes na kapag napanood na ang movie ay mag-enjoy ang mga viewers, lalo na yung mga film addicts na lumulusob sa CCP tuwing Cinemalaya.
"This (film) is supposed to be a celebration. Wala naman kaming statement na ipinapalabas. Nag-enjoy lang tayo rito, na kung anuman ang maamoy ninyo, i-enjoy natin ang movie," saad pa niya.
Puwedeng sabihin na may whistle-bait figure si Eugene ngayon. Sabi niya, she's on her ideal weight of 117 kasi maliit lang. She's only four-feet-eleven inches tall. Comfortable naman daw siya sa kanyang pakiramdam sa kanyang katawan.
"We really hope that in the projects that I will get, magiging factor ang katawan ko. Isa sa mga gusto kong paniwalaan ay ang hindi pag-stereotype ng isang artista. It's about the role, how you portray it and the chance na maipakita mo na bagay rin ito sa iyon."




CALLED OUT
ALL COMMENTS